#11: Secret Admirer?

2 2 0
                                    

Maaga akong gumising at lumabas ng kwarto. This is the start of a new beginning.

Hudyat to ng bagong mga ala-ala kahit wala na si Papa.

Habang bumababa ako ay naririnig ko ang mga tawanan sa bandang sala.

Sino kaya ang mga yun?!

Ugh.

Sina Mama at Kuya.

Salamat naman at naging maayos na sila. Nanumbalik na ulit ang dating buhay ng pamilya.

Ako. Hindi namn talaga ako Ok eh. Masaya lang ako sa mga bagong bagay na dumarating sa buhay ko. Totoo nga yung kasabihan na pag may nawala, may babalik.

"O ayan na pala ang kapatid mo eh". Sabi ni Mama at lumapit sa akin.

Niyakap naman nya ako ng mahigpit.

"Ang pinakamabait kong anak." Aniya.

"Salamat sa pagpapaalala ng bagong pag-asa ng pamilya." Sabi pa ni mama .

Di na naman ako sumagot at ngumiti na lang. Gutom na ako eh.

"Kain na! Malalate pa tayo." Sabi naman ni kuya.

"Si-sinong kasama ni Mama?" Pagaalala kong tanong habang umuupo sa upuan ko.

"Wag ka ng magalala anak, tinawagan ko na ang Tita Selia mo  para may makasama ako dito" sabi naman ni mama sabay ngiti.

Uh.Nanumbalik na talaga ang dating sigla ng pamilya ko. Ang sigla na naglahong sandali.

Ito ang sinasabi kong pag-asa, ang pag-asa na nakikita ko!

Pagkatapos ko namang kumain ay kaagad na akong niyaya ni kuya para umalis na.

Agad nman akong sumakay sa kotse at nagpaalam kay mama.

I'm just happy yesterday until this day. Hindi ko alam pero ang gaan lang ng loob ko ngayong araw. Para akong lobo na patuloy lang ang pagakyat sa taas at lumulutang.

__________

-Kevin's POV-

Buti na lang at wala pa si Baby ko. Oo Baby ko?! Bakit?! Walang basagan ng callsign!

Pumunta ako sa Locker ng mga girls students saka hinanap ang kay baby ko habang wala pang masyadong tao dito.

Kaagad ko namang nahanap ang kanya.

Kumuha namn ako ng sticky note sa bag ko saka sumulat ng "Start your day beautiful as you are" with matching designs and letterings.

Isinulat ko naman sa ibaba ang mystery name ko.

-Baby mo

Saka ko naman idinikit ito sa mismong pinto ng locker niya.

Sa tingin ko ito ang paraan ko para maligaw syang di nalalaman ng iba. Ayokong saktan siya ng ibang tao nang dahil sa akin. Di ko mapapatawad ang sarili ko.

Saka nalang ako magiging boyfriend nya pag sinagot na niya ako.

Pagkatapos ay agad naman akong umalis para pumasok na sa classroom namin.

Siguradong kikiligin na naman sya.

_________

-Sheen's POV-

Pagkadating namin sa harap ng school ay nakita ko na ang mga kaibigan kong kanina pa ata ako hinihintay.

Ano bang kailangan ng mga to?


Pagkababa na pagkababa ko ay agad naman nila akong nakita at tumakbo sila papalapit sa akin.

Inalalayan naman nila ako pababa  saka at hinimas himas ako nina Anne at Kath sa likuran.

Napakaconcern ng mga to ah. Sana lang ganito sila lagi sa akin.

"Ok na ako." Sabi kobsa kanila sabay kalas sabpagkakahawak nila sa akin.

Ngayon ko lang narealize, ang ooa na pala ng mga to.




"Talaga?" Tanong sa akin ni Kath.

"Oo naman no! " Sabi ko saka  lumakad na papasok at iniwan sila.

"Ok na nga siya." Sabay - sabay nilang sabi .

Kaagad naman akong dumaretso sa locker ko para kunin ang mga books ko.

Teka? Ano tong nakadikit sa pintuan ng locker ko?

Tinanggal ko naman ito sa pagkakadikit saka binasa.


"Start your day beautiful as you are."
                            -baby mo
  Ang nakasulat.

Arghhh. Nakakakilig ah.


Bigla naman akong napangiti habang nakatitig parin dito.

Parang alam ko na kung sino ang gumawa nito.

Nice way. Kevin.

But so sad ayoko ng  callsign mo. Baduy eh!

Hala! Haba na ng buhok ko.

"Ayiiiie! May secret admirer ang besie ko!"  nagulat naman ako sa biglang pagsulpot no Anne at pinalo ako.

"Ngiti ngiti ka pa dyan". Sunod pa niya.

Inisnob ko naman sya at tinalikuran  para kunin ko na ang mga books ko.Aasarin lang ako neto.

"Kilala mo?" Tanong niya sa akin at idinungaw ang mukha niya sa gilid ko.

"Hindi. Secret admirer diba?" Panunuya ko sa kanya.

Naglakad naman ako palayo para tumigil na ang besie kong to.

Sumabay naman sya sa akin at nagtanung na naman sa akin.

Arghhh. Kinukulit talaga ako neto.

" Bakit parang kinikilig ka?". Tanong niya ulit.

"Bes, hindi ko sya kilala, wala akong ideya kung sino sya at wala akong pakialam sa kanya."sabi ko at tinalikuran na siya at naglakad.

Di rin naman magiging maayos kung sasabihin ko sa kanya at sa kanila. Di naman sa wala akong tiwala sa kanila pero kilala ko ang mga to. Pag nagkakaroon ng kung ano ng isa sa amin, di mapigilan ang mga bibig. Lalo na sina Kath at Anne.



"Ay, taray ah, haba ng hair!" Aniya.

Pero ang totoo, kilalang kilala ko na siya.




Pagkadating namn namin sa room ay agad na kong nagtungo sa upuan ko.

Doon naman naghihintay si...Baby ko? Mapagbigayan na nga.



Kaagad naman akong umupo sa upuan ko at deadma lang kay kevin. Syempre! Para walang makahalata, we need to stay  normal. As students. As enemies. Katulad ng dati.





"How's your morning?" Bulong niya sa akin ng nkatingin sa iba para di kami mahalata ng mga besie kong na right side ko.

"Beautiful, like me." Sabi ko sa kanya ng nakaharap din sa iba.

"So, alam mo na pala na--".

"Oo naman, so obvious." Panunuya ko sa kanya ng di parin siya titignan

"Do you like to call me Baby ko?" Sabi nya.

"Napakabaduy naman non!" Sabi ko sa kanya.

"Uy bes, sinong kinakausap mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Kath.

" A-ako? Yu-yung sarili ko. Meron pa bang iba?". Pagsisinungaling ko.


Nagtaka naman sila at bumalik na lang sa pagchichosmisan nila nina Anne.

Hayyys. Buti na lang.

-*-,

Hi po!pls wag po kalilimutang magvote!

Pls follow me po on instagram: _juztnadlhy

Thank you po!!

Cherish Every Moment(Ongoing)Where stories live. Discover now