TOTGA - Japan FanCon

1K 66 11
                                    

Napansin ko na may nagbago sa amin ni Edward o mas tamang sabihin sakanya ilang linggo na ang dumaan bago pa ang fan meet namin sa Japan.

Lagi siyang busy sa cellphone, sanay naman na ako dahil sa mahilig siyang maglaro ng mobile games. Pero ng mga panahon na yun may iba. At nagbago yun noong nagkaroon siya ng meet up with Heaven.

Hay, ito na naman ako sa pagbubuntong hininga ko. Naupo na lang ako sa upuan sa may veranda at muling tumingala sa langit.

Katatapos ng concert at mini meet and greet namin ni Edward na dinaos sa Japan. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng theatre ng bigla ng may tumawag sa akin kaya saglit akong huminto.

Nagpakilala siya pero di ko masyadong naintidihan pero alam kong nagniPongo siya. Pagkatapos may inabot lang siya sa akin na papel.

Babasahin ko na sana kaya lang naisip ko na sa paguwi ko na lang. Paglingon ko medyo malayo na rin pala si Edward kaya agad-agad sumunod na ako.

Naabutan ko sila malapit na sa labas. "Sorry, natagalan ako." Hinging paumanhin ko.

"Umalis ka ba? Hindi ko namalayan." Sagot niya sa akin. Sabay balik sa cellphone niya habang nakangiti.

"Ahh, huminto lang ako saglit." Dahil busy siya sa cellphone niya hindi na rin ako umimik.

Buong biyahe tahimik lang ako at di ko namalayan na nakatulog na pala.
Nagising na lang ako ng bahagya akong tapikin ni Edward. "May, were here."

"Salamat." Sabay ngiti ko, pero nawala rin agad dahil hindi na niya nakita yun. Dahil hindi pa man ako nakakasagot sakanya nakatalikod na siya sa akin at may kausap sa phone.

Narinig ko pa ang  ilan sa usapan nila "Yes, we just arrived. Ikaw kamusta? The fans here are really cool and overwhelming. Wag kang ganyan they are my and Maymay's fans. We are just loveteam..." Pinilit ko ng wag makinig at nag-ayos ng gamit para makababa na rin ng sasakyan.

"May, are you okay?" Tanong ni Tita Cathy.

"Opo naman po Tita." Pinilit kong pasiglahin ang awra ko. "Siya nga po pala, hindi po ako makakasabay ng dinner mamaya. May pupuntahan lang po ako." Pagpapaalam ko.

"Bakit? Sasamahan ka na namin ni Edward."

"Naku Tita, hindi na po. Alam ko pagod  din po kayo lalo na si Edward. Magpahinga po kayo. May bibilhin pang po ako sa may mall."

Totoo naman ang lugar na sinabi ko except sa may bibilhin ako. Ayoko ipaaalam sakanila na may imimeet ako dahil panigurado hindi nila ako papayagan. Delikado oo, pero hindi ko alam pero sabi ng puso at isip ko kailangan kong pumunta.

"Tsaka Tita, baka kailangan ka po ni Edward. Mukang masama po kasi ang pakiramdam niya."

Ano ba ang pinagsasabi ko dinadagdagan ko lang ang kasalanan ko.

"Mukang hindi naman, May." Nakikita ko na diskumpyado siya sa mga sinabi ko pero ramdam ko ang tiwala niya.

"Oh sige. Pero ipaalam mo sa amin kung nakarating ka ng maayos at huwag kang magtatagal."

"Opo Tita. If in case po bibili at kakain then uuwi na po ako." Buti na lang.

"Bakit ba ayaw mo kami isama? O ako na lang? May immeet ka bang fanboy?" Diretsong paghihinala ni Tita Cathy.

"Halla nabuang na si Tita Cathy." Tapos nagkatawanan na lang kami.

Nagpahinga lang ako saglit at nagprepare para sa dinner. Simpleng pants at hoody shirt lang ang suot ko.

Pasimple lang akong sumakay ng elevator at lakinh gulat ko ng makita ko si Edward sa couch sa waiting area ng hotel. Pero as usual na ka headphones at busy sa paglalaro, hula ko.

Hindi na lang ako nagpahalata at naglakad akong nakahoody habang nakayuko.

Gaya ng pangako ko kay Tita Cathy, nagmessage ako sakanya ng makarating ako sa restaurant na nakasulat sa papel. Nagreply lang siya na wag ako mgpapagabi at hihintayin niya akong makauwi.

Dinial ko agad yung number na kasamang nakasulat sa papel. Ganun na lang ang kaba ko ng marinig ko ang boses ng isang lalaki, "Almost there. Please feel free to order, Marydale."

Hindi ko alam pero parang may haplos sa puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Sino ba talaga siya?

Naalimpungatan akong basa ang aking pisngi at naalala ang naging panaginip. Ang una naming pagkikita at paguusap ni Papa.

-------
Pasensiya na po sa napakatagal na update. Sa totoo lang po masyado na kasing masaya ang realidad kaya nahihirapan akong ituloy ang kwento.
Salamat po sa patuloy na pagbabasa.

Gusto ko lang po sana hingin ang tulong niyo, ano po ang mga tanong niyo sa storya na gusto niyong masagot? Salamat.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now