Chapter 5: Brothers

10 7 1
                                    

[Dafniey's POV]

"Ba't nandiyan ka?"- ako.

"Of course! This is our house"- siya.

"Ha??! A-ano mo si Case Almonte?"- ako.

"Kuya ko. By the way I'm Clay Almonte"- siya.

"Sama mo! Pinagtitripan mo naman ako eh! Hindi mo sinabi sakin na Almonte ka pala. Diyan ka na nga! Pare-pareho lang kayo!"- inis kong sabi at tinalikuran siya.

"Dafniey wait!"- siya pero di ko na pinansin. Sabay na nag breakfast kami ni tita.

"Daf? Ikaw na muna magdilig ng mga halaman ha? Pupunta lang akong palengke"- tita.

"Sige po"- ako at pagkatapos kong hugasan ang mga pinggan nagsimula na akong magdilig.

Hawak ko ang hose habang pinagmamasdan ang magagandang tanim ni tita lalo na ang mga bulaklak.

Napatingin ako sa paper plane na naglanding sa paanan ko.

Kanino naman galing to? Pinulot ko ito at may nakasulat.

"I'm sorry, ba't ka ba nagagalit sakin?"- Clay.

Trip ng lalaking to? Ba't hindi niya sabihin sakin ng personal? Agad ko itong nilamukos at nagpatuloy sa pagdilig.

Maya-maya gumalaw yung halaman na nasa harapan ko. Nilapitan ko ito ng dahan-dahan.

Napalunok naman ako sa isipin na baka ahas ito at bigla na lang akong tuklawin.

Hinawi ko ito.

"BOO!!!"

"AHHHHH!!!"

Di ko namalayan na nakatutok na pala ang hose sa taong nasa harap ko.

"Hey!! Ahh!! Stop that!" - Clay.

"Tsk. Binasa mo ko"- siya.

"Eh ikaw ang baliw eh! Bakit ka ba nangugulat??!"- ako at binasa siya ulit.

"Ah! Is that what you want?"- siya at inagaw sakin ang hose at ako naman ang binasa ! Kaya ang kinalabasan para kaming mga basang sisiw.

"So tell me Dafniey? Are you angry with me?"- siya.

"Ha? Hindi kalimutan mo na lang"- ako.

"Daf?"- siya.

"Hmm??"- ako.

"May gusto ka ba sa kapatid ko??"- siya.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Ba't mo naman natanong yan?"- ako.

"Don't change the topic Dafniey"- siya.

"Y-yes"- ako.

"Alam mo ba na may girlfriend na siya?"- siya.

"I know"- ako.

"P-pasok muna ako sa loob Clay"- ako at umalis.

That Smile ( COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon