14th Chapter

2 0 0
                                    

No Way

Zira Miranda's POV

"Daddy, second runner up ako!!!" Bungad ko kay Daddy pagkapasok ko ng bahay. Nakita ko siya na nanunuod ng TV. Hindi nga umiinom pero naninigarilyo naman.

"Anong mapapala ko diyan?" Tanong niya. Nakasimangot siya habang nakatingin sa mga awards na nakuha ko. "Hindi ba kayo natutuwa?" Pinakita ko pa sa kanya ang iba kong awards.

"Hindi. Hindi naman niyan ako pasisiyahin eh." Sabi ni Dad. Grabe! Anong klase siyang ama? Hindi na nga siya pumunta tapos heto pa maririnig ko sa kanya? Hindi ba niya kaya mag appreciate?

Dumiretso na ako ng kwarto ko. Inilapag ko ang sash at crown ko. Grabe. Anong nangyayari sa mga lalaki ngayon? Kanina si Xavier tapos ngayon naman ay si Daddy.

Kailangan kong humingi ng tawad kay Xavier. Tinext ko siya.

Me: Xavier, I'm sorry.

Wala akong natatanggap na reply three minutes na ang nakakalipas. Humiga na ako ng kama at tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na nagreply na siya.

Xavier: Usap tayo bukas sa Vesile Tower. Dun sa restaurant doon.
Me: Sige. I'm sorry talaga.

At hindi na siya nagreply. Ano kayang paguusapan namin bukas?

Nandito na ako ngayon sa Barghou's Place. Kamalasmalasan ay nakalimutan ko pang dalhin ang cellphone ko. Nag- aalala tuloy ako na baka kanina pa tawag ng tawag sa akin si Xavier.

Bumagsak ang matinding buhos ng ulan at sa may pintuan na lang ako ng restaurant naghintay. Dumating na si Xavier. Patakbo siyang pumunta sa akin habang yakap yakap ang sarili niya. Medyo basa siya gawa ng ulan.

"Gago ka ba? Text ako ng text sa iyo tapos hindi ka man lang nagrereply." Sabi agad niya sa akin. Natakot ako sa kanya.

"Ha? Ah eh kasi ay nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko." Sabi ko sa kanya. Parang hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Excuse ba yun? Edi dapat nakitext ka man lang or tumawag sa kung sino mang nandito." Sabi ni Xavier. Galit na galit na siya.

"Sorry na kasi." Sabi ko. "Tara na nga sa loob." Sabi ni Xavier hawak hawak ang kamay ko ng mahigpit.

Humanap na kami ng upuan at doon kami sa may bintana pumwesto. "Teka lang at oorder na ako." Sabi ko kay Xavier.

"Isang fish fillet ang akin ha." Sabi ni Xavier. "Sige." Sabi ko naman. Pumunta na ako ng counter at nagorder na ako.

"Isang fish fillet and shrimp pizza." Order ko dun sa lalaki. "Ah sorry maam. Wala pong fish fillet ngayon." Sabi niya.

"Chicken fillet na lang." sabi ko. Ako na lang mageexplain kay Xavier. Binigay na ang order namin.

"Bakit walang fish fillet?" Sabi ni Xavier. "Ah, wala daw eh kaya inorder kita ng chicken fillet." Sabi ko naman sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang. Parang nagdadabog pa siya.

"Anong kailangan nating pag-usapan?" Tanong ko kay Xavier. "Gusto ko lang malaman kung seryoso ka dito." Anong seryoso ang pinagsasasabi niya?

"Anong seryoso?" Curious na tanong ko sa kanya. "Sa relationship natin." Sabi naman niya. Patuloy siyang kumakain ng chicken fillet."

"Oo naman, seryoso ako. Sorry na please." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi siya nadala at may sinabi sa akin. "Huwag ka ng lumapit kay Carlo." Sabi niya. Hindi naman yata pwede yun.

"Ha? Bakit?" Tanong ko. "Basta, ayoko dun sa lalaking yun. Baka maagaw ka pa nun sa akin." Sabi niya. "Fuck!!!" Sabi ko dahil hindi ko magayat yung chicken fillet. Napatingin sa akin si Xavier. Siguro akala niya ay siya ang minumura ko.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon