19th Chapter

3 0 0
                                    

Spicy Pancit Canton

Zira Miranda's POV

Ang bilis ng araw. Tapos na agad ang debut ko and I am now eighteen years old. Wala akong pasok ngayon pati na rin si Xavier pero may gagawin daw siya sa Gel University. Hmm, mapuntahan na lang kaya siya?

Bumangon na ako at inayos ng higaan ko. There is a belief na dapat araw- araw mo daw nililigpit ang higaan mo para raw madali kang makahanap ng trabaho in the future. Hahaha.

Naghilamos na rin ako at nag- ayos ng buhok. Suddenly, nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko na tuloy kumain ng breakfast. Hinawakan ko ang door knob ng aking pinto at binuksan ito.

Pababa na ako at nakita ko si Daddy na nanunuod ng TV sa salas. Nagbabasa rin siya ng newspaper at umiinom ng kape. Yung karaniwang ginagawa ng mga Tatay.

"Good morning Daddy." Bati ko sa kanya ng makita ko siya. Inalis naman niya sa kanyang harapan ang newspaper na binabasa niya at humarap sa akin. "Good morning din anak." Bati rin niya sa akin.

"Mukhang maganda ang araw ng daddy ko ah." Sabi ko sa kanya. Napansin ko kasi na parang masaya siya at good mood. Napangiti siya sa sinabi ko. "May lakad kami ng Tita Elaine mo. Magde date lang kami." Sabi niya sa akin.

Hala siya. Dinaig pa ako ng daddy ko. Pwes, dapat mag date rin kami ni Xavier. Hahaha. "Ah ganun po ba? Enjoy po." Sabi ko na lang.

"Nagbreakfast na po ba kayo?" Tanong ko kay Dad. Pag- iiba ng topic. "Oo anak. Meron diyang spicy pancit canton. Kakaluto ko lang." Sabi niya habang nanunuod ng TV.

"Spicy pancit canton? For real?" Mataray kong sabi sa kanya. "Oo. Anong problema dun? Yun na lang kainin mo." Sabi niya. "Ah ah sige po." Sabi ko na lang.

Nakita ko nga yung spicy pancit canton sa table dito sa dining room at mukhang bagong luto nga lang. Kumuha ako ng plato pati tinidor at nagsimula ng kumain. Grabe, sobrang spicy nga nito. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at uminom nito. Good thing at naalis naman ng konti ang pagka spicy sa dila ko.

Hindi pa rin ako tapos kumain kaya naman naisipan kong magcellphone. I saw a text from Xavier. "Good morning Zira!" Sabi niya sa text.

Nagsubo ako ng pancit canton at nagsend ng reply. "Good morning din Xavier." Sabi ko. Mas gusto naming dalawa na tawagin kami sa aming mga pangalan.

Ang baduy kaya kapag ang tawagan niyo ay babe, my loves, mahal, laham ko, baby, honey, princess, cutie. Eww, pure kabaduyan.

"Anong ginagawa mo?" Hindi ko na siya matiis kaya nung matapos ako sa pagkain ko ng spicy pancit canton for my breakfast ay tinawagan ko na siya. Good thing at sinagot naman niya ito.

"May training lang kami ng basketball dito sa Gel University." Sabi niya. "Ahh. I want to be with you." Sabi ko with lambing. "Ang sweet naman ng girlfriend ko." Sabi niya at kinilig ako dun ah.

"Date tayo. Tara." Sabi ko. Ako na ang nagyaya ng date. Hahaha. "Sige. Saan?" Sabi niya. "Gusto ko diyan sa Gel University. Gusto ko maggala sa university niyo." Sabi ko. I want to try something new eh.

"Sige. Pumunta ka na dito ngayon." Sabi naman niya. Pero teka, anong oras ba ang tapos ng training niya? "Anong oras ang tapos ng training mo?" Tanong ko.

"Pwede namang umalis kapag ayaw mo na." Sabi niya. Wow! Hahaha. "Sige. See you Xavier." Sabi ko. "I love you." Sabi niya.

Yieee. "I love you too, three, four, five." Sabi ko naman. Kinikilig talaga ako ng sobra. Makapag ayos na nga at makapunta na ng Gel University.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon