13th Chapter

2 0 0
                                    

Mad Conflicts

Xavier Rockwell's POV

Nasa Gel University ako ngayon. Sobrang busy ko lately kasi nga malapit ng mag end ang academic year. Idagdag mo pa na Communication ang course mo tapos varsity player ka pa sa basketball.

Tamad akong pumasok ng room at nakita ko doon ang professor namin na nagsusulat na sa board. "Well Mr. Rockwell. Anong oras na?" Sabi ni Prof pero hindi ko siya pinansin. Umupo na lang ako sa upuan ko tapos tumulog ako. Madaling araw na ulit kami nakauwi ni Zira at napagalitan ako ni Tito Xandro. Boto naman daw siya kay Zira pero huwag daw akong masyadong maggala.

"And then what, tutulog ka na lang diyan?" Sabi ni Prof. Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy na siya sa kanyang lecture. I hate my course pero dapat matapos ko ito.

Natulog na lang ako. Ang dami ko ngayong problema sa buhay. Wala akong gana.

Zira Miranda's POV

Tanghali na ako nagising at dali- dali akong nagpunta ng banyo para maligo. Kailangan kong pumasok ng university dahil ayokong mamiss ang mga lessons. At isa pa, baka may announcement about sa finals ng pageant.

Natapos na ako sa aking ritwal at bumaba na. Nakita ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Tanghaling tapat, alak ang hawak.

"Dad, nagiinom ka na naman." Sabi ko sa kanya. "Wala kang pakealam." Sabi ni Daddy sa akin. Simula ng mamatay si mommy, nagbago na ang ugali niya. Iba ng daddy ang kaharap ko ngayon.

"Papunta na po akong school." Sabi ko sa kanya at magmamano dapat ako pero inalis niya ang kamay niya. Dumiretso na lang ako ng pinto at umalis na.

Sumakay ako ng taxi at sinabi ko sa driver na sa Perington University ang baba ko.

Nasa Perington University na ako at lunch break yata ngayon. Nagpunta na ako ng room at nakita ko doon si April at Je na kumakain ng kanilang lunch. Naguusap silang dalawa.

"Zira, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni April sa akin. Kita ko na may konti siyang make up. "Napuyat ako kasi madaling araw na ako nakauwi." Sabi ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya ako.

"Kamusta ang first monthsary niyo ni Xavier?" Sabi ni Je sa akin. Kitang kita ko sa mukha niya na siya ay curious na curious. "Masaya. Romantic." Sabi ko.

"Kumain ka na ba?" Sabi ni Je sa akin. Inaabot niya sa akin ang pagkain niyang menudo. "Bibili na lang ako sa canteen." Sabi ko sa kanila.

Pinangako nila na sasama sila sa akin sa canteen kapag natapos na silang kumain. Nagbasa muna ako sa aking cellphone ng mga tips para manalo sa finals ng pageant.

"Ano tara na?" Sabi ko sa kanila ng makita ko na tapos na sila kumain. "Tara na." Sabi naman ni April at tumayo na siya. Tumayo na rin ako pati si Je at umalis na kami ng classroom.

Papunta na kami ng canteen ng madulas ako. Shit! Sino ba namang may sabi na magtapon sila ng saging dito sa corridor? Patay sa akin kung sino mang nagtapon nito.

"Okay ka lang ba friend?" Sabi ni April. "O o ookay lang ako." Putol putol kong sabi sa kanila. "Gusto mong dalhin ka namin sa hospital?" Segunda ni Je. May hospital kasi dito sa loob ng university eh. "No no no, it's okay." Sabi ko na lang kahit may konting sakit akong nararamdaman.

Ugh! Kapag napilay pa ako at hindi nakasali sa finals ng pageant ay magtatae talaga ang nagtapon ng saging na yun.

Nagpunta na kaming canteen kahit na masakit pa ang paa ko. "Anong bibilhin mo?" Tanong ni Je sa akin. "I will go for waffles and shake." Sabi ko. "Hindi ka magra rice meal?" Tanong din niya ulit sa akin. "Hindi na. Wala ako sa mood." Sabi ko.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon