New Day, New Beginning (?)

859 45 20
                                    

Nagmulat si Edward ng nakangiti. Hindi niya makaila na sobrang saya niya ng maalala kung paanong naging maayos sa pagitan nila ni Maymay.

Agad-agad niyang inapuhap ang kaniyang paligid subalit hindi na niya mamataan ang dalaga. Marahil ay bumalik na ito sa sariling silid upang hindi sila makita ng mga kaibigan.

"Edward!" Sigaw ni Marco at naabutan nito ang kaibigan na halatang masaya habang naguunat.

"What happened brother. You look so fresh? Mukhang maraming nangyari kagabi ah." Sabay taas baba ng kilay ni Marco.

"Nothing really, Bro. Just that Maymay and I have talked at last. Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam." Nakangiting sagot ni Edward.

"Nagkalinawan na kami about the past." Dugtong pa nito.

"So that explains why she suddenly left early this morning." May seryosong tugon ni Marco.

Hindi naman makapaniwala si Edward sa narinig. Para siyang binuhusan ng tubig sa narinig.

"You must be kidding, bro. That is not a good joke. Masyado pang maaga para mang-good time ka. Sabi nga nila lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising." Seryosong tugon ni Edward sa kaibigan.

"I am not joking bro. She's no longer in her room this morning." Sagot naman ni Marco.

Umalis si Edward na nagmamadali at tinungo ang lugar kung saan nagpapahinga ang mga babaeng kaibigan.

Bago pa man niya maabot ang tinutungo ay nakasalubong niya si Kisses at Fenech.

"Hi Sesski and Fen, ahhh hmmm.." at gaya ng nakagawian napakamot sa ulo si Edward.

"Are you going to ask us where is Ate May?" Tanong ni Kisses.

"The answer is hindi namin alam. Wala na kasi siya sa room ng magising kami." Sagot naman ni Fenech.

"I see. Maybe she go somewhere, right?" Hopeful na tanong ni Edward.

"We really don't know. Kasi sa pagkakatanda ko kagabi may tumawag sakaniya di ba? Maybe about sa work?" Pagpapaalala ni Kisses.

I almost forgot that. Kaya nga pala kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ay dahil na rin sa umalis siya sa umpukan namin upang sagutin ang tumawag sakaniya.

Kaya rin ba ganun na lang kadali na napatawad niya ako dahil bigla na lang din siya mawawala?

No. Hindi na pwedeng mangyari ulit iyon. Mas lalong hindi ngayon.

"Edward, halika na sumabay ka na muna magbreakfast sa amin. Maybe Ate Maymay will join us later."

Samantala, abala si Maymay sa paglilibot sa mga souvenir shops sa Tagaytay. Masyado siyang masaya sa mga oras na iyon at mas lalong ineenjoy ang pagbabalik niya sa Pinas.

Habang naglilibot hindi maalis sa isip niya ang paguusap na naganap sakanila ni Edward para linawin ang lahat. Naging maayos ang lahat. Buong akala din niya ay ayos na siya pero totoo nga na mas masarap sa pakiramdam kung mailalabas ang dinaramdam sa mismong tao na involved.

Bumilang si Maymay mula isa hanggang sampu ng sabihin sakaniya ni Edward na manatili muna sa ganoong posisyon. Ang posisyon na muling nagpabilis ng tibok ng puso niya. Ang posisyon na nagpakilig sakanilang MayWard fans. Ang backhug.

Mabuti na lamang at nakatalikod siya sa binata kagabi kundi makikita nito ang pagiinit at pamumula ng kaniyang mga pisngi. Kaya ng matapos ng pagbilang niya ng sampo ay muli siyang nagsalita sa binata.

"Grabe bai, tama na. Tara na magpahinga panigurado may mga activities pa tayo bukas.. ay este mamaya."

"Goodnight, Edward." Pahabol niyang sinabi bago siya tuluyang umalis at tinungo ang silid.

Dumating siyang tulog na tulog ang mga kaibigang babae. Diretso siyang nahiga nakabukas ang mga braso. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya dalawin ng antok kaya nagpasya na lamang siyang magpalit ng damit at lumabas.

Kaya siya napadpad sa souvenir shops sa mismong bayan. Mabuti na lamang ay may papaalis na staff kanina mula sa hotel kaya may nasakyan siya.

Abalang-abala si Maymay sa pamimili ng bigla na lamang may yumakap sakaniya.

"Hey, May. Is that you???" Tanong ng lalaking may accent.

"Stop it bruh. You'll dismantle her bones." Sabay tawa ng huling nagsalita.

Halata naman ang gulat at tuwa ng makita ni Maymay kung sino ang mga binatang na sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin rin ito pabalik.

----------
Ipagpaumanhin ninyo ang matagal kong pagkawala. Hindi ko masasbing magtutuloy-tuloy na po ang update subalit sisikapin ko po. Masyadong namemental block.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now