25th Chapter

3 0 0
                                    

Young And Young Again

Carlo Vicente's POV

Natapos ang relasyon namin ni April dahil sabi niya ay maghiwalay na kami. Pumayag naman ako dun because nakita ko nga siya na may kasamang ibang lalaki.

Si Dominic Alarcon. Kaibigan ko siya. Alam kong nasa ibang bansa siya pero bakit sila na ni April? Sobra akong nalungkot. Pero kahit ganun ang nangyari... kaibigan ko pa rin siya.

Si April Dimaano. Kahit na hiwalay na kami, basta kapag bumalik siya sa akin ay tatanggapin ko ulit siya. Baka may pag- asa pa na magkabalikan kami pero kapag nahulog na talaga ako kay Zira, wala na akong magagawa.

Si Zira Miranda. Unti- unti na akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi pa pwede eh kasi sila pa rin ni Xavier. Ayoko namang makasira ng relasyon kaya naman I will know my limits. Bestfriend ko pa rin si Zira.

Si Xavier Rockwell. Ang swerte niya dahil nagkaroon siya ng mabait at magandang girlfriend.

Nandito pa rin ako sa Japan. Finding peace ang harmony dahil sa nangyari. Nakita ko ulit si April at Dominic na magkasama at mukhang masaya sila. Hindi ko na sila nilapitan dahil masasaktan lang ako.

Zira Miranda's POV

Papunta na ako kina Xavier sa Padis Village. Kailangan ko siyang alagaan dahil nga lasing siya. Ano ba itong mga pinaggagagawa mo Xavier Rockwell?

Nakita ko si Tito Xandro na naglilinis ng kanyang sasakyan nang makapunta na ako kina Xavier. Tinanong ko sa kanya kung kamusta na si Xavier.

"Tito Xandro. Kamusta na po si Xavier?" Tanong ko sa kanya. Medyo basa ang katawan niya at may mga bula bula pa dahil sa carwash na ginagawa niya.

"Nasa kwarto niya. Lasing siya ngayon. Dun ka na lang makipag usap sa Tito Gerson mo." Sabi naman niya sa akin.

Nagpunta ako ng salas at nakita ko doon si Tito Gerson, Xavier's Dad, na nagcecellphone. "Kamusta na po si Xavier?" Tanong ko.

"Lasing pa rin siya ngayon. Puntahan mo na siya sa kwarto niya." Sabi niya. Papunta na ako sa kwarto niya ng biglang hinawakan ni Tito Gerson ang kamay ko.

"Zira." Sabi niya sa akin. "Po?" Sagot ko naman. "Sana magkaayos na kayo ni Xavier." Sabi ni Tito Gerson. Tumango na lang ako.

Pumasok na ako sa kwarto ni Xavier at nakita ko siya na nakahiga. Hindi siya tulog at nakatingin lang siya sa bintana. "Xavier." Sabi ko sa kanya.

"Zira." Sabi naman ni Xavier. Mukhang nagulat siya sa aking pagdating. Mukhang hindi pa rin okay ang paligid.

"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya. "Zira. Mahirap pala kapag nag cool off tayo. Sorry sa mga ginawa ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako." Sabi niya. Na touch naman ako dahil nagso sorry na siya sa akin.

Hindi ko rin naman matiis ang boyfriend ko kaya nakipagbati na rin ako sa kanya. "Sorry din Xavier. Mahal na mahal kita at sana ay maging maayos na ulit tayong dalawa." Sabi ko while touching his shoulder.

"I love you Zira." Sabi niya sa akin at niyakap ako. "I love you too, three, four, five." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya.

Sinagot naman niya ang halik ko. Ang tagal naming naghalikan. Sa wakas, maayos na ulit kami ni Xavier. Marami ng away at problema ang nagdaan pero sa huli ay nagkakaayos din naman.

Xavier Rockwell's POV

Hindi pa alam ni Zira na meron akong naka one night stand na babae. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya? Baka kasi magkaaway ulit kami eh.

Ayoko na ulit mangyari yun kasi baka maghiwalay na kami sa susunod. Isa pa, hindi na rin nagpaparamdam si Hans.

I wonder kung nasaan siya. To be honest, sobrang galing niya sa kama at pinaramdam niya talaga sa akin ang hindi ko makakalimutang sensayon.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon