TOTGA - CONFRONTATION (?)

1K 73 11
                                    



MM's POV

Nakahinga ng maluwag si Maymay ng matapos ang kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang sekretarya. Wala naman daw masamang nangyari o mga emergency. Nagbigay lamang ito ng mga update sa ilang transaksiyon ng kompanya na naiwan ng siya ay umalis.


Malapit na siya sa lugar kung saan niya iniwan ang mga kaibigan ng naulinigan niya ang pinag-uusapan ng mga ito.


Na sa hot seat si Edward, hindi niya alam kung ano ang tinanong ng mga kaibigan sa binata kung bakit ganoon na lamang ang pag-amin nito sa nangyari sa nakaraan. Alam ng niya na malaking palaisipan sa mga kaibigan niya ang nangyari pero wala naman na siyang plano pang ipaalam sa mga ito. Matagal ng natapos iyon.


Gumaan lalo ang pakiramdam niya ng marinig ang pagsisisi ni Edward kahit na hindi nito alam ang diretsahang kasalanan sakaniya.


Imbes na tumuloy ay dahan-dahan na lang ako naglakad palayo. Paniguradong hindi titigil ang mga ito hanggang hindi nalalaman ang buong pangyayari.


Nagpasiya muna akong maglakad –lakad tutal ay maliwanag naman ang buwan. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip na merong ganito kagandang lugar ilang oras lang ang layo sa Manila. Siguro kung may mga pagkakataon lang ako noon ay matagal ko ng nalibot ito.

Ibang iba talaga ang gabi sa Pinas. Yung tipong malayo sa kabihasnan tanging mga tunog lamang ng kulig-lig ang iyong maririnig, mga alitaptap na umiilaw-ilaw sa dilim, ang malamig at banayad na dampi ng hangin sa balat. Namiss ko talaga ang PIlipinas. Ito ang mga nawala noong umalis ako.


Muntik nang malaglag sa pool si Maymay nang biglang may nagpatong ng jacket sakaniyang balikat.

"Ay, bushak!" Gulat na nilingon niya ito.


"Hanggang ngayon ba naman magugulatin ka pa rin, May?" Natatawang sabi naman ng binata.


"Bushak ka Tian! Bakit ka ba nanggugulat?!" Inalis niya ang pagkakababad ng mga binti niya sa pool para tumayo at hampasin ito.


"Hahaha.. Aray naman! Nananakit ka na agad hindi ka pa man nagtthank you." Pagsalag naman ni Christian sa mga hampas niya.


"Juicemi ka, muntik na tuloy akong malaglag. Buset!" At nagtawanan na lamang silang dalawa.


Lingid sa kaalaman ni Maymay na sa di kalayuan ay may nakakarinig na ng kanilang mga tawanan. Nagmamasid.

Laking gulat naman ni Maymay ng biglang tumigil sa pagtawa si Christian at hinawakan ang mga pisngi niya. Bahagya pa nitong hinaplos gamit ang hinlalaking daliri.


"May, let's just stay like this. Don't move. Huwag kang lilingon." Pabulong na sabi ni Christian sa akin.


"Ah, eh... medyo nakakailang kasi." Sagot ko sakaniya.


"Alam ko naman na aware ka sa feelings ko sayo noon. At aware din naman ako na wala talaga akong pag-asa sayo. Pero nakamove-on na ako. Bagay nga kayo ng Edward mo gandang-ganda ka sa sarili?" Nakangisi pang sabi nito.


Kinurot sabay irap ang ginawa ko sakaniya, "Ayan yan ang dapat sayo." Muli ay nagtawanan lang kaming dalawa.


"Hay, naku. Duwag talaga. Tsk." Bulong naman ni Christian.


"Mukang may iba pang naghahanap sa iyo. Bumalik ka na doon at ako ay mauuna ng magpahinga. Basta May lagi mong tandaan that you deserve to be happy. Huwag mong hayaan na mabalot ng takot masaktan muli ang puso mo." Ginulo nito ang buhok niya bago umalis.


