-Sheen's POV-
Pagkatapos ng exam sa apat na subjects ay kaagad na kaming dumeretso sa Cafe para magrelax-relax ng konti. Hayys. Nakastress ang pagsha-shade ng mga bilog. Pero meron pang dalawa mamaya.Kainis.
"Uhhhh!!!!! Ayoko na!" Sigaw ni Kath na parang lantang gulay ngayon at biglang nahagard.
"Nakakatanggal ng kagwapuhan ang exam!" Singit naman ni JC.
"Bakit? Meron ka ba non?!" Pataray na tanong ni Kath.
"Oo namn, kaya nga patay na patay ka sakin eh." Sabi nya saka inakbayan si Kath.
"Mukha mo!" Sabi ni kath ng nagpupumiglas.
"Ok ka lang ba?" Tanong naman ni Jale kay Anne na parang wala pang tulog.
"Sa tingin mo okay ako?!" Galit na tanong ni Anne saka bumalik sa pagrereview.
Napailing nalang ako sa kanila. Hayys. Kami kaya ni Kevin,kailan magsasama ng ganyan?
Oops. Naalala ko na naman siya. Ang goal ko ngayon magreview muna at wag muna siyang isipin. Teka, nasan na kaya yon, nagreview kaya yung lalaking yon?
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Jale.
"Ha-huh?! A-ako?! Hinahanap? Wala. Wala akong hinahanap. Wala." Pautal-utal kong sabi. Kasi naman e.
Agad naman akong nagfocus ulit sa pagrereview. Ayoko kasing sabihin nina Mama na destruction lang sa akin si Kevin. Good Influence kaya siya. Inspiration tsaka pang-motivate.
Arghhh. Kainis na Math. Bat ba di ko magets tong lesson na to kahit ilang beses ko pang basahin?!!
Bigla namang may linapag ang isang lalaking di pamilyar sa mesa. Isang red rose na may nakadikit na letter. Hays. Kevin!
Dahan-dahan ko naman tong inilagay sa ilalim ng mesa habang busy sila sa pagrereview saka ko binuksan ang letter.
Wow. Ganda ng sulat ah.
"Wag mo akong masyadong isipin,wag mo na rin akong hanapin. Magfocus ka muna sa pagrereview my Soon to be Wife."
-baby mo
Huh?! Nasan ba tong mokong na to at pano niya nalamanh hinahanap ko sya?
Kainis to ah. Mambubwisit pa. Humanda sa akin to mamaya....
"Krrrrriiinnnggggggggggggggg"
"Arrrghh!! Kainis na bell na yan!!" Sigaw ni Kath habang nagdadabog.
"Easy ka lang babe." Sabi naman ni JC saka hinawakan siya sa magkabilang balikat
"Che! Isa ka pa eh!" Kath.
Kaagd naman kaming tumayo para lumakd na papapunta sa next period namin. Hayys. Exam na nman.
Pagkatapos ng isang subjct na natapos namin, agad namn kaming nagreview para sa next.
Pagkarating namin sa classroom ay gad na akong umupo saka nagreview muna ulit bago pa dumating ang teacher namin.
"Good Morning class."

YOU ARE READING
Cherish Every Moment(Ongoing)
Romance"How can you love someone who already break your heart once, twice and even trice?" -a story that will tell you of how will you balance the power of your heart and the ability of your mind. :)