3rd Chapter

6 0 0
                                    

Cramming Bestfriends

Zira Miranda's POV

Pagkatapos ng Preliminary Competitions, dumako kami sa isang Japanese Restaurant para magcelebrate. Kasama ko ngayon ang buong pamilya ko pati na rin si Carlo at Je. Si Xavier? Wala eh, may pupuntahan daw sila ng family nila.

Nagorder na kami ng aming makakain. Tuwang- tuwa pa rin ako dahil sa wakas ay kasama ako sa Finals.

Dala ko pa rin ang mga flowers na binigay sa akin ni Xavier. Nagbukas muna ako ng aking account habang hinihintay ang aming pagkain.

Puro congratulations ang nakikita ko sa aking timeline. Ang daming natuwa dahil nakapasok ako sa Finals. Sobra kong na- appreciate ang mga positive vibes na binibigay nila sa akin.

Yung iba naman ay nagpost pa ng picture ko at nilagyan ng caption na True Beauty Queen. Nakakatuwa talaga.

Dumating na ang aming pagkain. Si Je ang nanguna sa prayer before meal. Nagtake din kami ng pictures as a remembrance or memories. Kumain na kami.

Ang sarap ng pagkain dito. Lahat kami ay sobrang nasasarapan sa pagkain. Pure japanese foods kasi ito eh. Biglang nagsalita si Je.

"Tita, ang sarap po ng pagkain dito." Sabi niya kay mommy. "Hahaha. Salamat, dadalhin ko uli kayo dito kapag nanalo naman sa Finals si Zira." Sabi ni mommy at tumingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Oh, rinig mo yun bestfriend ha. Susuportahan ka ulit namin para manalo ka." Nakakagalak kapag naririnig mo yun sa mga taong nagmamahal sa iyo.

Nagpatuloy pa kami sa pagkain namin at nagorder din kami ng mga sweets. Nagkwentuhan din kami doon. May mga crew din ng restaurant na nagcongrats sa akin with matching song number pa. Binigyan nila ako ng Japanese Food na ayon sa kanila ay best seller daw iyon. Binigyan nila ako as a sign of gift nila sa akin. Wow! Ang unique naman ng restaurant na ito.

Habang nagtitingin ako ng aking mga pictures, bigla akong kinausap ni Carlo. "Zira, pwede bang mag-usap muna tayo sandali?" "O sige. Mukhang importante yata ang sasabihin mo." Lumabas muna kami ni Carlo ng restaurant at doon nag-usap.

"Anong sasabihin mo?" Sabi ko agad pagkalabas namin sa restaurant. "Surprise!!! I'm staying here for good. Kinausap ako ni Daddy at sabi niya ay masyadong bata pa daw ako para magtrabaho kaya sinabi niya na magbakasyon na lang daw ako dito. See? Ang saya ko ngayon." Nagulat ako sa sinabi niya.

Sobrang saya ko ng marinig ko yun mula sa kanya. Hindi na niya ulit ako iiwan. May bestfriend na ulit ako. Masaya siguro kung malalaman ito nina mommy at Je.

"Aww. Well, good for you. Pwede na tayong magsaya ulit gaya ng dati." Sabi ko. "Oo nga eh. Pero sabi ni Daddy ay ipagpapatuloy ko dito ang aking college life." Reply naman niya.

Okay lang yun sa akin. Kesa naman magtrabaho at magtraining siya ng sobrang aga. Ayos na sa akin ang mag- aral siya. Grade 11 ako at 1st Year College naman siya. Not bad at all.

Pumasok na kami sa loob pagkatapos ng pag-uusap namin. Sinabi namin kina mommy at Je ang napagusapan namin ni Carlo at masaya rin sila.

Super saya ng araw na ito. Nakapasok na nga ako sa Finals tapos nadagdagan pa ang bestfriend ko.

After four days, back to normal ang lahat. It's just the first day of December 2017 at heto kami ngayon ni Je. Sobrang busy sa school.

Pumasok na kami sa aming first class which is Business Math. Nagdiscuss lang ang aming teacher. Ako ay nakikinig pero nung tumingin ako kay Je, nakita ko siya na nagbabasa ng mga  fiction books.

Kinulbit ko siya sa likod. "Huy gaga, anong ginagawa mo?" Tanong ko. "Nagbabasa? Alangan namang nakain." May pagka pilosopo rin itong kaibigan ko eh.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon