TOTGA - REVELATION

924 73 5
                                    

Sa totoo lang po nahihirapan ako gumawa ng sweet moments ng MW kasi masyadong di hamak na maganda ang realidad nila. Harujuiceko! Kaya sana po maappreciate niyo ang mumunti kong update.

Thank you Lord for the blessings na narereceive ng babies namin ganun din po ang blessings sa personal naming buhay.

Let's also pray and claim the success of DT Baguio.

❤️❤️❤️

Bumuntong hininga ako bago nagsalita, "Hmmmmm.. ano ba ang gusto niyong malaman?" Tanong ko sakanila na bahagyang ngumiti.

"Uy, huwag kayong masyadong seryoso. Nakakakaba kayo." Halong biro ko pa sa mga kaibigan ko na ngayon ay naghihintay sa akin na magsalita.

"Why you throw all those dreams, May?" Diretsahang tanong naman sakaniya ni Edward.

"Why so serious, Twin?" Balik tanong niya na hinaluan niya ng pinakasincere na ngiti na kaya niyang ibigay.

"Bakit nga ba ako umalis?" Muli ako nagbalik sa nakaraan at inumpisahang magkwento.

"Ngayon nakabase ako sa Japan. Kasama ko ang Papa ko." Halata sa mga mukha nila ang pagtataka.

"I know curious kayo. Makinig lang muna kayo at saka magtanong kapag tapos na ha?" Sasagutin ko kayo hanggang sa kaya ko. Grabe bai, ang hirap naman ma-hot seat. Akala ko bonding natin ito?" Subok pa niya para pukawin ang mga seryosong mukha ng mga kaibigan.

"Tapos na kami Ate May. Kaya ikaw na." Yan ang banayad na sabi ni Vivoree.

"Okay. I will start."

"Nakilala ko ang Papa noong na sa Japan kami. Noong Japan Concert namin ni Edward." Kitang kita naman ni Maymay ang pagtataka sa mga mata ni Edward na ikinailang niya kaya nagiwas siya ng tingin dito.

"Noong una akala ko good time lang. Pero hindi ko alam kasi may pakiramdam ako noon na kailangan ko puntahan yung address na nakasulat sa papel na binigay sa akin ng isang lalaki. At ng gabi ng araw na iyon nakilala ko ng personal ang Papa ko. Simula din non nagkaroon na kami ng komunikasyon na pansamantalang inilihim ko kila Mama Lorna at Mama Ludy. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sakanila. Tanggap ko naman na noon pa kung sakaling di ko na siya makilala pero binigyan na ako ng pagkakataon." Mahaba kong pag-uumpisa.

"Masyadong pribado ang buhay ni Papa kaya ayaw niya ng masangkot ang pangalan niya sa kahit na anong kontrobersiya. Isa pa, baka kasi makasama sa negosyo niya at ng pamilya niya. Hanggang sa pinapili niya ako kung mananatili ba ako sa industriya o puputulin na naming ang kahit anong nagdudgtong sa aming dalawa. Ayoko sana umalis kaya lang – " bigla siyang nagdalawang isip kung sasabihin niya ang parte na iyon ng pagdedesisyon niya, ang parte ni Edward sa desisyon niya.

Pero mas pinili niyang huwag na lang.

"Kaya lang?" Pagdugtong ni Fenech.

"Ah -, eh kaya lang parang gusto kong maranasan kung paano magkaroon ng isang ama. Yung totoong kadugo at laman ko." Totoo naman ang sinabi ko na iyon pero mas matimbang pa rin sana kung hindi ko lang kinailangan lumayo para isalba ang puso ko.

"Nakagraduate na rin ako at kasalukuyang nagtratrabaho sa kompanya ni Papa. Totoo yung sinabi ni Heaven na OFW ako." Pagbibiro niya.

"Kung minsan naman ay tumatanggap din ako ng pagmomodelo. Salamat sa tulong ng isang kasosyo ni Papa sa kompaniya at napapayag siya. Pero gaya ng napagkasunduan naming ni Papa hindi dapat makaladkad ang pangalan nila."

"Pero Ate May, paano? Wala naman kaming nakikita na mga picture mo o cover?" Pagtataka ni Kisses.

"Bebe girl, alam mo kasi may mga modelling gigs naman na hindi kailangan ipakita ang buong mukha. Halimbawa yung sa mata lang ang kailngan o kaya minsan labi lang. Kung minsan naman kahit whole body nagagawan naman ng paraan na hindi maexpose ng buo ang mukha ko. Isama mo pa na hindi ko ginagamit ang "Entrata" sa tuwing may mga sideline akong ganyan."

"Ate May, sorry ha. Pero parang nakakainis naman yung Papa mo. Bakit kailangan ka pa niya papiliin. Hindi ba siya proud na naabot mo ang pangarap mo?" Ramdam ko ang inis ni Kristine sa tanong niya.

"Sa totoo lang nasaktan rin ako noon, pero siguro mas naging matimbang lang yung pangungulila ko noon sa isang ama. Akala ko talaga noon maayos lang na wala akong kinikilalang ama bukod kay Papa Joe at pansamantala si Tito Kevin. Pero ng maranasan ko na, don ko lang naramdaman na may kulang pala talaga." Diretso lang ang tingin ni Maymay sa built in bonfire sa harapan nila.

"Naging strikto si Papa sa akin pero sobra naman pinaramdam niya ang pagmamahal at pag-aaruga. Kaya nga iilan lang din sa industriya ang nakakaalam na sumusulat ako ng kanta at palihim ko iyong ipinadadala."

"Parang gusto ko magtampo sa iyo Ate May, bakit kahit sa akin naglihim ka? Pati sa akin nagtago ka?" Nagtatampong sabi ni Kisses.

"Hindi lang naman sainyo, may panahon na hindi ko rin talaga nakausap sila Mama Lorna lalo na noong unang taon na umalis ako. Nagalit si Mama sa akin, maging sila Kuya Vincent at Ryo ay ayaw niyang ipakausap. Tanging si Mama Ludy lang ang nakaintindi sa naging desisyono ko noon." Hindi niya maiwasang malungkot sa tuwing maalala ang epekto ng naging desisyon niya na iyon.

"Mas mabuti na yun at least lahat kayo walang alam di ba?" Natatawang sabi niya. "Patas lang sa lahat."

"Grabe Ate May, akala ko ng manalo ka sa PBB tapos na ang MMK mong drama yun pala may karugtong pa." Biro ni Aizan na nagpaingay muli sakanila.

Lumapit naman si Vivoree sa akin at niyakapa ako ng mahigpit.

"Hoy sali kami." Sabay lapit naman ni Marco at yumakap sa amin at nagsunuran na silang lahat. Nagkatitigan pa kami ni Edward na ngayon ay nakatayo na at naglalakad patungo sa kumpulan namin. Binigyan ko lang siya ng ngiti na nagsasabing ayos lang. Nang makalapit si Edward sakanila ay nakigulo na rin sa group hug na nagaganap.

Nanlaki na lang ang mga mata ko na napatitig kay Edward ng maramdaman ko ang mainit na labi na dumapi sa aking noo. Saglit lamang iyon pero ramdam na ramdam niya ang sinseridad. Madali lang na nagawa ni Edward ang halikan siya sa noo dahil mas matangkad sila kesa sa iba at na sa gitna siya ng kumpulan. (Inspired nong group hug nila sa loob ng BNK kung saan ibang klase ang titigan nila. Hihi.. Tanda niyo pa?Kinilig kayo di ba? Charaught! Going back)

"Hoy ano ba. Tama na hindi na ako makahinga." Biglang sigaw niya habang tumatawa para mawala ang kaba na nararamdaman dahil sa ginawa ng binata. Sigurado niyang wala naman nakapansin sa ginawa nito dahil walang kahit anong reaksiyon ang mga kaibigan nila.

Isa-isang nagsibalikan naman sa puwesto ang mga kaibigan niya na nag-umpisa na rin uminom at kumain ng mga baon nila.

"Tara laro naman tayo." Suhestiyon ni Yong.

"Sige, sige. TOT na lang." Sabi naman ni Rita.

"Anong TOT, ang baho naman?" Tawang tanong ni Kristine.

"Eh di truth or truth. So walang dare dare. We are matured individuals naman na right?" Napapa-english na sabi ni Rita na mukhang may tama na ng ispiritu ng alak.

"Ay, sige maganda yan. " Pagsang-ayon naman ni Vivoree.

"Game spin the bottle tapos kung kanino tuturo siya ang susunod na magspin. Okay ba yun?" Tanong ni Fenech.

"Okay!!!" Sagot ng lahat.

Pinaikot naman na ni Fenech and bote na ngayon ay tumapat kay Marco.

"Marco, seryoso ka ba kay Vivoree?"

Kaniya-kaniya naman hiyawan ang lahat. Mukhang matapos ang seryosong usapan sa buhay ay lovelife naman ang patutunguhan ng larong ito.

"Oo naman. Tama na yung minsan ko siyang pinakawalan." Seryosong hayag nito.

"Ouch! Grabe bai busina naman baka may tamaan." Exagge na pahayag ni Yong.

Patuloy naman ang pagpapaikot nila ng bote hanggang sa matapat naman kay Edward at si Kristine naman ang nagtanong, "Dward, masasabi mo bang natagpuan mo na ang TOTGA mo?" Tanong nito.

"TOTGA?" Rinig kong tanong nito sa kaibigan nila.

"Ah, The One That Got Away. I can say, YES." Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata na nagpasamid naman sa akin. Nagbawi rin ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang kaniyang mga titig.

Sumunod na natanong si Kristine hanggang sa ako na ang pinakahuli at si Yong ang magtatanong.

"Ehermmm, ehermmm... Ate May humanda ka na sa tanong."  Pagseseryoso niya kunwari.

"Bring it on." Masaya ko naman na tugon sakaniya.

"Welcome back dito sa Tonight With Boy Yong-yong. Eherm.. May," Natawa pa kami sa panggagaya niya kay Tito Boy.

"Kayo na ba ni Tanner, ano na baa ng totoong estado ng inyong relasyon?" Medyo gulat man ako sa tanong ni Yong napangiti na lang ako.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now