1st Chapter

7 0 0
                                    

A Person From The Past

Zira Miranda's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Sembreak na ngayon. Actually, hindi naman talaga totally sembreak eh. Mga one week lang kasi yung amin. Kainis diba?

Well, nagtungo na ako sa bathroom ko para magtake ng shower. Syempre, fresh dapat kahit umaga pa lang. Duh, ayoko kaya mag amoy isda tapos bigla na lang pupunta dito si Je sa amin. Nagshower na ako at ginawa ang aking ritual tuwing umaga.

Speaking of Je, matawagan nga siya. After five rings, sumagot na siya. "Who's who?" Sabi niya.

"Taray, may pa who's who ka pa dyan ha. Hahaha" biro ko sa kanya. "Ano kailangan mo?" Pagtataray niyang sagot.

"Taray naman nito. Cheer up girl, agang aga eh." "Eh, ano ngang kailangan mo? I'm still sleepy." Gusto ko kasi sa kanya magpasama kasi nagke- crave ako sa chicken teriyaki.

"Bes, samahan mo naman ako." Sabi ko. "Where?" "Sa restaurant malapit sa Vesile Tower. Gusto ko kasi ng Chicken Teriyaki eh." "Fine, just give me an hour to prepare."

"Hoy, Je Bautista, huwag mo nga ako ma english english dyan. Nagpunta lang tayo ng animal fair tapos bigla ka na lang nagenglish english." Sabi ko sa kanya. Aba ang gaga, english speaking na ngayon.

"Sorry na bes, I just got addicted in watching vlogs and-" Tinigil ko ang sasabihin niya at biglang sumagot ng "Isa!" "Oo na, maghahanda na. 'To naman, di na mabiro eh. Hahaha"

At binaba na niya ang telepono niya. Naghanda na rin ako ng susuotin ko na maganda and I also put some light make- up. Alam niyo na, mahilig sa mga beauty pageants.

After that, nagpaalam na ako sa parents ko na may pupuntahan ako na restuarant. "Mommy, may pupuntahan lang akong restuarant."

"Bakit?" Tanong niya. "Magaalaga ng hayop. Tsk, ano ba ginagawa sa restaurant?" "Ah okay, ingat ka." Sabi niya habang pigil ang tawa niya.

"Hayss, kakain lang ako. Kasama ko naman si Je." Sabi ko sa kanya. Nagkiss na ako sa kanya and waved goodbye. Si Daddy naman ay payag naman lagi. Huwag lang ako magpagabi. OA ha. Kakain lang naman ako, di naman iinom. Hahaha.

Pinuntahan ko na si Je sa kanila. "Hi tita, si Je po?" Sabi ko. "Ay nandito, pasok ka Zira." Sabi ng mommy ni Je.

Pumasok ako ng bahay nila at naghintay sa living room. "Gusto mo bang puntahan si Je sa kwarto niya?" Tanong ng mommy ni Je.

"Cool na po ako dito. Salamat po." Sabi ko. Dinalhan naman ako ng mga maids nila ng makakain at inumin. After what felt like an hour, nagpakita na rin ang aking pinakamabilis na bestfriend suot ang kanyang bagong damit. Syempre, suot din niya ang regalo ko sa kanyang necklace.

"Tara na Zira!" Sabi niya. "Paalam ka muna sa mommy mo." Sabi ko. "Don't worry, nagpaalam na ako and she's okay with it."

"Ayan ka naman babaita." Sabi ko dahil nagenglish na naman siya. "Sorry na. Hanap na tayo ng taxi ha." Pagiiba niya ng topic.

On our way sa restaurant sakay ng taxi, hindi ko na makausap ang aking bestfriend dahil nanunuod siya ng vlogs. Nakinig na lang ako ng mga kanta ni Bruno Mars.

"Awwww." Sabi ko habang pinapakinggan ang kanta ni Bruno Mars na When I Was Your Man. "Hoy, Zira! Anyare sayo?" Sabi ni Je. Salamat at napansin rin niya ako.

"Ano ba nangyari sayo?" Tanong niya. "Sakit kasi ng kanta ni Bruno Mars eh na When I Was Your Man." Sabi ko.

"Hala siya. Don't me ha. Wala ka namang lovelife." "Ikaw din naman ah." "Sabi ko nga." At tumigil na siya kakaasar sa akin. Kahit na asaran kami ng asaran, mahal na mahal ko pa rin ang bestfriend ko.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon