TOTGA - Catching Up 2

1.1K 64 8
                                    

"Now better start then we will just listen." Si Ate Jinri.

"Ate Jinri, medyo kumokorni ka na ha." Hirit ko sabay tawa.

"Aba aba aba. You don't respect me na huh?!" Sabi niya sabay pout.

Ang cute lang. Kaya yunakap ko siya at nagsimula na akong magkwento.

"Mga Ate, sa ngayon nagtetraining ako sa company na pagmamay-ari ng Papa ko. Nagstart ako noong grumaduate ako ng college last year. At the same time part time model."

"Akala ko totally ka ng nawala? I mean nawala sa limelight. Pero paanong nagmomodel ka pa? And ang bilis mo naman nakagraduate?" Nagtatakang tanong ni Ate Elisse.

"Elisse, hayaan mo muna siyang magkwento." Bawal ni Ate Jinri.

"Okay lang naman po, Ate. Para malinawan kayo agad." Sagot ko naman.

At nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Sa pagmomodel ko, honestly ayaw ni Papa. Nagkataon lang na isa sa business partner niya ang nakakita sa akin at potential ko. Right at that moment inanong ako kung gusto ko. Pumayag si Papa pero with condition na I will never show my face at hindi babanggitin ang apelyidong "Entrata".

"Dahil ayoko rin totally bitawan ang pangarap ko pumayag na rin ako. Sa pagkagraduate naman, pinagpatuloy ko ang home studies ko. Nagtake rin ako ng acceleration exam at nakatsamba naman ako. Iba talaga nagagawa ng pera at kapangyarihan ano?" Biro ko at bahagya akong tumawa.

"Habang nagaaral ako sinasabay ko ang pag part time model dahil ayokong iasa lahat kay Papa kahit pa sabihing na sa poder niya ako at may kaya sila. Nasanay na rin naman akong hindi ko basta-basta nakukuha ang gusto ko ng hindi ko pinaghihirapan."

"Tama ba ang na sa isip ko? Na ayaw ng Papa mo na magshowbiz ka?" Si Ate Elisse.

"Parang ganun na nga. Kasi alam niyo naman sa showbiz di ba? Magulo, lahat ng pinakatatago mo mauungkat. At ayaw ni Papa na madamay pa pati ang pangalan nila."

"Grabe, hindi ba siya natutuwa sa narating mo o nararansan mo that time?" Si Ate Jinri naman ang nagsalita.

Hindi ko mapigilan ang malungkot sa tanong nila. "Yung totoo Ate? Hindi ko alam kung naging proud ba siya. Kaya sabi ko kahit kilalanin na lang niya ako sapat na."

"Kaya lang bago ka niya kilalanin kailangan mong iwan ang mga bagay at taong nagpapasaya sayo." Malungkot na dugtong ni Ate Jinri sabay yakap sa akin.

Dahil sa yakap niya di ko mapigilang maluha. Masakit pa rin pa lang isipin ang nakaraan. Kahit na sabihin pang lumipas ang taon.

"Cry as much as you need. You've been strong for so long." At yumakap na rin si Ate Elisse.

Hindi ko na napigilan ang tuluyang umiyak dahil sa bumalik na alaala lalo na ng malaman ni Mama ang tungkol kay Papa. Nagalit siya sa akin lalo na ang mga kondisyon ni Papa. Naiintindihan ko naman siya pero gusto ko lang talagang kilalanin niya ako bilang anak o maranasan ang maging ama siya. Hindi dahil sa hindi sapat ang pagmamahal na binigay nila o ni Papa Joe dahil sobra-sobra naman talaga kaya lang gusto ko lang maranasan. Dumating kami sa punto na pinapili ako ni Mama at alam kong nasaktan ko siya sa naging desisyon ko at yun ay pansamantalang iwan sila.

Pero mas nasaktan si Mama Ludy dahil siya na ang nagpalaki sa akin. Nasaktan siya sa nangyari sa amin ni Mama at nangyari sa akin.

Naiintindihan ni Mama Ludy ang pinagdadaanan ko kaya sakanya ako nakiusap na wala ng lalabas pa. Nangako naman siya at sinabing wag ako magalala kay Mama siya na ang bahalang kumausap.

Isang taon din akong parang di nagexist kay Mama, pinagbawalan din niya na makausap ko sila Kuya at Ryo. Sobrang sakit pero naiintindihan ko kasi ako naman ang pumuli ng desisyon.

Kaya laking tuwa ko ng makita ko sila Mama noong graduation ko, kasama sila Kuya at Ryo. Inimbitahan sila ni Papa. Yun daw ang regalo niya para sa graduation ko.

"Kamusta naman kayo ng Papa mo ngayon?" Tanong ni Ate Elisse.

"Mabuti naman na Ate. Strikto siya. Hindi pa rin kami ganoon ka-close pero hindi naman niya ako tinuturing na iba. Simula noong grumaduate ako pinayagan na niya akong from time to time makadalaw kay Mama." Sagot ko.

"Medyo kulang yung kwento mo, May. So paano mo nakita ang Dad mo?" Curious na tanong naman ni Ate Jinri.

"Ah yun ba Ate. Noong fancon namin ni Edward sa Japan bago mag-end ang contract ko. Parang three months before." That day na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Tinanong ni Ate Jinri bakit hindi nailabas sa media yun.

Kinuwento ko na hindi kasi usual na pagpapakilala. May lumapit lang sa akin that time na lalaki at may inaabot na papel. May nakasilat lang na address at mobile number. Pumuslit ako kila Tita Cathy and before that day ended na-meet ko siya.

"Buti nakalusot ka kay Edward?" Singit ni Ate Elisse.

"Busy kasi siya non kaya di niya nahalata." Napakamot ako sa ulo at napabuntong hininga.

"After ng pagkikita namin nagkaroon na kami ng constant communication and the rest is history." Tapos ko sa kwento at muli ng ngumiti.

Sana hindi na nila mapansin ang kulang sa kwento ko.

"Why I can sense na may kulang? Impossibleng mawawalan ng alam si Edward sa lahat unless pinili mong ilihim talaga sakanya. Which I doubt dahil kayo ang partner's in crime. And with that deep sigh awhile ago alam kong may dahilan." Mahabang sabi ni Ate Jinri.

Katulad ng dati, she's still the same Ate Jinri I've known. Observer pa rin talaga siya. At muli akong nagbitaw ng buntong hininga.

"Based on your reaction, ayaw man kitang pangunahan o magassume, pero mukang isa sa malaking part ng desisyon mo si Edward. Tama ba ako?" Hay, Ate Jinri bakit ba ang galing-galing mo? Pero sa isip ko lang at tumingin sakanilang dalawa.

May tiwala naman ako sakanila ayoko nga lang maapektuhan namin lalo na ang friendship between kay Edward.
Paano ba ako lulusot? O dapat ko na talagang harapin?

Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga at bigla akong napangiti sa isipin na baka maubusan ako ng hangin sa katawan sa ginagawa ko.

Napatingin ako sa bintana na parang bumalik sa mga araw na akala ko ayos ang lahat. Na akala ko okay kami, pero wala naman talagang kami. Maayos naman ang siya at ako.

Bumangon ako dahil hindi ako makatulog. Nagdesisyon sila Ate Jinri at Ate Elisse na magsleep over na lang. Buti at may mga malalaki akong damit. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila at dumiretso ako sa veranda.

Nagawa ko ng ikwento ang lahat kila Ate Jinri at Ate Elisse. Hindi sila makapaniwala na kaya kong lahat ng iyon ng magisa. Pero nangako naman sila sa akin na walang magbabago lalo na sa pakikitungo nila kay Ed. Matured na kaming lahat kaya hindi na dapat kami maapektuhan pa.

Bukod doon ang hindi makapagpanatag ng loob ko ay ang mga napanood ko sa tv. Hindi ko rin inaasahan yun kundi pa nabanggit ni Ate Elisse hindi ko malalaman.

"Hay, Edward John Barber." Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa langit.

The One that Got AwayWhere stories live. Discover now