TOTGA - BITCH

914 71 5
                                    

Pagpasensiyahan niyo na po ang update. Salamat sa paghihintay.
Let us all pray for MayWard perf mamaya sa SG. All is well. Trust God's plan.
❤️❤️❤️

Aburido si Edward na bumangon sakanyang higaan ng walang humpay ang pagtunog ng kaniyang doorbell. Who the hell is this? Hindi niya magawang alisin sa isipan at laking gulat na lamang niya ng mapagbuksan ang babaeng di niya inaakalang magpapakita pa sakaniya. Si Heaven.

"What are you doing here?" Iritable niyang tanong dito, dire-diretso lamang itong pumasok sa loob na kaniya namang sinundan.

"Can't you just give me a 'good morning' or at least a smile, Edward?" Sagot ng babae at lumapit na tila yayakap sakanya. Pero bago pa man ay napigilan na niya ito.

"Heaven, please I want peace of mind. I am tired and sleepless kaya pakiusap lang umalis ka na."

"Bakit dahil ba nakokonsensiya ka sa sinabi mo sa interview?" Malokong tanong nito.

"Sorry to disappoint you but I will never regret what I've said perhaps lahat yun ay totoo. So now, GO!" Medyo malakas na ang pagkakasabi nito.

"How dare you, Edward?!" At tinangka nitong sampalin ang binata na agad naman napigilan ng babaeng nagsalita.

"Don't you dare touch my brother with your filthy hand, bitch. You heard him, you MUST GO! You are intruding his place and you are not even invited. You are trespassing." Halata sa salita ni Laura ang gigil at pagpipigil. Matagal na rin siyang nanggagalaiti sa babaeng na sa harap. Ngunit lagi lamang niyang pinipili na wag itong makilala ng personal. Noon pa man sapat na ang kaniyang mga obserbasyon.

"Edward..." At ngayon ay parang maamong tupang humihingi ng saklolo sa binata.

"You heard, Laura. I might file a charge against you if you will still insist."

Walang kaabog-abog na tinalikuran silang dalawa ni Heaven at umalis na inis na inis.

"So, ano ang naabutan ko? Paanong nakapasok siya dito? This is not what I am expecting." Biglang pukaw ni Laura kay Edward.

"Give me a hug sister." At niyakap nga ni Edward ang kapatid. "I terribly missed you."

"I know." Bulong nito.

"Oh by the way, pinapasabi ni Maymay na meron kayong get together sa Tagaytay." Bahagya siyang nilayo ni Edward at tinignan.

"When did she call you?"

"No, she's didn't. Nakasalubong ko siya kanina sa elevator kaya lang sabi niya nagmamadali siya at mukang wala ka daw kaya pinasabi na lang nya. Then naabutan..." Hindi pa man tapos ang sasabihin niya ng biglang tumakbo ang kapatid palabas ng unit nito na agad naman niyang sinundan.

"Mr. Barber, don't tell me plano mo siyang sundan only your boxer's on?!" I shouted at him. "Alalahanin mo dalagang pilipina pa rin si Maymay." May pang iinis na sigaw niya sa binata na nagpatigil naman dito.

Hindi napigilan ni Laura ang mapangiti sa inis na itsura ng kapatid niyang nakaupo sa sofa na ngayon ay nakasuot na ng damit pang itaas.

"Why you didn't tell me right away, Laura? Nakakainis naman eh."

"Kasalanan ko ba na nauna ang inis ko ng makita ko ang higad na yun sa loob ng unit mo. At bukas na bukas pa talaga ang pintuan and everyone can see both of you kung marami lang tao."

Nakadagdag sa alalahanin ni Edward ang posibleng nakita ni Maymay kaya nagdesisyon itong umalis na lamang basta. Napasabunot na lamang siya sa isipin na nakita sila ng dalaga noong tangkain ni Heaven na yakapin siya. Worst, topless at nakaboxers lang ang suot niya.

"I can figure out what you are thinking brother. What now?" Tanong ni Laura sa kapatid.

Bumuntong hininga na lamang ang binata sa mga pangyayari at frustrated na nagdial sakaniyang cellphone.

-----------------

"Hello" Sagot ni Maymay hindi man lang tinitingnan ang caller niya.

"Ah yes. Actually hindi ko siya nainvite personally pero nasabi ko kay, Laura."

"Oo, nagmamadali kasi ako kanina and mukang wala namang tao sa unit." Pagsisinungaling niya.

"Na sa elevator na ako ng makasalubong ko si Laura. Sa sobrang pagmamadali ko nga hindi ko na nakamusta ang soul sister ko."
May himig ng lungkot sa sinabi niya, dahil sa hindi niya alam ang gagawin kanina ay nagmamadali rin siyang sumakay ng elevator ng masabi niya sa dalaga ang pakay para sa kapatid nito.

"Maybe, he will call to confirm. I guess nagbigay ka naman ng number sakanya last event or vice versa?"

"Yes, yes. Ofcourse, I would love too. I won't miss it. Minsan na lang tayo magkita-kita at hindi ko alam kung kailan mauulit."

Totoo ang huli niyang tinuran. Dahil oras na bumalik siya ng Japan hindi niya alam kailan siya muli makakabalik ng Pilipinas. Kung mangyari man ay dumidiretso siya sa Camiguin upang doon ubusin ang araw ng bakasyon niya.

"Okay sige, see you this weekend, Fen. Need to cut the call nagmamaneho kasi ako. Bye." At i-end niya ang tawag ni Fenech.

Hindi niya ngayon alam kung saan siya tutungo. Pumayag kasi siya na personal na imbitahan si Edward ng sa ganoon ay magkausap rin sila bago man lang ang get together this weekend. Ayaw niya na dahil doon masisira ang bibihirang pagkakataon na pagsasama-sama nilang magkakaibigan. Pero mukang masyado pang maaga para sa pakikipagusap dahil ngayon sa hindi niya maipaliwanag na dahilan nasasaktan pa rin siya sa mga nakita.

Alam niyang hindi pinalaki nila Tita Cathy at Tito Kevin na sinungaling si Edward kaya naniwala siya sa sinabi nito sa interview. Kaya lang hindi pa rin pala siya sanay na makita ang dalawa na magkasama at sa ganoong tagpo. Bumabalik sa isipan niya ang itsura ng likuran ni Edward habang ito ay nakahubad at si Heaven na papalapit sa binata kaya tahimik siyang naglakad palayo sa unit.

Napagdesisyunan niyang tumigil muna sa isang café para magpalipas ng oras. Pagpasok sa café pinili niya ang pinakasulok na lugar sa hindi masyadong pansinin ng tao. Habang may suot na salamin sa mata at bull cap kaniyang nilabas ang paborito niyang notebook kung saan niya sinusulat ang mga nililikha niyang  kanta. Kapag na sa ganitong estado ang emosyon niya doon siya mas nakakabuo ng kanta. Sa pagsusulat ng kanta niya binubuhos ang lahat ng nararamdaman niya. Ito ang isa sa naging coping mechanism niya ng umalis siya sa pag-aartista. Ito rin ang naging paraan upang di tuluyan maglaho ang koneksiyon niya sa iilang tao sa industriya. Mga taong hindi na nagtangka na alamin kung na saan siya dahil na rin sa kagustuhan niya. Naging sapat na sa mga ito ang paminsan-minsan niyang pagsulpot upang magpasa ng kanta. Hindi nga nagtagal ay nagkaroon na siya ng sariling mundo kaulayaw ang musika na tanging siya lamang ang nakakaranig. 

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now