TOTGA - BONDING TIME

928 73 5
                                    


Kasalukuyang nagkakabiruan ang mga boys ng biglang natahimik si Edward na agad naman napansin ni Yong. Sinundan niya ng tingin ang tinititigan nito at napangiti ng mapagtanto kung sino ang papalapit sakanila.

“Andiyan na sila Ate May. Kainan na!” Malakas na sigaw ni Vivoree ng makita sila Maymay at Kisses.

“Busog na daw si Edward bai.” Sigaw naman ni Yong na napaigtad sa sakit dahil sa napalakas na siko ng katabi.

“Bakit ba ang tagal niyo gutom na ako eh!” Sabad naman ni Marco na bahagya pang nagpaawa ng itsura na kinairap naman ni Viv.

“Kalalaking tao ang arte-arte mo, Gallo.” Balik ni Viv sa binata.

“Eh ito kasing si Ate May, nagbihis pa eh sabi ko okay naman ang suot niya. Ang sexy sexy niya kanina. hihi” Sagot naman ni Kisses na yumakap pa sa kaibigan.

Napalingon naman si Maymay sa kung saan nakaupo si Edward. Bahagyang pinamulahan ng mukha ang dalaga ng maalalang nakita ng binata ang suot nito kanina.

“Ayiiiieeee.. si Ate May may pinagpapagandahan.” Pambubuyo naman ni Rita sakaniya.

“Mga buang kayo, sipain ko kayo diyan eh. Tara na nga magsikain na tayo.” Pangongontra naman niya sa mga kaibigan.

Na sa magkabilang dulo sila ng hapagkainan at paminsan-minsang nahuhuli ni Maymay na nakatingin si Edward sakaniya. Lahat ay abalang nagkukuwentuhan at nagaasaran habang pinagsasaluhan nila ang masasarap na pagkain.
Pinagmasdan ni Maymay ang mga kaibigan, hindi maiwasan mapangiti ng palihim sa sobrang saya na nararamdaman ng puso niya. Dati-rati sa PBB House lang nila nagagawa ang ganito. Tipong kumakain sila ng mga pagkain na sila mismo ang nagluto. Nagbibiruan, tawanan, lokohan na walang humpay. Isa sa mga masasayang alaala ng PBB days.

Lingid sa kaalaman ni Maymay na halos matunaw na siya sa pares ng mga matang nakatitig sakaniya. “Bro, alam ko busog ka na. Pero walang lamangan sa dessert nauuna ka eh.” Bulong ni Marco kay Edward.

“She’s really beautiful, Marco.” Namemesmerized siya sa itsura nito ngayon. Simpleng long spaghetti long floral dress ang suot nito. Nakalugay ang alon-alon na buhok dala marahil ng pagkakapusod nito kanina.

“I know dude. Eversince naman. She is beautiful in and out, man. Di ko lang alam kung bakit pinakawalan mo pa.” Simpleng hirit naman ni Christian na nagpalingon kay Edwar. Nakatingin na rin pala ito kay Maymay na ngayon ay tumayo kasama ng mga girls.

---------------

“Bro, siya nga pala saan ka ba nagpunta kanina? Paggising ko kasi wala ka na.” Tanong ni Yong kay Edward na nakaupo na ngayon palibot sa built in bonfire ng Highlands. Hindi daw kasi allowed ang man-made dahil masisira ang lugar at lupa maging ang mga damo.

“Yongskie, hindi ka lang naghahanap andoon lang naman si Edward sa kwarto sa may veranda.”

Napalingon naman agad si Maymay kay Aizan sa sagot nito kay Yong.

“Veranda? Di ba Ate May – “

Nakahinga si Maymay ng naputol ang sasabihin ni Kisses ng biglang sumigaw si Kristine na nagpalingon sakanila dito, “Ready na ba kayo guys? It’s bonding time!!!”


May dala itong iba’t ibang klaseng chips at popcorn samantalang dala naman ni Christian at Marco ang mga inumin. Si Viv naman ang may dala ng gitara at maliit na speaker. Mukhang planadong planado talaga. Kapag si Fenech talaga ang gumawa asahan mong maayos ang lahat.

Bukod kasi sa kwarto na inupahan nila nagpareserve din ito ng dalawang camping tent na malapit sa pool area para sa outdoor bonding nila. Speaking of, na saan na kaya ang babae na iyon?

“Viv, saan si Fen?” Tanong ko ng mailapag nito ang mga bitbit.

“May kinuha lang siya sa kwarto natin Ate May. Oh ayan na pala siya eh.” Sakto namang dating ni Fenech.

Kasalukuyan kaming nagkakantahan ng magtanong si Rita para sa aming lahat, “Kamusta na ba kayo? Magkwento naman kayo ng update sa mga buhay-buhay niyo.”

“Oo nga naman.” Segunda naman ni Aizan.

“So sige, sino ang gusto mauna? Tanong ni Fenech.


Tahimik lang akong nakikinig dahil na rin sa may mga update naman talaga ako sadyang hindi lang ako visible sa kahit na sino sakanila.

Alam kong pinursue ni Rita ang pagmomodelo at may sariling bahay na rin sila ngayon. Minsan ko rin siyang ni-rekomenda sa ilang kakilala, si Aizan bukod sa pagsulat ng kanta ay may sarili na rin itong banda na kung minsan ay gumi-GIG sa ibat’ibang bar sa Batangas at Manila.

Samantalang si Yong, Marco, Vivoree ay mga sikat na talagang artista. Si Kisses naman ay kasalukuyang nagttraining para sa Binibining Pilipinas habang si Christian naman ay mas focus sa paglalaro ng basketball pero tumatanggap pa rin ang mga ito ng projects kung minsan. 

Si Fenech at Kristine naman ang namumukod tanging hindi pumasok sa limelight. May mga nag-offer sakanila pero mas pinili nilang magfocus sap ag-aaral. Gusto kasi ni Fenech na makapagtapos ng pagaabogasya samantalang si Kristine naman ay pag-aarkitekto.


Maging kay Heaven ay may balita siya subalit hindi kagaya ng ibang kaibigan hindi ganoon kaganda ang takbo ng karera nito dahil sa mga kinasangkutan na issues at kontrobersiya. Impokrita man para sa iba pero kahit kailan naman ay hindi niya itinuring na iba ito sa mga kaibigan, kaya nais pa rin niyang maging maayos ang career nito. Hindi man sila ganoon kalapit hindi niya gugustuhin na kahit sino sa mga kaibigan niya ang makaranas ng kahit anong pasakit.

Higit sa lahat kay Edward. Alam ko ang mga nangyayari ditto dahil na rin sa komunikasyon ko kila Tita Cathy, Laura at Tito Kevin. Hindi ko man sila madalas makausap nakikita ko naman sa mga personal accounts nila. Bago pa man ang interview ni Edward alam ko na nag-aaral ito ng Psychology. Isa kasi sa hilig nito ang pagoobserba at pag-aaral ng behavior ng tao. Isa yun sa mga nakapukaw ng atensiyon ko sakaniya dati. May mga natatanggap din itong offer sa pagmomodelo o artista pero ayaw na nitong tumanggap na kahit na ano simula ng lisanin niya ang showbiz. Pero hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kung bakit binitwan ang pag-aartista gayong isa ito sa mga pangarap nito.

“Hindi mo nga ba alam o ayaw mo lang paniwalaan?” Yan ang pumasok sa isip niya ng maalala ang TWBA interview nito. Hindi niya namalayan na napabuntong hininga siya ng malakas.

“Ang lalim naman non?” Umupo at sabay abot sakaniya ni Christian ng isang alcoholic drink na in can.

“Christian, I guess that is not good for Maymay. She just had hyperacidity attacked recently.” Bawal naman ni Edward bago pa man maabot ni Maymay ang inumin.

Natahimik ang lahat at salamat kay Yong ng magsalita ito, “Wow naman! Mukhang updated ah.”

"Pero Ate May paano naman kaming hindi? Kaya it is your turn na.” At inagaw na lang nito ang inumin sa kamay ni Christian.

Kung kanina ay awkward ngayon naman lahat ng mata nila ay na sa akin na. Wala na akong kawala. Pero handa na ba ako? Kaya ko na bang ibahagi sakanila ang lahat o dapat pa ba nilang malaman?

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now