Nagtataka man ay tinahak ko na muli ang daan patungo doon sa umpukan naming kanina ng may napansin naman akong bulto ng tao na nakatayo sa isang balon. Siguro wishing well iyon.


Matagal man niyang hindi ito nakita hanggang ngayon ay kilala niya ang likod na iyon. Mas tumaas at lumapad ang pigura nito pero pamilyar na pamilyar pa rin siya sa tindig nito.


Mukhang seryos itong nakikipag-usap sa wishing well kaya hindi siya nito nararamdaman.


"Sobrang lalim naman ng iniisip mo, Twin." Sabi ko kay Edward ng makatabi ako sakaniya.


Halata sa itsura nito na nagulat sa bigla niyang pagdating o mas tamang bigla niyang pagkausap dito.


"Hi." Yan lang ang naging tugon niya sa akin.


"Anong Hi? Nagsabi ba ako ng hello?" Biro ko sakaniya.


"Sorry." Ang trade mark niyang kamot sa batok sa tuwing nahihiya ito o humihingi ng paumanhin.


"Bai, ano yan? Joke lang ito naman. Masyado ka namang seryoso. Chill. McFloat you like?" Bigla ko kasi naalala yung endorsement namin noon sa McDo na #MayWardvanceMagIsip .


Mukhang nakuha naman niya ang biro ko, "Classic pa rin sa akin. Parang ikaw. Iba pa rin ang original." Banat nito sakaniya.


"Juiceko, Twin. Huwag ako. Gamit na yang mga banat na yan." Natawa na lang siya ng makita muli ang paghaplos nito sa sariling batok.


"So ano nga ang ginagawa mo dito? Hinihintay mo ba si Sadako?" Birong tanong ko sakaniya.


"Hindi ba pwedeng ikaw?" Bulong na sagot nito.


"Ha?" Sakaniya na kunyari ay hindi niya narinig.


"Wala sabi ko hintay kaagad hindi ba pwedeng nag-wiwish?" Iritableng sagot nito.


Hay naku kahit kailan talaga pikon. Bulong ko sa isip.

"Ang sungit-sungit ng Twinnie ko." Sabay kurot sa pisngi niya. Namiss ko rin panggigilan ang isang ito.


"Aray, May. Teme ne. Mashaket." Pagbawal niya sa akin.


Nabigla naman ako dahil sa paghawak niya sa aking mga kamay. Ang pakiramdam na iyon. Pakiramdam na akala ko matagal ng nawala.


Inalis ko ang aking mga kamay sakaniyang pisngi na naging dahilan ng kaniyang pagbitiw.


"Tapos ka na ba sa pag-wiwish? Tara na balik na tayo." Pag-aaya ko sakaniya.


"May..." Tawag niya sa akin na nagpahinto naman sa akin.


"Yes, Twin?" Sambit ko ng lingunin ko siya.


"Please stop that."


Nagtataka naman akong tumingin sakaniya.


"Stop what?" Nakangiti kong balik tanong sakaniya.


"Please stop calling me Twin or Twinnie."  Nahalata niya ang lungkot sa mga mata nito.


"Alam mo ang arte mo. Yun naman ang tawagan natin dati ahh. Laura is my soul sister at ikaw naman ang Twinnie brother ko."


Kahit kailan talaga hindi kayang magtago ng nararamdaman ang lalaking ito. Dahil kitang kita niya ang sakit na sumilip sa mga mata nito ng bitiwan niya ang mga huling kataga na kaniyang binanggit.


"Yeah right." Bulong nito ng makatapat sakaniya.


Magkasabay silang naglakad pabalik sakanilang kaibigan ngunit walang may nais bumasag sa katahimikan.

-------

Kruuuu.... kruuuu... kruuuuu..... sabi ni otor.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now