4th Chapter

3 0 0
                                    

This Is My Fate

Carlo Vicente's POV

Pagkagising ko kinabukasan, yung project ko agad na essay ang nasa isip ko. So this is the plan, yayayain ko si Zira na kumain kami sa restaurant then doon ko siya tatanungin about sa project ko.

Binuksan ko agad ang account ko para i- chat siya pero hindi pa pala siya online. Ah okay, it's just 8:36 am in the morning this 10th day of December 2017.

Nagluto muna ako ng aking makakain as breakfast. Well, wala naman akong kasama dito sa tinitirhan ko ngayon eh kasi nga nasa ibang bansa ang parents ko.

Kinuha ko na ang hotdogs sa ref at nagstart na ako magluto. Gumawa rin ako ng coffee. Tapos kumain na ako. Habang kumakain, tinignan ko ulit ang account ko.

Online na si Zira kaya nag- chat na ako sa kanya. Baka kasi may iba pa siyang gagawin kaya dapat malaman ko na.

Carlo: Hey
Zira: Hey
Carlo: May gagawin ka ba ngayon?

Hindi agad siya nakapagreply kaya sumubo muna ako ng pagkain.

Zira: Wala naman. Bakit?
Carlo: Yayayain kitang kumain sa restuarant.
Zira: Saang restaurant?
Carlo: Yung bagong Filipino restaurant sa Vesile Tower.
Zira: Ah okay. Anong restaurant yun?
Carlo: Max's Best Filipino Food
Zira: Okay. What time?
Carlo: 11:00 am. Pupunta ako diyan sa bahay niyo.
Zira: See you.
Carlo: 🙂

Yes! Pumayag siya. Pagkatapos kong kumain, nag-aral muna ako. Nagisip na rin ako kung ano ang itatanong sa kanya at paano ko gagawin ang aking essay.

Zira Miranda's POV

Wala kaming pasok ngayon kaya makakapag- pahinga ako. Well, akala ko lang pala yun. Kasi kakain daw kami sa restaurant ni Carlo. Shit! Hindi ko naitanong sa kanya kung libre niya. Hahaha, magdadala na lang ako ng pera para sure.

Ang aga pa naman masyado. It's just 9:26 am in the morning kaya manunuod muna ako ng movie. Toy Story ang pinapanuod ko ngayon. Ang ganda kasi nung plot eh tapos favorite ko pa ito nung bata ako at hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako dito.

Nag- ring ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Je. Sinagot ko na agad ito. "Hello Je?" Sabi ko.

"Zira!!!" Sigaw niya sa kabilang linya. "Hoy babae, huwag mo akong sigawan at nakakarindi ang boses mo." Sabi ko agad sa kanya.

"Zira!" Sabi ulit niya. "Ano?" "May maglalaro ng basketball sa ating university sa December 15. Bibili ako ng ticket ngayon." Sabi niya.

"Anong gagawin ko?" Natatawa kong sabi sa kanya. "Samahan mo ako. Buy 1 Take 1 yung ticket eh." Sabi ni Je.

"May lakad kami ni Carlo." "Uyyy, akala ko ba No Boyfriend Since Birth ka. Tapos ngayon, dala- dalawa pang lalaki ang meron ka. Carlo Vicente and Xavier Rockwell. Ikaw na girl!" Pinagsasasabi nitong kaibigan ko? Hahaha.

"Tumigil ka diyan. Kaibigan ko lang yung dalawang yun." Sabi ko. "Okay. Samahan mo na ako please." Pagmamakaawa niya.

"May lakad nga kami ni Carlo." Sabi ko. "Edi sasamahan kita diyan sa lakad mo tapos samahan mo rin ako bumili ng tickets pagkatapos." " Oo na. Oo na." "Yieee. Thank you bestfriend."

"Basta ikaw. Hahaha." At binaba na niya ang telepono niya. Nanuod ulit ako ng movie at nung matapos ito ay naligo na ako. Kailangan ko ng magprepare para sa lakad namin ni Carlo.

Naligo na ako at habang naliligo ay nagsountrip ako. Pagkatapos kong maligo ay ginawa ko na ang ritual ko sa pagpapaganda ng aking sarili. Hahaha. Nang matapos ako, bumaba na ako ng sala at nakita ko na doon si Carlo.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon