Update-update lang. Hahaha.
Thanks for the support!-*-
-Sheen's POV-
Nang naging ok na si Mama ay agad nakaming umuwi para magbihis at kunin ang mga labi ni Papa.
Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon para makuha ang mga ito. Ugh. Parang ang bigat ng pakiramdam ko.
Kaagad naman kaming bumaba sa kotse at pumasok sa loob.
"Cristobal Valegre." matamlay na sabi ni Mama.
Kaagad naman naming pinuntahan ang sinabing room. Pagpasok namin sa loob ay dali -dali pumunta si Mama malapit sa taong nakatakip ng puting kumot.
(Play Ill be there by Jake Zyrus)
Kaagad namang yumakap si Mama sa taong iyon kahit hindi pa ito nakikita.
Humahagulgol nman sya habang yakap yakap pa ang taong iyon.
Unti-unti na ring tumulo ang luha ko dahil di ko na rin nakayanang pigilan ito. Ang hirap. Ang sakit.
Unti-unti namang tinanggal ni Mama ang kumot at mas sumakit pa ang hapdi na nararamdaman ko sa puso ko nang makita ko ang katawan ni Papa.
Sunog. Halos di na namin sya makilala.
Hindi ko lubos maisip ang mga nangyari kay Papa.
Hindi ko lubos maisip na nangyari iyon sa kanya.
Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Yun din ang pagbagsak ko..
Agad naman akong itinayo ni kuya na pulang-pula naman ang mata.
Argghhhh. Di ko kaya to.
Agad naman akong lumabas ng pintuan saka napasandal sa pader. Ugh. Ang sakit ng nararamdam ko sa puso ko. Parang tinutusok ng mga pako. Oo pako. Ganun kasakit.
Bigla namang nagring ang phone na nasa bulsa ko.
"Sheen, saan ka? Nabalitaan ko yung--".
Napatigil naman sya sa pagsasalita ng napahagulgol ako.
"Bes? Saan ka? Pupuntahan ka namin. Nag-aalala kami sayo."
Kaagad ko namang sinabi kung nasaan kami. Maganda narin yung nandito sila. Kahit papaano ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
•••••
"Sheen!". Napatayo naman ako sa pagkakaupo at kaagad na yumakap kina Anne at Kath.
Salamat naman at nandito na sila.
Oo silang apat--.
Bat nandito si Kevin?
Napakunot naman ako ng noo nang makita ko syang nakatingin sa akin na parang naaawa. Anong ginagawa nya dito. Ugh. Pls. Wag ngayon.
"Uhh bes, nandito sya kasi--". Sabi ni Anne.
Di ko na sya pinatuloy at umupo na lang. Andito na sya eh. Alangan namang paalisin ko yung tao.
At wala ako sa kondisyon ngayon. Napakabigat ng pakiramdam ko.
"Bes ok ka lang ba?" Sabi ni Kath at umupo sa tabi ko na aligagang aligaga.
"Syempre hinde! Ano ka ba!" Sabi ni Anne kay Kath at tinapik sa kamay.
Ang mga to talaga.
"Uh-uhm. Bes, ibuhos mo na lang, wag mo nang dibdibin baka--" sambit ni Kath.
"Parang di ko kaya to." Sabi ko ng nakatulala. Di ko makayanang makatingin sa kanila ng deretso ngayon. Ewan ko ba parang walang tumatakbo sa isip ko.
"Bes, andyan pa naman ang mama mo,at kung kailangan mo ng masasandalan,o ng kaibigan, nandito lang kami" sabi pa ni Anne.
"Oo." Kath.
Hays. Mabuti nalang mayron akong mga ganitong kaibigan.
"Nandito lahat kami para sayo" JC.
"Tutulungan ka naming malimot yang sakit na nararamdaman mo."Jale.
Naramdaman ko namang tumingin lahat sila kay kevin, hudyat na siya naman ang magsalita.
"Uh-uhm.. yah. Were just here for you, Im just... here, fo-for you." Sabay ngiti ni Kevin.
"Wala na si Papa." Yun lang ang lumabas sa bibig ko habang tulala parin at patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko.
"Bes--" anne.
____________
-Kuya Jeric's POV-
Nang nakalabas kami ng pintuan ay nakita ko ang mga kaibigan ni Sheen na haltang concern naman talaga sa kanya.
Buti nalang at may kaibigan syang ganyan kababait.Teka? Sino yung kasama nilang lala--. Yung manliligaw nya siguro.
Kailangan nya to.
Lumapit nman ako san lalalking iyon saka tinapik sa balikat.
"Kailangan ka ni Sheen.." sabi ko at lumakad na palayo. Iibigay ko na to kay Sheen dahil sa tingin ko sya makapagpa-paalis ng hinanakit sa puso niya. Muka naman syang mabait eh.
_____________
-Kevin's POV-
A-ano daw? Kailangan ako ni Sheen? Ba- bakit nya ako kila--. Ah. Sabi ko na nga ba eh, gusto ako neto.
Tiningnan naman ako nina Jale at Jc ng parang nang-aasar. Ano ba iniisip ng mag to?
"So gusto ka pala ng kuya ni Sh---" Jale.
"Psssst!" Singit naman ni Kath at sinaan kami ng tingin. Tiniro turo naman ako ni Jale napara bang ako ang sinisisi. Kainis to ah.
Nabaling naman na ang lahat ng tingin namin kay Sheen na hanggang ngayon ay nakatulala parin at pulang-pula ang mga mata. Nangingiyak na mga mata.
Ang sakit siguro ng nararamdaman niya. Ako ng narinig ko ang balitang yon, kaagad kong tinawag si Papa. Buti na lang at ligtas syang nakarating sa China. Mahal ko parin nman ang Papa ko eh.
Bigla naman akong hinila ni Kath at dinala ako sa part na malayo sa kanila.
"We need to stop the deal." Aniya.
"Why?". Sabi ko ng may pagtataka. Bakit namin iuurong ang deal? Wala pa ngang nangyayari eh.
"Nakikita mo naman diba? Hindi to ang tamang oras para makipaglaro tayo sa kanya." Kath.
" But--"
"Hindi ito ang panahon para asarin mo sya ulit, baka mas lalo lang makagulo ng isip nya." Sabi ni kath na medyo masigaw na.
Npatingin naman kami kina Anne na medyo malayo. Ugh. Buti na lang di nila narinig si Kath.
"Ok."sabi ko sa kanya. Wala na akong magagawa. Naaawa rin naman ako sa kanya.
Kaagad namang umalis sa harap ko si Kath at pumunta ulit kina Anne kasam si Sheen.
Yes. Inurong ko ang deal pero di ibig sabihin non ay lalayo na ako sa kanya.
Why?
Because I think she needs ME.
At handa kong gawin yon para sa kanya. I dont know pero this past few days parang namimiss ko ang presence nya sa buhay ko
But I dont think dahil nagkakagusto ako sa kanya. Baka it's because namimiss ko lang ang snobs niya. :)
-*-
Pls vote po! Thanks!
![](https://img.wattpad.com/cover/139953100-288-k159232.jpg)
YOU ARE READING
Cherish Every Moment(Ongoing)
Romance"How can you love someone who already break your heart once, twice and even trice?" -a story that will tell you of how will you balance the power of your heart and the ability of your mind. :)