TOTGA - Tight Hug

1.1K 69 1
                                    

Nagising si Maymay sakanyang panaginip ng maramdaman niyang parang may nagmamasid sakanya. At hindi siya nagkamali dahil nakita niyang titig na titig ang binata.

Hindi maiwasan ng binata na titigan ang dalaga habang ito ay natutulog. Makikita ang pagod subalit payapa ang mukha nito. Nang magmulat ito ng mata agad niya itong binati, "How's your sleep, gorgeous?"

"Ow! Why are you here? Why are you wearing like that?" Sagot niya na may malamyos na tinig at habang nagkukuskos ng mata.

Dahil sakanyang ginawa doon lamang niya napagtanto na parang may make up at kanyang napansin na nakagown pa siya.

"Still sleeping?" Tanong sakanya ng binata na bahagyang ngumiti. Doon lamang niya naalala na nanggaling nga pala siya sa reunion nila subalit hindi na niya natapos dahil sa biglaang meeting na kailangan niyang asikasuhin.

Nakatulog siya ng di niya namamalayan. Dala marahil ng pagod at puyat ng mga nakaraang linggo.
Dahil sa kagustuhan niyang makaattend ng reunion pinilit niyang siksikin ang schedule niya.

Kaya hindi niya inaasahan ng tumawag ang kanyang sekretarya habang na sa reunion siya. Mabuti na lang at naayos naman niya thru conference meeting ang problema. Kapalit nga noon hindi niya nasulit ang kanilang reunion.

"Hey, don't be sad. I know how you badly want to finish the event." Nabanggit ng binata dahil napansin nito na bahagya siyang nalungkot.

"Bakit andito ka pa? Tapos na ba?" Tanong niya dito at sumandal ng maayos sakanyang kinauupuan. Bahagya pa siyang napahikab.

"Yes, already finished. I just drop by having hopes that you are still here. And I am right." Ngumiti ang binata sakanya.

"You really look tired. Come I will send you home." Hinawi ng binata ang buhok niya at huminto ang kamay nito sakanyang pisngi.

"No need, Tanner. I can still manage." Nginitian niya ito bilang paniniguro.

"Please, Dale. You just came from a flight. Tapos work, nakatulog ka na nga dito. I will not forgive myself kapag may nangyaring masama sayo."

"Grabe ka naman mangyaring masama agad?." Sabay hampas sa braso nito.

"No jokes, Marydale. Hindi rin ako matatahimik hanggang di ko alam na safe ka ng nakauwi."

Nakita niya na seryoso ito at base sa paggamit nito ng buo niyang pangalan alam niyang hindi siya mananalo dito.

"Then how about my car? I still have appointment for tomorrow."

"I will send you tonight then fetch you tomorrow. Anong oras ang appointment mo?" Tanong ni Tanner sakanya.

"Masyado ng malaking hassle sayo iyon. Okay I will let you send me home. Then magtataxi na lang ako bukas." Sagot niya dito.

"Then be it. Tara na? Para makapagpahinga ka na ng maayos."
Inalalayan siya nitong tumayo.

Nakita ng binata na nakapaa siya at hindi alam ni Maymay na nagpipigil lamang ang binata na buhatin siya.

"Where are your shoes?" Tanong niyo sakanya.

"Under my desk. But I don't want to wear those. I forgot my kicks at the hotel where I changed my clothes. Okay lang lalakad akong nakapaa. Mas nakakarelax. Let's go?"
Sabay hatak sa kamay nito.

Habang na sa biyahe abot-abot ang hikab niya. Hindi niya ito mapigilan at marahil napansin na rin iyon ng binata.

"You can sleep for awhile. Gigisingin kita. Don't worry you are safe with me."

"Thank you. Sobrang inaantok na talaga ako." At nginitian ito bago ipinikit ang mga mata.

Naalimpungatan si Maymay ng maramdaman niya ang bahagyang paghaplos sakanyang pisngi.

"Wake up. We're here."

"Thank you." Sagot niya at inunahan na ito sa pagalis ng seatbelt ng magtangka nitong tanggalin. Pagkalabas niya ay sumunod agad ang binata.

"Oh, bakit bumaba ka pa?" Tanong niya sa binata na bahagya pang natatawa.

"I just want to see you for one last time before I go to sleep. Go in. Once you're inside I will go too."

"Thank you again, Tanner. Sobrang salamat talaga. Alam ko naman na pagod ka rin. At ito ka hinatid mo pa rin ako."

"Wala yun. Basta ikaw, Dale. Thank you for making me happy. I didn't expect that you will really come but I kept my hopes high. Di naman ako nabigo." Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa sariling pisngi.

"Buang na. Pagod ka na talaga. I really enjoyed the night though hindi ko natapos. But maybe we can set our own reunion, right?" Sabay ngiti sa binata.

"But before we do that you need to go home. Kailangan mo na rin magpahinga." Dagdag niya.

"Okay, let's talk about it tomorrow? Or maybe when you are free. Good night."

"Sure. Thanks again." Paalam niya sa binata.

"Hmmmmmm Dale."

"Yes?" Sabay lingon.

"Can I have one good night hug?" Subalit nagiwas ito ng tingin.

"Hay, yun lang pala akala ko kung ano na. Halika nga dito." At siya na ang unang yumakap sa binata.

Ginantihan naman ni Tanner ang yakap niya ng sobrang higpit. Yung tipong mapupugto na ang hininga nito.

"Tama na may bukas pa." Biro niya sa binata.

Nang kumalas naman ito ng yakap ay agad siya nitong hinalikan sa pisngi at tumakbo sa sasakyan.

Bahagya siyang natulala sa ginawa ng binata. Nakita na lamang niya na sumesenyas na itong pumasok na siya tsaka ito aalis.

Pagpasok sa bahay dumiretso na siya sa kanyang silid. Sa sobrang pagod nagpalit na lamang ng damit at naghilamos. Hindi na siya nagabala pang i-check ang kanyang muka kung may naiwan pang make-up.

Muli niyang naalala ang kanyang panaginip bago siya magising sakanyang opisina. Iyon ang araw ng malamam niya ang tungkol sa reunion. Napabuntong hininga siya dahil hindi niya natapos ang event at hindi niya nagawang makuhalubilo ng matagal sakanyang mga kaibigan. Subalit sisiguraduhin niya na magagawa niya iyon. Babawi talaga siya at nakangiting pumikit.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now