Chapter 11: Realized

16 8 3
                                    

[Dafniey's POV]

        Gosh!!! I'm dead! Late na ako! Kasi naman nawili talaga ako kakapanood ng 'Train to busan' kaya ayan maga na ang mata ko sa kakaiyak at late ng nagising.

Sana hindi matapos ang flag para hindi ako makakanta.

Huhu! Lord God help me po 🙏

"It's time for the late comers to shine!"- principal.

Grabe naman nakakahiya! May limang babae pa na nuna sakin.

"Grade 11-2. Dafniey Paris, reason? Late ng nagising"- principal.

Umakyat na lang ako sa stage. Whoo! Bahala na.

*Sign of the cross*

"I'll be there"

~The first time I laid my eyes
to someone like you.
I can't forget the hours
and moments with you.
Then I have realized
Loves growing deep inside.
I feel the beating of my heart.

Napatingin ako sa taong kadadating lang.

Clay...

(Chorus)
~ Cause everyday, every night
I keep looking at the skies
And I pray that someday
You will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there.

Buong pagkanta ko kay Clay lang talaga ako nakatingin. Sana mapansin niya yung feelings ko sa pamamagitan ng kanta.

II.
~Spending my days and nights
Just thinking of you
How you make me wanna smile
With the things that you do
When will I hear you say?
Loves coming on your way
and that you starts to feel the same...

Di ko napigilang mapaluha habang kinakanta ko yung last part. Nong nagmumukmok ako non sa kwarto ito yung kanta na nakakuha ng atensyun ko.

Bumaba ako pagkatapos kong kumanta, nilagpasan ko lang si Clay na steady lang sa pagtayo.

"Grade 11-1, Clay Almonte. Reason? Late na nagising dahil sa kakaisip sa special someone niya.. hmmm.."

Maraming kinilig at naghiyawan.

Nagstart na siyang kumanta.

~Minamasdan kita ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi at malamyos mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit.
Huwag ka lang titingin
At baka matunaw ang puso kong sabik.

(Chorus)

Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin.

Ang ganda pala ng boses ni Clay parang katulad kay Kuya Case. Swerte naman ng special someone niya.

Oo , mamamatay na ako sa selos. Nag walk out na lang ako at dumiretso sa room. Hindi ko na makakayanan ang tagpong iyon.

Hindi nagtagal nagsidatingan na nag mga kaklase ko at si Pretzel.

"Grabe Dafniey! Ang ganda talaga ng boses mo. Magpalate ka na lang kaya palagi."- isa kong kaklase. Suntukin ko kaya to!

"Sino kaya yung special someone ni Clay no?"- Pretzel.

"Ewan! Di ako updated sa love life niya kaya huwag mo akong tanungin"- inis kong sabi.

"Bitter oh! Malay mo ikaw yung tinutukoy niya"- siya.

"Malabong mangyari"- ako.

"Sus! Hugot bala nga pagtuo!"- siya.

Ano raw???

"Ha?"- ako.

"Hahaha pasensiya na nahahawa kasi ako sa mga katulong namin sa bahay na mga bisaya eh. Ibig sabihin non higpitan mo yung pananampalataya mo! Gets?"- siya.

Napatango-tango ako.

Wala akong naintindihan sa tinuturo ni ma'am. Paano kasi puro Clay, Clay, Clay lang ang laman ng utak ko.

Tama nga naman ang kasabihan na nakakapagpabaliw at nakakapag pagulo ng isipan ang pag-ibig.

Naranasan niya rin kaya to?

Mahal niya ba ako?
   

That Smile ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon