32nd Chapter

3 0 0
                                    

Far From You But It's Okay

Xavier Rockwell's POV

It was a disaster. Nasira ang birthday ko. Nag- away na naman kami ni Zira because of Hans. Alam ko naman na mainit ang ulo niya kay Hans pero kaibigan ko kasi si Hans eh and I want Hans to enjoy in my party.

Pero iba ang nangyari simula ng bumalik si April. Nagkasagutan sila ni Zira dahil daw naghalikan si Zira si Carlo. Fuck! Napaniwala agad ako dun ni April kaya naman ay nasuntok ko si Carlo. Nagsuntukan kami.

And then here comes Hans. Nag- away kami ni Zira because of her, because of Zira. Ang sabi kasi niya ay nilalandi daw ako ni Hans. Ewan ko pero yun ang naging dating sa kanya. Dumating din yung point na nagkasakitan si Zira at Hans.

Matapos ng nangyari, kinausap ako ni Je at sinabi sa akin na nalunod nga daw si Zira at nagCPR lang daw si Carlo dito. Now I know. Buti na lang at tulog na si Tito Xandro and daddy habang nangyayari na galit ang lahat.

Nagsorry naman ako si Hans dahil nasaktan siya ni Zira. "Sorry sa ginawa ng girlfriend ko sa iyo. Okay ka na ba?" Tanong ko kay Hans. Nandito siya sa bahay namin at humahangout lang.

Isang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Zira at hindi ko siya macontact tuwing gusto ko siyang tawagan at itext. Binlock niya yata pansamantala ang cellphone number ko.

"Okay lang naman." Sabi ni Hans. Ewan ko ba pero ang bait bait ko sa babaeng ito kahit na babago ko pa lang siyang kaibigan.

"Gusto mo ng maiinom?" Tanong ko sa kanya. "Sige." Sabi naman niya. Nagpunta ako sa kusina namin para magprepare ng shake. Kumuha ako ng blender. Pagkatapos kong gawin yun ay kumuha rin ako sa refrigerator ng donut para ibigay sa kanya.

"Thank you ha." Sabi ko kay Hans. "Ha? Bakit naman?" Takang takang tanong niya sa akin. Parang hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko. "Lagi kang nandiyan simula nung time na nagkaaway kami ni Zira. Thank you ha dahil hindi ka nawala sa tabi ko." Sabi ko sa kanya.

"You're always welcome. Kaibigan naman kita eh at ang magkaibigan ay dapat nagdadamayan." Sabi ni Hans sa akin. Ang bait talaga niya. Hindi ko nga alam kung bakit mainit ang ulo sa kanya ni Zira eh.

"Tara na lang mag- milk tea at siomai." Sabi niya sa akin. "Saan naman?" Sabi ko sa kanya. Ano kaya ang trip nito ngayon?" "Sa Vesile Tower. Arat?" Sabi niya at pumayag naman ako.

Gamit ko ang kotse ni daddy at pumunta na nga kaming Vesile Tower. Humanap kami doon ng Milk Tea at Siomai. Wierd combination right? Pero wala kayong pake kasi hindi naman namin kayo inaano diyan. Hahaha.

"Ang sarap lang talaga ng milktea dito." Sabi niya pagkatapos niyang inumin ang milk tea niya. Ako naman ay nakain ng siomai. "Oo nga." Sabi ko na lang. We hang out to many places pa after that.

Zira Miranda's POV

One week had passed after my boyfriend's birthday at hindi ko pa rin siya kinakausap. How dare he na akusahan ako na hinahalikan ako ni Carlo? Yes, naglapat ang mga labi namin dahil nga sa nalunod at kinisig ako. Yun yon. Siya nga diyan yung lapit ng lapit kay Hans kesa sa akin nung birthday niya eh.

Ewan ko lang pero wala na akong alam sa mga nangyayari ngayon. Many times na kaming nag- away ni Xavier pero hindi pa rin kami naghihiwalay. Ewan ko ba kung siya na ba yung the one or baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Diba nga ay sabi ko, gusto ko ay yung kung sino ang first love ko ay siya na rin dapat ang last love ko? Sana nga si Xavier yun. Pero syempre, hindi naman natin hawak ang tadhana eh.

"Je, samahan mo naman ako sa Alabami Salon." Sabi ko kay Je. Magkasama kami ngayon sa bahay niya dahil nagmovie marathon kami. Kasama rin namin si Cyrell. "So hindi ako kasama?" Singit ni Cyrell. Nagtawanan kaming dalawa ni Je.

"Syempre, kasama ka. Alangan namang iwan ka namin dito." Sabi ko kay Cyrell. "Tara na nga girls." Sabi ni Je. Nagpaalam din kami kay Tita Gemini.

"Tita. Pupunta lang po kami sa Alabami Salon ha." Sabi ni Cyrell. "Bakit? Kayong tatlo?" Tanong ni Tita Gemini. "Yes." Sabi ko naman. "Nako! May mga boyfriend na siguro kayo." Sabi ni Tita Gemini. "Opo Mommy. Si Zira po. Boyfriend si Xavier Rockwell." Sabi naman ni Je kaya naman nahampas ko siya sa braso.

"Tara na nga." Sabi ko naman at umalis na kami. "Mag-ingat sila sa inyo." Sabi ni Tita Gemini at tumawa kami. Hahaha.

"Hi girls. Magpapa- ayos ba kayo ng buhok?" Tanong nung babae. "Yes po." Sabi ko. "Magpaparebond po ako." Sabi naman ni Je. "Magpapakulay naman ako ng buhok." Sabi ko naman. "And ako ay magpapagupit lang." Sabi ni Cyrell. The girl led us to our seats and inayusan na nga kami ng mga buhok.

Katabi ko si Je at katabi naman niya si Cyrell. Nagbabasa ako ng magazines habang si Je naman ay nagsusurf ng net. Si Cyrell ay nagbabasa ng fiction book.

"Beshy!!! Aalis na daw si April." Sabi ni Je sa akin. "Anong gagawin ko?" Sabi ko naman sa kanya. "Magsorry ka sa kanya." Sabi ni Je. "Ha? Bakit ako magsosorry eh hindi naman ako yung bintang ng bintang ng wala sa oras." Paliwanag ko. Seriously? Parang mas kinakampihan pa niya yung babaeng yun.

"Ayan ka na naman sa kaartehan at pride mo." Sabi niya. "Magsorry ka na sa kanya so there will be peace naman bago siya umalis." Sabini Je sa akin.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng text galing kay April.

April: Meet me at Barghou's Place now. I have something to tell you.

Sabi niya sa text at nabigla naman ako. "Speaking of April. Heto at nagtext nga siya sa akin na magkita kami sa Barghou's Place." Sabi ko. "Go for it." Sabi naman niya sa akin.

Natapos nga ang mga new hair look namin sa Alabami Salon at papunta kami ngayon sa Barghou's Place dahil kakausapin daw ako ni April. "Maiwan ka muna namin diyan ha. Pupunta lang kami ni Cyrell sa Sidelines." Sabi ni Je sa akin at hinayaan ko naman sila.

Pumasok na ako sa Barghou's Place at nakita ko na nga doon si April. May nakahanda na ring mga pagkain sa table at pinaupo niya ako sa upuan. "Have a seat." Sabi niya.

"Anong gusto mong mangyari." Sabi ko. "Listen, I'm sorry okay. Nagkamali ako. Dapat hindi agad kita inatake. I know I'm rude pero sana ay mapatawad mo ako." Sabi niya sa akin.

"At ngayon mo lang yan narealize?" Sabi ko. "Sorry na please." Sabi naman ni April. "Damn, April. Iniwan mo si Carlo tapos ikaw pa itong may ganang magalit sa amin?" Sabi ko sa kanya para malaman niya na kasalanan talaga niya.

"I'm sorry and sana mapatawad mo ako." Sabi niya sa akin. Mukhang sincere naman siya kaya tinanggap ko iyon. "By the way, pupunta na akong Japan at babalik doon. Doon na ako titira." Sabi ni April.

"Okay. Mag-iingat ka." Sabi ko sa kanya and hugged her. In the end, kaibigan ko pa rin siya. "I will have my own life now." Sabi niya sa akin. "Good for you." Sabi ko naman bago umalis doon.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon