[Dafniey's POV]
Kasabay ko na naman tong headphone guy sa Jeep at as usual tahimik lang siya. Ngayon ko lang nalaman na same school pala kami. Grade 11-1 siya , genius siguro to. May kahawig siya pero di ko naman malaman ang name niya dahil nakatalikod ang id niya. Di nagtagal nasa school na ako.
Gumawa kami ng banners para sa competition mamaya. Maririnig ko na naman ang nakaka in love niyang voice!
"Oh my gosh Daf!!! You know what? I can already feel the taste of love!"- si Pretzel.
"Ewan ko sayo! Sus! Binola ka lang ni Stacey nong sinabi niyang beautiful lady ka, pwede pang childish girl"- ako.
"Sama mo naman bestie! Hindi manloloko sa Stacey my bebe no!"- siya.
"Hindi manloloko? Ano kayo close? Si Case babe lang ang matino sa kanila"- ako.
"Ay wow! Matino? Close kayo?"- sarcastic niyang sabi.
Nagsitipon na kami sa school gymnasium, nandito rin yung taga ibang school. Buti na lang mala MOA tong gym namin haha. Nasa unahan talaga kami at nakipagsiksikan. Nagsalita ang principal namin at sumunod ang dalawang emcee.
"So now! Let the Battle of the Band Begin!"- MC. Nagsipalakpakan kami, no. 4 ang Nightwind.
Ang gagaling ng mga nauna! Lalo na yung No. 2! At ngayon ay Nightwind na!!! Super Cheer talaga kami. Marami silang kinanta na uso na ngayon at may guitar tricks pa na ginawa si Stacey. Ang astig niya talaga! Grabe! Para kang hinihile sa ulap pag marinig mo ang boses ni Case! After nila sumunod ang tatlong natitirang performers. Every group may mga techniques kaya nahirapan talaga ang mga judges. Habang nagka count pa ng mga scores marami ang nag intermission number na mga dance crew , drama at kanta. Napaka talented pala ng mga estudyante sa school namin.
"Ok! Everyone I'm holding now the result! Whose your bet???"- MC. Kaniya kaniyang shout kami naman ay 'Go Nightwind!'
"We know that you are already excited! What are we waiting for?! The Champion of the Battle of the Band!!!........ The Nightwind Band!!!"- MC.
Hindi naman kami mapigil sa sobrang sigaw. As in! Ang ingay-ingay. Binigyan ng trophy ang Nightwind at kinongratulate ng judges.
"Nightwind band! The undefeated! What can you say about this achievement?"- MC.
"We are so very happy and thankful to the fans who supported us. Thanks guys!!!"- Case babe ko.
"Kung hindi dahil sa mga fans namin na parating nandyan para sumuporta hindi kami mananalo. Naganahan din ako sa paggitara dahil hindi ako binigo nang inaasahan kong fan sa bawat contest"- si Stacey at gosh! Nakatingin kay Pretzel!. Maraming na curious kung sino ang inspiration ni Stacey kaya pati si Case babe ko tinanong din.
" Ahmm... Initial niya lang muna ang ibibigay ko. It's D.P"- Case.
D.P???
"Kyaahh!!! Bestie! D.P daw oh! Posible kayang Dafniey Paris?"- shock na tanong ni Pretzel. Na speechless ako. Initial ko rin kasi yun eh! Gosh! Sana ako nga!
Sa sobrang tulala ko, di ko namalayan na iniwan na ako ni Pretzel at nandon na siya sa stage at naki selfie kay Stacey.
Teka lang! Unfair to ah! Dinudumog nila si Case babe ko.
Mabilis na nakipagsiksikan ako sa mga tao makaakyat lang sa hagdan.
"Excuse!"- ako habang hinahawi sila. Grabe! Ang initttt!!! Malapit na ako sa stage. Ang sikip! Ang taba kasi nitong babaeng nasa harap ko.
Makikipagsiksikan pa sana ako nang bigla niya akong hinawi at nawalan ako ng balanse. Lumilipad ako. Sana naman hindi magkanda lasog-lasog ang katawan ko. Napapikit na lang ako.
" Gotcha!"- rinig ko.
Teka?!
Ang tagal ko yatang lumagapak sa semento? Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at dalawang pares ng mata na kulay light brown ang nakasalubong ko. Matagal akong napatulala bago nagsink in lahat sakin. Buhat ako ng lalaking to!
Bridal style!
"P-pwede mo na akong i-ibaba"- ako. Dahan-dahan niya naman akong binaba.
Tiningnan ko ang kinaroroonan ng hagdan. Napalunok ako. Ang taas pala talaga ng kababagsakan ko kung hindi ako nasalo. Tiningnan ko siya.
O.O! Si earphone guy!
"T-thank you pala sa pagsalo sakin"- nahihiyang sabi ko.
"It's okay. Next time be careful"- siya.
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Teen Fiction" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"