TOTGA - Confrontation (Part 2)

1.5K 101 41
                                    

Try niyo po ulit basahin yung previous chapter para maisunod ang emosyon. Joke lang po. NakaVote na ba sa push? Balita ko malaki lamang nila ahh.. Charaught! Pero di ko po alam if legit. Basta let's give a good damn fight!

Btw, I hope all of your family members are okay sa pananalanta ng bagyong Ompong. Let us also pray sa mga souls ng nasawi at mga masyadong naapektuhan na properties. Sana All soon makarecover.

❤️❤️❤️
"Oo, na sa Japan tayo noong unang beses kami nagkakilala ni Papa. Noong araw mismo ng concert. Nakakagulat bang malaman? Di ba ni hindi mo naramdaman na nawala ako noon ng pansamantala dahil busy ka. Doon pa lang ramdam ko na ang pagbabago mo." Pagpapatuloy ni Maymay.


"Sabagay tama ka naman eh, loveteam mo lang ako." May pagbibigay diin ni Maymay.



Gulat pa rin si Edward sa mga naririnig dito. Subalit hindi ang huling binitawang mga salita nito. Naalala pa niya ang pakikipag-usap niya  noon kay Heaven na sadya niyang ipinarinig kay Maymay.


"Tama na please. I am so sorry, May. I really regret what I did."

Hinging patawad ni Edward habang nakayukong umiiyak at nakatukod ang mga kamay sa lupa na malapit sa kinaluluhuran nito.


"No romantic feelings between us. Or should I say that was one way street. Okay lang sana kung talagang kaibigan lang pero unti-unti kang nagbago. Yung mga bagay na hindi mo kayang gawin nagawa mo. At higit sa lahat hindi ko akalain na kaya mo maglihim at magsinungaling kila Tita Cathy para lang kay Heaven. What's worst? Ginamit mo pa ako." Patuloy sa pag-agos ang luha ni Maymay.


"Alam mo sobrang saya ko noong ayain mo ako ng makipagdate kahit may pagtataka pumayag ako. Kaya lang yung saya agad din napalitan ng sobrang sakit."


Bumalik sa ala-ala ni Maymay ang pangyayaring iyon sa restaurant ng ayain siya ni Edward na makipagdate.


Isang linggo matapos ng fancon nila sa Japan ay bigla siya nitong inayang lumabas naisip niya marahil gustong bumawi nito dahil sa hindi masyadong pagapapramdam pwera na lang kung may taping or shooting sila.


"Oh, they are here."

Wika ni Edward at laking pagtataka naman na sinundan ni Maymay ang mga taong sinalubong nito. Kitang kita niya ng yakapin nito ang babaeng pumasok sa loob ng VIP room ng restaurant kung na saan sila.


Ganun na lamang ang gulat ni Maymay ng makita si Heaven at isa pang lalaki na kilala niya. Dahil nakasama nila ito sa isang proyekto, si Patrick Quiroz.


"Hi, Ate May. Salamat sa pagpayag sa pagsama kay Edward." Namalayan na lang niya na nakalapit na ito at niyakap habang na sa tabi nito si Edward na halatang-halata ang saya sa mga mata. Kaya gumanti na lamang siya ng yakap subalit walang ni isang salita ang namutawi sakaniya.


Gustong gusto niyang umuwi ng oras na iyon subalit hindi niya nagawa dahil na rin sa ayaw niyang lumabas na bastos sa harap ni Patrick dahil na rin sa sitwasyon.


"Kaya simula noon tinanggap ko na sa sarili kong wala na talaga akong puwang pati ang pagkakaibigan natin sa iyo. Hindi naman masamang mas pinili kong protektahan ang puso ko hindi ba? Alam kong hindi mo intensiyon na saktan ako pero doon pa rin naman humantong ang lahat."


Mahabang katahimikan ang sumunod. Banayad na pinunasan ni Maymay ang mga luha. Noon lang niya naiiyak lahat ang nangyari noon. Ganito pala kasakit kapag kaharap na niya ang taong nakapanakit sakaniya.


Muling binasag ni Maymay ang katahimikan sa pagitan nila ni Edward. Mataman namang napatingin si Edward sa pagbabago ng pananalita nito.

Nakalapit ba si Maymay kay Edward ng muling magsalita.


"Ganyan ba ng mga nais mong marinig sa akin, Edward? O dapat yung sumisigaw?"


May pagtataka sa mukha ni Edward lalo na ng lapitan siya ni Maymay at tumungo sa harapan niya para magpantay ang kanilang mga mukha.


"Kung nagkausap tayo noon baka sakali ganiyan ang maririnig mo sa akin o baka nga nasapak pa kita. But it's different now." Hinaplos ni Maymay ang mukha ni Edward matapos ay nag-indian seat sa harapan nito.


"Higit sa lahat dapat mas kilala mo ako, alam mong hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob lalo na sa taong puro kabutihan naman ang pinakita sa akin. Pati ng pamilya mo." Bahagya ng nakangiti ito at wala na ang mga malalamig na titig. Mahihimigan na rin ng banayad na himig na humahaplos sa puso ni Edward.


"May..." Bulong ni Edward.


"Shhhhh.... Hayaan mo muna akong magsalita." Itinukod ni Maymay ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran ng kaniyang kinauupuan at tumingala sa kalangitan na ngayon ay napupuno ng bituin. Sobrang sarap at ganda ng pakiramdam niya. Nawala na lahat ng bigat ng nararamdaman niya. Sobrang payapa gaya ng kalangitan.


"Aaminin ko na sumama ang loob ko, pero hindi yun dahil sa hindi mo kayang suklian kung ano man ang nararamdaman ko noon."


Sinamantala naman ni Edward na titigan ito.


"Nagsabay-sabay lang din siguro talaga at hindi ko alam ang gagawin. Pero alam mo hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun. At kung maibabalik ko ang pangyayari parehas lang din ang gagawin ko. Kasi kung hindi ko ginawa ang desisyon na iyon hindi ko mararanasan na kilalanin ng sarili kong ama. Hindi ko mararanasan yung alaga mula sa biological father ko. Hindi naging madali dahil marami akong naisakripisyo pero wala akong pinagsisisihan na kahit na ano."


Nababatu-balani pa rin si Edward sa naririnig sa kaharap. Kung kanina lang ay halos mabiyak ang puso niya sa nakikita at naririnig dito ngayon naman ay unti-unti ng nababalot ng saya ang puso at buong pagkatao niya. Unti-unti niyang nakikita ang babaeng noon pa man ay minahal niya.


"Hoy, kumurap ka naman baka matunaw ako niyan. Para ka ng tanga diyan." Hindi namalayan ni Edward na nakatingin na pala ito sakaniya.


Noon lang nagawang magbawi ng tingin ni Edward at nagsalita, "May, okay ka lang ba?"


Naguguluhan man ay natawa na lang si Maymay sa tanong nito. Halata rin na hindi iyon ang nais sabihin ng binata.


"Hmmm... sorry. What I mean is naguguluhan lang ako. Do you mean, hindi ka na galit sa akin?" Sabay kamot sa batok.


"Hahaha.. wala ka pa rin ipinagbago. Hindi mo na talaga naalis ang mannerism mo na yan kapag nahihiya ka."


Tumigil si Maymay sa pagtawa at muling nagsalita, "Nagalit oo pero noong umpisa. Hello, panget lang ako pero tao pa rin marunong masaktan."

At sinundan muli ni Maymay ng tawa na bigla rin natigil ng magsalita si Edward.


"Don't you ever say that. You are beautiful, inside and out. You must know that by now." Halata ang iritasyon sa himig nito.


"So ano galit ka na niyan. Ikaw naman? Hahaha.." Sagot na biro pa rin ni Maymay.


"Gaya nga ng sinabi ko, nagalit at nasaktan. Nang lumipas ang panahon pagtatampo na lang. Hindi ako galit Edward. Pero salamat kasi hinayaan mong o mas tamang sabihin na pinursige mo na magkausap tayo ng ganito. Okay naman na ako, pero mas okay na okay pala kung mailalabas ko sa mismong tao, mas magaan sa pakiramdam."


Matamis na ngiti ang natanggap ni Edward galing kay Maymay.

Tumayo na si Maymay at ganoon pa rin ang itsura ng naguguluhang si Edward.

"Hoy, baka gusto mo ng tumayo diyan. Di ka ba nangangawit. Baka paluin ako ni Tita Cathy kapag nakita niyang may pasa ang tuhod ng unico iho niya." Tsaka tumawa.

Medyo nahihirapan man sa pagtayo dahil sa nararamdaman na ngalay ay tumayo na rin si Edward.

"Tara na matulog na tayo."

Nakatalikod na si Maymay ng bigla niyang naramdaman ang mga brasong yumakap mula sa kaniyang likuran.

Napa estatwa siya ng magsalita ito dahil ramdam na ramdam niya ang hininga nito sakaniyang leeg.

"May, can we stay like this for awhile?"

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now