"Oh, bat parang ampangit ng gising mo ha anak?" Sabi sa akin ni Mama habang inaayos ang mesa para sa almusal.
"May problema ka ba?" Tanong naman ni Tita Selia habng umuupo.
"Wa-wala po." Sabi ko ng nakakunot noo habng paupo sa tabi ni Mama.
"Sabihin mo na anak, ano yun?" Tanong naman ni Mama.
"Uh..si Papa po kasi, napaginipan ko." Sabi ko habang tinitignan silang dalawa. Bigla naman silang napatigil sa pagkain.
"Anong..napanaginipan mo?" Tanong sa akin ni Tita Selia na parang nagtataka.
Nagdalawa muna ako ng isip bago sabihin sa kanila. Baka ksi magoverthink na naman si Mama. Ayokong makadagdag pa ang panaginip ko sa mga iniisip niya.
Pero kailangan kong sabihin.
Mama ko siya at malay ko ba, baka may ibig sabihin pala ang panaginip ko. Wala naman sigurong mawawala kung ikukwento ko sa kanila..
"Humihingi siya ng tulong.. tapos.. mag-isa lang siya..hindi ko alam pero, parang may mali. Parang may mali kasi..bakit sya hihingi ng tulong? At bakit mag-isa lang si Papa?" Sabi ko ng nagtataka. Nakakapagtaka naman talaga eh. Aksidente naman ang nagyari pero parang may ibang gustong sabihin si Papa..
"Humihingi sya ng tulong? Bakit naman siya hihingi ng tulong at bakit naman siya mag-isa?" Tanong ni Tita selia.
"Oo nga, eh aksidente naman ang lahat." Sabi ni Mama
"Maliban na lang kung..hindi aksidente ang nangyari.." sunod ni tita selia.
Napaisip naman kaming dalawa ni Mama. Hindi aksidente? Ibig sabihin.. may taong gumawa non, o may taong nagpasabog ng eroplano. Pero bakit? Eh wala namang kaaway si Papa. At sino ang walang puso na gagawa non?!
_______
School.
"Uy sheen! Ba't parang lutang ka diyan?" Sabi ni Kath sa akin habang nakaupo kami sa isang table dito sa cafeteria. Sino mga kasama ko? As usual.
"Oo nga. Kanina pa kami datdat ng datdat dito, wala ka man lang response kahit ano". Sabi naman ni Anne.
"Iniisip mo yung kasama mo kagabi no?" Sabi naman ni Jale saka tumawa sat inapiran pa si JC.
Hindi ko nman sila napansin at nakatulala parin ako. Ewan ko ba, di ko parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Tita Selia kanina.
Na baka..hindi aksidente ang lahat..
Siniko naman ni Kath si JC saka sinamaan ng tingin.
"Bes, ano ba yang iniisip mo?" Sabi naman ni Kath atlumapit sa akin.
"Uy!" Sabi naman ni Anne saka ako tinapik sa kabilang balikat.
Naalis naman ako sa pagkakatulala at napatingin sa kanila. Sakit nun ah.
"A-ha? Ano?" Tanong ko.
"Ano ba yang iniisip mo ha?" Tanong naman ni Anne.
"Wa-wala. Yung panaginip ko lang kagabi." Sabi ko saka ininom ang hot chocolate ko na medyo lumamig na pala.
"Si Kevin na naman no?' Sabi ni Kath at kinikiliti pa ako sa beywang.
"Hindi. Si Papa."sabi ko ng napakaseryoso.
"A-ang papa mo?" Sabi naman ni jale na parang gulat na gulat.
Tumango na lang ako.
"Ha.. yun ba.." sabi naman ni Kath na prang nagui-guilty.

YOU ARE READING
Cherish Every Moment(Ongoing)
Romance"How can you love someone who already break your heart once, twice and even trice?" -a story that will tell you of how will you balance the power of your heart and the ability of your mind. :)