10th Chapter

7 1 0
                                    

One Kiss

Zira Miranda's POV

Nakatingin lang ako sa stuffed toy ni Eldar na binili namin sa Enchanted Kingdom. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi na sa akin ni Xavier ang totoo niyang nararamdaman para sa akin.

All this time pala ay mahal na niya ako. Ganun din ako sa kanya at hindi ko lang din maamin dahil natatakot ako na baka ireject niya ako. At saka babae ako, hindi dapat ako ang nagfi first move.

Papunta na akong university ngayon dahil may kailangan akong gawin. Ewan ko lang pero kasama ko si Je mamaya. Nasa Vesile Tower lang daw siya.

Tinext ko na siya at sa Perington University na lang daw siya tatagpo. Pumara na ako ng taxi at sumakay na doon papuntang Perington University.

Bwisit, umulan pa kaya nabasa tuloy ako. Buti na lang at may dala akong payong. Nasaan na kaya si Je?

Nagscan na ako ng ID ko doon sa Computerized ID System ng university namin para ako ay makapasok. Sakto naman na si Ke ay nagaabang na doon sa may Vendo Machine.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Sabi ko sa kanya. Nakasimangot kasi ang babae. "Nasayang lang ang pera ko eh." Sabi niya sa akin. Naka cross arms siya.

"Bakit naman?" Tinanong ko siya. "Naginsert coin ako sa machine na ito tapos wala pa lang cup. Lumabas ang juice at walang sumalo dito." Sabi niya sa akin.

Tinawanan ko siya. "Hahaha." "Anong nakakatuwa doon?" Sabi niya sa akin. Mas lalo pa niya akong sinimangutan. "Hindi ka na nasanay friend. Lagi naman yang walang cup." Sabi ko sa kanya.

"Aish! Ano ba gagawin natin dito?" Sabi niya sakin. "May kukunin akong libro sa library tapos manunuod tayp ng play mamaya." Sabi ko naman sa kanya. Nilibre ko na siya sa ticket.

Pumunta na kami sa library. Nandun ang isang librarian namin. Yung masiyahin. Buti na lang at wala yung masungit. Tinanong ko sa kanya kung nasaan ang Entertainment Section. Hindi naman ako mala punta sa library. Dahil puro pageants ako. Malapit na ulit magpageant kaya kailangan ko na ulit maghanda.

Tinuro sa amin ng librarian kung nasaan ang section na iyon at pumunta na kami doon ni Je.   Naghanap lang ako ng mga girls magazines. Naghahanap kasi ako ng magandang suot ngayon eh. Tapos maghahanap na lang ako sa mall kapag nagkapera ako.

Sari- saring mga libro ang inabot sa akin ni Je at tinignan ko naman iyon. Marami nga doong pictures ng mga babae na parang katulad ko manamit. Pinicturan ko na iyon isa isa at humiram ako sa librarian ng isang libro.

Inilagay ko iyon sa bag ko at umalis na ng library. "Beshy, gutom na ako." Sabi sa akin ni Je. "Anong gagawin ko?" Sabi ko naman sa kanya. Eh sa kung magutom siya. Wala naman akong ipapakain sa kanya.

"Tara muna kumain. Anong oras ba nung play?" Tanong niya sa akin. Mukhang inip na inip na siya. Hayaan na lang natin at mamaya ay maeenjoy niya ang play. "Mga 4:00 pm." Sabi ko sa kanya.

Pumunta muna kaming basketball court dahil doon lang may available na mga pagkain ngayon. Nakakita kami doon ng mga tindang shawarma at pizza. "Kuya, magkano po ang isang shawarma?" Tanong ni Je habang kumukuha ng pera sa kanyang wallet. "65 pesos lang po Ate." Sabi ni Kuyang magtitinda.

"Grabe ka naman maka Ate, Kuya. Halos magkasing age lang naman yata tayo." At ang Je ay pinatulan pa ang lalaki. "Dalawang shawarma na lang po." Sabi ko na lang para matigil ang paguusap nila.

Bumili rin kami doon ng pizza. Ang drinks namin ay tubig na lang. Nang maiserve na ang shawarmas at pizza namin ay kumain na kami. Tumambay muna kami doon sa basketball court dahil matagal pa naman ang play. Pinanuod namin ang mga lalaking naglalaro. Mga high school students siguro ang mga ito.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon