TOTGA - WEEKEND

987 76 8
                                    

Thank you for reading. ❤️
Congratulations sa SG Concert. Nagkaaberya man the show must go on. Grabe nakakaproud ang babies at siyempre sobrang proud din ako sa flyers. KUDOS!!!!

Enjoy reading. 🤗😘

❤️❤️❤️

Pagbaba ni Maymay ay na sa labas na ang mga kaibigan niya at naghihintay.

"Ate May!!!" Sabay-sabay na sigaw nila Fenech, Viv, at Kristine

Binigyan ko ng halik at yakap ang mga bebe girls ko kaya humirit si Yong, "How about us Ate May. Ay, ganyanan na bai." Sabay lungkot-lungkutan ng mukha.

Agad ko naman siyang hinila sa leeg at niyakap samantalang fist bump na lang ang binigay ko sa iba dahil maayos na silang nakaupo sakaniya-kaniya nilang pwesto. At doon ko nga nakita si Edward katabi si Marco na tahimik na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya na parang kagaya ng dati noong na sa PBB House pa kami.

"Oh, na saan na si Kisses?" Tanong ko kay Viv.

"Ano pa ng aba Ate May, eh di late di ka na nasanay don." Sagot naman ni Kristine.

"Palagay ko dapat mauna na kayo, ako na lang ang maghihintay kay Kisses. Dadalhin ko naman ang sasakyan ko."

"What?!" Sabay-sabay na tanong naman ng mga boys.

"Ang o-OA ha, ano namang masama kung magdala ako ng sasakyan. Baka kasi mamaya kailanganin kong bumalik bigla ng Manila tapos maabala ko pa ang get together natin ayoko naman ng ganun." Sagot ko sakanila.

"Ate May naman! Kaya nga kami nag rent ng van para iisa lang ang sasakyan natin. Roadtrip di ba? Habang na sa daan pa lang bonding na." Sabi naman ni Aizan.

"That's true, Ate May. Eh di sana nagsidala na ng mga sasakyan yang mga mokong na yan para magyabang." Pang-aasar naman ni Kristine sa mga boys.

"Kaya Ate May, hihintayin natin si Kisses at sabay-sabay tayo pupunta ng Tagaytay." Final na sabi ni Fenech.

"Let's go, May. Minsan lang naman ito." Napatingin naman ako sa taong nagsalita na seryosong nakatingin din sa akin. Nagulat ako ng magsalita si Edward pero hindi ako nagpahalata. Akala ko kasi ay mananatili siyang tahimik.

"Sige na nga." Sagot ko lang.

"Ayun, yan tayo Ate May eh si Edward lang pala ang kailangan para mapa-oo ka. Ayyiiiiieee". Pagbibiro ni Yong sa akin.

Napansin ko naman ang simpleng pagsiko ni Marco kay Edward na nagpangiti dito. Hay, ang mga ngiti niyang iyon. Ang tagal ko ring hindi nakita ng personal. Kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti rin.

Pero unti-unti nawala ang ngiti ko ng may maalala at bahagyang nag-iwas ng tingin sakanya. Hindi ko napigilang itanong, "Na saan pala si Heaven?"
Bigla naman natahimik ang lahat sa tanong ko. Mali ata na nagtanong ako, minsan talaga hindi ko mapigilan ang matabil kong dila.

"Ehem, ehem, AWKWARD."

Pagbasag naman ni Christian sa katahimikan.

"Ano ba kayo? Ano bang masama sa tinanong ko? Di ba get together ng PBB Teens ito so I expected we are all present. Right, guys?"

Wala pa rin sumagot sakanila hanggang sa makareceive ng tawag si Yong mula kay Kisses. "Fenech, daanan na lang daw natin si Kisses sa may condo nila. Hindi na siya maihahatid ng Daddy niya along EDSA."

"Ate May, dito ka na lang sa tabi namin nila Kristine." Pag-anyaya ni Rita sa akin.

"Naku, naku, the moves ka Tian. Kaya pala gusto mo diyan sa gitna para makatabi mo si Ate May ha." Hirit ni Aizan.

"Tigilan mo ako Aizan, saan mo ako balak isik-isik diyan sa likod. Laki kong ito saan mo ako pagkakasiyahin, aber?" Balik tanong naman ni Tian kay Aizan.

"Ito naman masyadong seryoso. Just a joke bro 'wag masyadong defensive."

Tiningnan lang ng masama ni Christian si Aizan kaya nagsign na lang ito ng zip sa bibig.

Na sa pinakalikod kasing upuan ang ilang gamit, si Aizan, Marco, at Edward. Ang huli ang na sa pinakasulok malayo sa pintuan. Samantalang si Christian, Kristine, Rita ang na sa gitna at sa pinakaunang upuan naman si Yong kung saan mauupo rin si Kisses.

"Rita, lipat ka na lang doon kila Yong para tatlo bawat row tayo." Suhestiyon ni Kristine kay Rita.

"Ang daya naman. Kaya ko nga inaya si Ate May sa tabi natin para maka-usap ko siya." Sabay simangot ni Rita.

"Baby girl, okay lang. Makakausap mo rin naman ako swear. Okay? Para komportable ka rin makaupo at pahinga sa biyahe. Okay?" Singit ko na sa usapan ng dalawa at  baka mauwi pa sa tampuhan.

"Pero Tian, okay lang ba na sa tabi ako ng bintana para kung sakaling makatulog ako makakasandal ako." Balik ko naman kay Christian.

"No problem, May."

Nang makaupo na ako agad naman na kaming nagtungo sa condo nila Kisses kung saan siya naghihintay. Nagtataka pa rin ako kung bakit wala si Heaven pero ayoko na munang magtanong dahil mukang walang may gustong sumagot.

Di sinasadya na napatingin ako sa front mirror ng sasakyan at doon ko nakita ang pares ng mga mata na mukang kanina pa ko pinagmamasdan. Halata sa mga mata na nakangiti ito sakaniya. Kung kaya't ngumiti na lamang din siya.

----------------------------
Kalahating oras na silang na sa biyahe ng makita ni Edward na nakapikit na si Maymay habang may earphone. Gaya pa rin ng dati, ang ganda pa  rin nito kapag tulog. Kung kagaya lang ng datu baka pri-nank na niya ito. Pero nahalata niya ang pagod sa maamong mukha nito.

Naramdaman naman ni Edward na lumapit si Marco tenga niya, "Bro, wag mo masyado titigan baka pati salamin mabasag. Di kayanin ang mga titig mo." Siniko ko naman siya at baka may makarinig.

Buong akala ko ay natutulog ang mokong na ito nagobserve lang pala. Kaya tinulak ko na lang ang muka niya palayo, "Shut up and sleep now, bro." Ganting bulong ko sakanya.

Nakita ko na lang ang ngisi ni Marco habang nakapikit.

Pagbalik ko naman ng tingin sa aking harapan ay siya naman nakita kong inaayos ni Christian ang ulo ng kaniyang prinsesa sa balikat nito.

Princess? Oooppss not anymore. Kastigo naman ng isip niya.

Hindi ko napigilan ang makaramdam ng inis. Tsk.

Narinig ko naman na bahagyang natawa ng mahina ang na sa tabi ko. Lakas din talaga mang-inis ng isang ito.

Pansamantala kaming huminto sa gas station to fill some gas and to use wash room. Gigisingin sana ni Christian si Maymay ng pigilan ko siya at sumenyas na ako na ang bahala. Bahagya ko pang itinaas ang neck pillow para maintindihan niya ang ibig kong sabihin.

Nag-aalangan man ay pumayag na rin siya at bumaba ng sasakyan.

"Ikaw Bro, di ka ba bababa?" Tanong ni Marco na kasalukuyan pa lang naghihintay sakaniya.

"No bro, I am fine." Sagot ko sakanya ng maayos ko ang neck pillow  at jacket kay Maymay. Hindi ko mapigilan ang titigan ito.

"Sus, gusto mo lang masolo si Ate May. Huwag ako, Bro. Siya, may gusto ka bang ipabili?"

"Just buy something na healthy and pakipainit mo na rin para kapag gumising si May mamaya may makakain siya." Pakisuyo ko sakaniya.

"Hay, titig ng pag-ibig..." Kanta nito habang palayo.


Ramdam ni Maymay ang humahaplos na kamay sa kaniyang pisngi. Mainit at malambot ito at banayad na nanghihikayat sakaniyang matulog pa ng mahimbing. Bahagya pa niyang hinawakan ang kamay at siniksik sa kaniyang leeg habang siya ay natutulog sakaniyang kama.

Hindi mapigilan ni Edward ang sarili na haplusin ang mukha ng dalaga na nakaupo sakaniyang harapan. Kung kaya dumukdok siya sa sandalan ng upuan ni Maymay matapos tumingin sa paligid at makitang ang lahat ay tulog bukod kay Fenech na katabi ng driver. Pasimpleng niyang inilusot sa maliit na uwang ang kaniyang mga kamay at tinuloy ang kanina pang balak. Hinaplos niya ng banayad ang kaliwang pisngi ni Maymay sa paraang hindi ito basta-basta magigising. 

Bahagya pang nagulat si Edward ng hawakan ni Maymay ang kamay niya at siniksik sa gawing leeg nito. Napangiti si Edward habang pansamantalang tumingin sa front mirror upang silipin ang itsura ni Maymay. Mukha mahimbing pa rin ang tulog nito. Palagay niya ay nananaginip ito dahil kung hindi panigurado nakatanggap na siya ng matatalim na tingin mula dito. Binalik niyang muli ang ulo sa sandalan ng upuan ni Maymay at pumikit na rin ng makita niya itong ngumingiti habang natutulog.

Nagising naman si Maymay ng maramdaman niyang parang may nawala sa kamay niya. Nang tuluyang magising ang diwa niya ay nakita niyang nagbababaan na ang mga kasama at nagkakaniya-kaniyang unat.

Laking gulat naman niya ng biglang may mukang lumapit sakaniya na halos gadangkal na lang ang layo at bumati sakaniya ng, "Goodmorning!" Sabay ngiti nito ng pagkatamis-tamis habang titig na titig. Di nakalampas sakaniya ang paglunok nito na nagpalunok rin sakaniya. Pakiwari niya ay dahan-dahang bumaba ang ang mukha nito sa mukha niya kaya't na paestatwa na lang siya.

Pababa na si Edward ng makabalik si Maymay sa ulirat at kukurap-kurap na bumulong ng "Goodmorning."

"Ganda ng gising, Edward ah!" Rinig niyang pang-aalaska ni Marco sa binata.

"May nakita ako, di ko sasabihin. Pilitin niyo ako at sasabihin ko na rin." Malakas na kanta ni Marco habang nakaakbay kay Edward. Hindi naman mapigilan ni Maymay ang mapailing dahil wala siyang naiintindihan sa kung ano man ang nakita ni Marco.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now