27th Chapter

4 0 0
                                    

A Walk Beside The Lovelocks

Zira Miranda's POV

Today is the Foundation Day of Perington University. Abala ang bawat seksyon sa kanilang assigned booths and sa mga aktibidad or patimpalak na gagawin at sasalihan.

Para sa aming Peris, ang Foundation Day ang pinakamasayang event sa buong university. Ito ang pinakahihintay naming araw at once a year lang ito nangyayari for one week. Sana ay makapunta si Xavier dito kahit na hindi ko naman siya pinapapunta.

Kasama ko ngayon si Je and abala kami sa aming assigned booth. Nandito kami ngayon sa Students Center at inaayos ang booth namin. Sa aming section, ang naka assign na booth ay Lovelocks Booth.

Ang gagawin lang namin ay gagawa kami ng tunnel na puno ng lovelocks. "Bes, ito na yung mga lovelocks na binili ko kahapon. One hundred pieces yan." Sabi ni Je sa akin habang dala niya ang mga pinamili niyang lovelocks.

"Ah okay. Saka na lang ulit tayo bumili kapag mga sampu na lang ang natitira." Sabi ko naman sa kanya. Kasama rin namin si Cyrell at Tres sa booth na ito. Busy na si Tres sa tunnel.

"Ako na ang magsisilbing cashier at tatanggap ng mga gustong bumili ng lovelocks." Ayon kay Cyrell at pumayag naman kami. "Ako naman ang pupunta sa exit ng tunnel." Sabi ni Je. Eh ako? Saan ako maa- assign? Si Tres naman sa gitna ng tunnel.

"Sasamahan ko na lang si Cyrell sa entrance." Sabi ko kina Tres at Je at buti na lang ay pumayag na sila.

Medyo natatapos na naming gawin ang tunnel. Ang tunnel na ito ay magsisimula sa entrance ng Students Center at magtatapos naman doon sa third floor ng Students Center.

Nagsisimula ng magsidatingan ang mga gustong makaexperience sa lovelocks tunnel. Nabigla naman ako dahil nakita ko si Xavier. Pumunta talaga siya. "Pwede ko ba munang mahiram ang girlfriend ko?" Tanong ni Xavier kay Cyrell. "Sige ba. Basta ikaw Xavier eh." Sabi ni Cyrell.

"Pabiling isang lock. Kulay red." Sabi ni Xavier at bumili siya para sa aming dalawa. Pumasok na kami sa lovelocks tunnel at sobra akong nagandahan. Ang ganda at amazing naming mag-ayos.

Wala si Tres sa tunnel kasi bumibili na siya ng lovelocks. Ang bilis maubos diba? Naglalakad kami ni Xavier sa tabi ng mga lovelocks. He is holding my hands.

"Ang ganda naman ng booth niyo." Sabi ni Xavier sa akin. "Salamat naman." Sabi ko. Naflatter ako sa sinabi niya.

"Saan mo gustong ilagay ang lovelock natin?" Tanong ko sa kanya. Mukhang pinagmamasdan pa niya ang ibang lovelocks na nilagay ng mga students doon. "Saan mo ba gusto?" Balik na tanong niya sa akin.

"Gusto ko sana sa taas ng tunnel natin ilagay." Sabi ko. "Bakit naman?" Tanong niya. "Para kakaiba at maganda." Isip kong sagot.

Nakahanap na kami ng spot at nagsulat na si Xavier ng ilalagay namin sa lovelock namin. Natuwa lang ako sa nilagay namin.

Team XaRa
ILY2345

"Grabe, may love team na pala tayo." Biro ko sa kanya. "Hahaha." Tawa niya. Lumabas na kami ng tunnel.

Hindi pa kami natapos dahil nilibot namin ang buong university para makita ang pinaghirapan ng ibang students para sa Foundation Day.

STEM Students ang naka- assign sa gitna ng university. Mga food booths ang assigned sa kanila. Kumain kami doon ni Xavier.

Nakita namin doon si Hans. Hinawakan pa niya ang balikat ni Xavier at lumayo naman agad si Xavier. "Hi Xavier." Sabi ni Hans.

Hans Corb's POV

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon