18th Chapter

5 0 0
                                    

Rave Party

April Dimaano's POV

Ngayon ako aalis papuntang Japan. Kakagising ko lang at kakain na ako ng breakfast.

"Kumain ka muna anak." Sabi niya pagkakita sa akin. "Thank you po, Dad." Sabi ko naman. Meron akong nakitang hotdogs at fried oreos pati pancakes sa table. Ito ang breakfast ko ngayon.

"Magpakabusong ka ngayon ha. Ayoko ng magugutom ka." Sabi niya sa akin. Mamimiss ko itong Daddy kong ito. Kahit na nagkaissue sa pagitan naming dalawa because of Carlo at sa pagpunta ko sa Japan.

"Dad." Sabi ko. Kumakain din siya ng kanyang breakfast. "Bakit anak?" Tanong niya sa akin. "Mamimiss ko po kayo." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tumayo. Lumapit siya sa akin para ako'y yakapin. "Mamimiss din kita anak. Magiingat ka doon ha. Mag- aral ka ng mabuti." Sabi niya sa akin. Suddenly, i felt a tear fell from his eyes kaya napaiyak na rin ako.

"Huwag ka namang umiyak Dad." Sabi ko na lang. Napapaiyak na rin ako eh. "Happy lang ako para sa aking anak." Sabi niya sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagkain ko ng breakfast. Mamaya na rin gaganapin ang birthday ni Zira. Sadly, hindi ako makakapunta.

Kinuha ko ang phone ko para makavideo call ko siya. Sinagot naman agad niya ito. "Hi April. Ingat ka ha. Mamimiss ka namin." Nagsmile ako sa kanya. "Happy 18th Birthday Zira!!! Have a blast." Sabi ko sa kanya. Mukhang kagigising lang din niya.

"Salamat." Sabi naman niya. Natapos ang video call namin at nagpunta na ako sa aking kwarto. Handa na lahat ng gamit ko. Dalawang maleta at isang bag ang dala ko.

Si Ariela kaya? Kamusta na kaya siya? Ready na ba siyang umalis? Tinawagan ko siya. "Hello Ariela. Ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

"Oo ready na. Konting ayos na lang." Sabi niya sa akin. Natuwa ako doon.

Naligo na ako. Malapit ng maghapon at kailangan ko ng pumuntang airport. Tinext ko na si Ariela na sa airport na lang kami magkita. Bihis na rin si Daddy.

"Ano anak? Let's go?" Sabi niya sa akin. "Wait lang po Dad. Magaayos lang ako ng konti pa." Sabi ko sa kanya. Inayos ko ang buhok at mukha ko.

"Tara na po sa airport." Sabi ko. Umalis na kami ng bahay at pumara na ng taxi. Sumakay na agad kami. Mamimiss ko ang Pilipinas.

I will miss my Dad. My friends and my happy memories here. Sana lang ay maging masaya ako sa Japan together with Ariela. Alam mo na, new environment.

Nasa airport na ako ngayon at hinihintay na lang si Ariela. Mga two hours pa naman bago ang flight namin. Tinext ko si Ariela.

"Ariela. Nasaan ka na?" Text ko sa kanya. "Malapit na. In less than ten minutes ay nandiyan na kami." Reply agad niya.

Kasama ko pa rin ngayon si Dad. Binigyan niya ako ng Starbucks Coffee at tig- isa kami. Inorder niya ang paborito kong drink na Java Chip. Siya naman ay nagorder ng hot coffee.

Dumating na rin sa wakas si Ariela. Kasama rin niya ang daddy niya. Nagyakapan kami ni Ariela once na magkita kami. Nagbatian naman ang daddy niya pati daddy ko. "Hey kids. Magiingat kayo ha. We love you." Sabi ni Daddy sa amin. Tumango naman kami.

We waved our goodbyes to our fathers. Pumasok na kami sa loob ng airport. Meron doong waiting area at doon muna kami. Mga thirty minutes pa bago ang flight namin.

Medyo umuulan ngayon. Sana naman ay magkaroon kami ng safe flight. "Anong mga dinala mo?" Tanong ko kay Ariela. Dalawang maleta din ang dala niya. "Personal needs. Mga pang- aral at konting pagkain. Ikaw ba?" Tanong din niya sa akin.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon