TOTGA - Catching Up 1

1K 68 7
                                    

Pagpasensiyahan niyo na po kung sadyang matagal ang update. Isisi po natin sa kakirehan nong dalawa. Hindi po ako makaahon. Hehehe ✌🏻️Thank you po sa patuloy na pagbabasa.
'
Sa dami ng issue sa plaza minsan maiisip niyong ang sakit na o kaya naman gusto ng tumigil. Pwede naman magpahinga wag lang susuko. Hayaan natin dumaan ang pinagdadaanan ng fandom kung meron man. Kaya nga pinagdadaanan kasi dadaanan lang natin kaya wag natin tambayan. 😝😁😄 Lagi natin tandaan kung bakit tayo andito at iyon ay para sa MAYWARD.
'
When you feel tired or quitting just always remember why you are here in the first place.
'
Enjoy reading ☺️
❤️❤️❤️❤️❤️

Nanonood ako ng tv ng tumunog ang doorbell. Inisip ko kung sino kaya iyon dahil wala naman akong inaasahang bisita.

After my hyperacidity attack last night nagdesisyon na akong magpahinga muna.

Wala naman akong nakitang tao ng sumilip ako sa peephole kaya binuksan ko na lang ang pinto.

"Surprise!!!!"

"Waaaaahh!!!" Sigaw ko.

Tawa ng tawa sila Ate Jinri at Ate Elisse. Sabay yakap nila sa akin.

"Baby girl until now magugulatin ka pa rin." Sabi ni Ate Jinri.

"We miss you, May!" Si Ate Elisse habang yakap pa rin nila ako.

"Grabe, mga Ate kooooo." At mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sakanila.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Hmmmm baby Sis di mo ba muna kami papapasukin?" Tanong ni Ate Jinri.

"Halla, sorry mga Ate. Tara pasok tayo." Hinila ko sila hanggang sa makaupo kami sa couch kung saan ako nakaupo kanina.

"Mga Ate, sobrang namiss ko po kayo."
Pinanggigilan ko ang mga muka nila at pinghahalikan.

"Maymay, ano ba. Tama na." Sabi ni Ate Elisse habang tumatawa.

"So bakit nga po kayo napunta dito at paano niyo nalaman na andito ako?"

"Di ba kagabi you supposedly come with us sabi ni Tanner kaso nga lang inatake ka daw ng sakit mo. Kaya we decided na kami na lang ang pumunta sayo." Sabi ni Ate Jinri at agad akong niyakap.

Mukang alam ko na kung paano nalaman nila ate kung saan ako nakatira. Mamaya ko na iisipin kung maiinis ako kay Tanner kasi ang saya ko naman na makita at andito ang mga  ate ko.

"Kamusta na ba ang pakiramdma mo? Ano na naman ba ang pinagkakaabalahan mo at napapabayaan mo na ang sarili mo?" Nakuha naman ni Ate Elisse ang atensiyon ko sa tanong niya.

"Mga Ate okay lang po ako. Medyo inatake lang ng hyperacidity. Dala na rin siguro minsan nalilipasan ng gutom kapag focus sa work." Tinanong ko rin kung gusto nila ng snacks kaso cereals lang ang meron ako. Hindi pa kasi ako nakapagrocery.

Biglang napatayo naman si Ate Jinri at agad nagpunta sa labas. Tumatawa na siya pagbalik dala ang dalawang plastic bag which I guess pagkain ang laman.

"Sa sobra nating namiss ang isa't isa nakalimutan na naming may bitbit pala kami." Sabi ni Ate Jinri na dumiretso sa kusina.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now