31st Chapter

4 0 0
                                    

Everyone Is Mad

April Dimaano's POV

All along dito sa journey ko sa Japan, laging nasa tabi ko si Dominic. Minahal ko siya at naging mabuting boyfriend siya sa akin. Naging masaya naman ako sa relationship naming dalawa.

Simula nung break up namin ni Carlo, hindi na siya nagparamdam sa akin. Maybe, ginawa na rin niya iyon sa sarili niya para makapag move on. Well thanks also kay Ariela dahil siya ang rason kung bakit naging kami ni Dominic.

Pero as time pass by, narealize ko na mali pala ako. Na ang sama- sama ko palang tao. Nanakit ako ng tao, hindi lang basta tao, kundi isang tao na totoong nagmahal sa akin. Minahal ako ni Carlo, yes, pero sa huli ay iniwan ko siya at mas pinili ang pag- aaral dito sa Japan.

Get out and study with Ariela and met Dominic. Hang out in different places and be happy. Narealize ko, mali pala ang naging desisyon ko. Na dapat ay hindi na lang ako nag- aral dito sa Japan. Hindi na dapat kami naghiwalay ni Carlo kasi alam ko rin naman sa puso ko na siya ang mahal ko. Dapat hindi ako bumitaw at dapat kami pa rin.

This time, I have to clean the mess I made. Sa naging masaya nga kami ni Dominic pero wasak naman si Carlo. Wala rin. Nakasakit ako. Dapat hindi ko na sinunod si Dad. It's okay to break the rules and be on your own sometimes.

Nasa Japan ako ngayon at uuwi na ako ng Pilipinas dahil tapos na naman akong mag- aral dito. Ariela will come with me. At dahil uuwi na rin naman ako, kailangan ko ng gawin ang dapat gawin ko. Makikipaghiwalay ako kay Dominic at babalikan ko si Carlo.

"Dominic let's talk." Kasama ko siya sa school ngayon dahil kinuha ko ang aking certificate na nakapag- aral ako dito. "Okay." Sabi niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa garden ng school at kami lang dalawa ang nandito. Peaceful ang place kaya dito ko siya dinala. "Anong pag- uusapan natin?" Tanong niya ng mahinhin. "I'm sorry Dominic." Simula ko agad.

"Why?" Tanong ni Dominic. Umiyak ako kasi pati siya ay hindi ko maiiwasang masaktan. "I'm tired." Sabi ko. Umiiyak pa rin ako at parang siya ay lito sa kung ano nga ba ang pinag- uusapan namin. "Shhh. Don't cry." Sabi niya na lalo namang nagpaiyak sa akin.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa ng pantalon niya at ipinunas niya ito sa aking mga mata. "I can't love you anymore." Sabi ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Nabigla siya sa sinabi ko.

Inalis niya ang ulo ko sa balikat niya at hinarap niya ito sa kanyang mukha. Nagkatitigan kami. I see the pain and loneliness in his dark eyes. "Are you breaking up with me?" Tumaas ang boses niya pero kumalma naman.

Hindi ako sumagot at sa halip ay tumango na lang ako. "Why April. Why?" Sabi niya. Ang lungkot niya talaga. "I just realized na mahal ko pa rin pala si Carlo." Sabi ko. Tumango naman siya at naintindihan niya ako.

"I'm sorry Dominic. Sorry talaga." Sabi ko sa kanya. "It's okay. Pakiramdam ko rin kasi na hindi tayo para sa isa't isa eh." Sabi niya. "I really love you pero hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. I still love Carlo." Sabi ko sa kanya. "Sorry kasi sa tingin ko ay parang ginawa lang kitang rebound." Sabi ko ulit.

"It's okay. Kung yan ang desisyon mo. Iwan mo na ako at balikan mo si Carlo. I will be okay. I promise." Sabi niya. Dominic, bakit ganyan ka? Kaya mahal kita eh. Sobrang bait mo to the point na okay lang sa iyo ang masaktan.

"So this is goodbye?" Sabi ni Dominic sa akin. "I guess so." Sabi ko naman sa kanya at niyakap niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya na tipo parang ayaw niya na lumayo ako. "I can't lose you April." Sabi ni Dominic sa akin. Hanggang ngayon ay magkayakal pa rin kami.

"Hindi pwede. I love Carlo first and I still love him until now." Sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinalikan ko naman siya sa cheek. The friendly kiss.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon