[Dafniey's POV]
Teka? Ba't walang bus o jeep na dumadaan?
Male late na ko nito oh!Maya-maya may motorsiklo na tumigil sa harap ko. Inalis nito ang kaniyang helmet.
At parang slow mo na inayos nito ang buhok.
"May meeting lahat ng mga driver ng bus at jeep so wala kang masasakyan"- siya. Napatayo ako.
"Marunong kang mag motor?"- ako.
"Of course! Come on sabay ka na lang sakin"- siya at inabot sakin ang isang helmet.
"H-ha? Ba't naman ako sasabay?"- ako.
"You don't want to be late right ?"- medyo naiinip na siya.
No choice, kinuha ko na lang ang helmet at sinuot, pahalang na umupo ako dahil medyo may kaiklian ang palda ko.
"Hold tight"- siya.
"H-ha? Saan?"- ako.
"Sa bewang ko alangan namang sa leeg"
Nabara pa ako!
Kumapit na lang ako sa bewang niya at napalunok ng wala sa oras.Ano ba tong nahawakan ko?
Bato?
Di kaya?*gulp!*
ABS?!!!
Aisshh!! Ano ba tong pumapasok sa utak ko.
Pagdating sa parking lot maingat na bumaba ako sa motor niya.
Inalis ko ang helmet sabay ayos ng buhok. Inabot ko sa kaniya ang helmet.
"Thank you pala sa paghatid ....."- ako.
"Clay. My name is Clay and you're welcome"- siya.
Clay? Ang unique ng name niya.
Dumiretso na kami sa room namin na magkatabi lang.Dahil sa kaniya hindi ako late at naka kopya pa ako ng assignment namin sa Stats.
Matapos ang isang araw na klase dumiretso ako sa parking lot dahil naghihintay na si tita.Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan at medyo napalayo na kami sa school.
"Feel at home Dafniey ha? Thank you dahil pumayag ka na sumama sakin dito"- tita.
"Ok lang tita wala naman akong ginagawa sa bahay eh"- ako.
"Doon sa taas sa may pinkalast ang room mo Daf ikaw na ang bahala don. Maghahanda muna ako"- tita.
Umakyat ako sa taas at napakaaliwalas ng atmosphere.
Pagbukas ko ng room amoy pangbabae talaga.
"Wow! Ang cute!"- ako dahil all red ang kwarto!
My favorite color.Inayos ko ang mga gamit ko at humiga sa kama na sobrang lambot.
Hmmm... Ano pa kayang magawa dito?
Binuksan ko ang parang bintana.
"Gosh! May terrace!!!"
Lumabas ako at naramdaman ko ang dampi ng hangin.Ang ganda pala dito sa INJA village pag gabi.Kita dito ang naglalakihang bahay at mga taong naglalakad.
May katapat ding terrace ang room ko. Ang laki ng bahay biglang umilaw yung room nito. Hmmm..
"Daf? Kakain na"- si tita. Habang kumakain nagtanong ako kay tita.
"Ta? Kanino pong bahay diyan sa kabila?"- ako.
"Mga pamilya Almonte ang nakatira diyan"- siya.
Almonte?!!!
"Almonte po? May kilala ka po bang Case Almonte!?" - ako.
"Ah yung panganay? Si Case. Pumupunta dito minsan. Bakit? Crush mo no?"- tita.
Namula naman ako.
" I-idol lang po at c-crush nga"- ako.
"Gwapo kasi ng batang yun at mukhang mabibigo ka agad Dafniey" -Tita.
"P-po?- ako.
"May dinadala siyang babae sa bahay nila eh. Si Desiree Pamplona ata nabanggit kasi minsan sakin ni Brent eh" -tita.
Feel ko mabibilaukan ako. Nawalan ako ng gana.
Nandito ako ngayon sa room ko at nakahiga lang.
Ang tanga ko! Umaasa lang ako.
Ang D.P pala na tinutukoy niya ay si Desiree Pamplona at hindi Dafniey Paris.
Naramdaman kong sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ganito pala ang feeling ng mag assume at masaktan?! Yung akala mo na ikaw pero iba naman pala.
Pagkagising ko pumunta agad ako sa terrace at tinawagan si Pretzel.
"Bestie morning ang aga mo namang tumawag?"- siya.
"I need your advice"- naluluhang sabi ko.
"Bakit? Ano bang nagyari?" -siya.
"Hindi ako yung DP na sinasabi ni Case"- ako.
"Ha?! Eh sino naman?!"- siya.
"Si Desiree Pamplona sabi ni tita"- ako.
"What?!! Tita? Nandiyan ka ba sa INJA Village?"- siya.
"Oo sasamahan ko muna si Tita dito"- ako.
"Hay naku bestie! Don't cry! Crush mo pa lang naman siya. Ano pa kaya kong Love? Siguro pinaglalamayan ka na ngayon"- siya.
"Thank you sa advice Pretzel ha?!"- sarcastic kong sabi.
"Haha pinapatawa lang kita eh"- siya.
"Basta bestie marami pang lalaki diyan na mas gwapo, mas hot, mas mapagmahak kaysa kay Case"- siya.
Napangiti na lang ako.
" Psstt!!! " Teka? Sino yon??
Napalingon lingon ako.
"Psstt!!!"
Tumingin ako sa terrace ng kabilang bahay.
O.O
Ha??!!!
Clay???!!!
BINABASA MO ANG
That Smile ( COMPLETE ✔)
Teen Fiction" Smile is a curve that can make everything straight ^_^"