15th Chapter

3 0 0
                                    

Overloaded Pizza

Xavier Rockwell's POV

As always, nandito ako sa Gel University. Maagang natapos ang klase kaya maaga rin nagsimula ang training namin. Nagsisisi ako kung bakit ko iniwan si Zira kagabi. Babae siya at ano na kayang nangyari sa kanya?

I know na naging rude ako sa kanya at pati siya ay napaiyak ko. Nadala ako sa galit ko dahil sa sobrang dami ko ng problema.

Pumasok ako ng gym at nakita ko na doon ang kateam mates ko. "Guys, may bago tayong team mate." Sabi ni coach. Curious kami lahat kung sino ang bago naming team mate. "Senior High School student siya at kalilipat lang niya dito sa university due to financial problems." Ang dami namang sinasabi ni coach eh.

"Let's welcome Matt Swift." At lumabas na si Matt. "Diba kaklase ka ni Zira?" Tanong ko sa kanya. "Oo, pero lumipat nga ako dito due to financial problems." Sabi ni Matt. Nakipagkamay ako sa kanya.

"Pre, bakit kayo nagpunta ng Barghou's Place nung isang araw?" Tanong ko sa kateam mate ko. "Nagcelebrate kami dahil may bago daw member eh tapos si Matt pala. Then nagpadala sa amin ng pera si Dominic kaya kumain kami." Sabi niya. Ahh, kaya pala.

Nagtraining kami at may nagtext sa akin. Si Je. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ito sa akin?

Je: Xavier. Usap tayo. Meet me at Pizza Universe sa Vesile Tower at 3pm sharp.

Ano kayang paguusapan namin? Baka naikwento ni Zira sa kanya ang problema naming dalawa. Hmm. 1:30pm pa naman ang tapos ng training kaya pwede pa naman ako makipag usap sa kanya.

Nagreply ako sa kanya.

Xavier: Sige. I bet you know already the issue.

Hindi na siya nagreply. Nagcontinue pa rin ako sa training ko. Matt is good. Mabilis ko siyang makasundo. Parang kaibigan ko na agad siya.

Pagsapit ng 1:30 pm ay umalis na ako sa training. Sinabi ko kay coach na may kailangan akong puntahan at importante iyon.

Tinext ko si Je na malapit na ako sa sinasabi niyang Pizza Universe sa Vesile Tower. Nakita ko na siya doon na naghihintay.

"Ang tagal mo naman." Sabi ni Je sa akin. "3:04 lang naman ah." Sabi ko sa kanya. "Aish!!!" Sabi niya. "Maaga ka lang dumating." Dagdag ko.

Nagorder kami ng pizza overload at isang box ng pepperoni pizza. Hindi ko na patatagalin ito. Ako na ang nagsabi sa kanya. "Alam kong si Zira ang paguusapan natin dito." Sabi ko.

Tinigil niya ang pagkain niya ng pepperoni pizza at humarap siya sa akin. Tumango siya. I saw seriousness in her face. "Oo, at sana tanggapin mo na ang sorry niya." Sabi ni Je.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza. Nilagyan ito ng hot sauce at sinubo sa aking bibig. Kumain muna ako bago sagutin ang sinasabi ni Je. "Oo na, tatanggapin ko na. Nadala lang naman ako sa galit at sa mga problema ko." Sabi ko sa kanya. Para akong bata na nageexplain sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari? Alam ko na nagkwento na sa akin si Zira pero I want to hear both sides." Para siyang judge kung magsalita. "First. May trust issues sa akin si Tito Xandro. Second, napapagalitan na ako ng coach ko sa basketball pero ngayon ay hindi na kasi may bago kaming member. Matt Swift ang pangalan." Sabi ko. Nagulat siya. Alam ko naman na kaklase nila iyon ni Zira dati.

"Eh anong ikinagagalit mo?" Sabi ni Je. Hindi ko maintindihan ang expression ng mukha niya. "Pinagdudahan niya ako na niloloko ko siya dahil nakita niya ako na kayakapan si Ariela. Eh, pinsan ko naman yun eh. Kaya ko lang siya niyayakap kasi baka or ipapadala siya sa Japan for studies." Sabi ko. Mukhang naintindihan naman niya ako.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon