5th Chapter

2 0 0
                                    

A Drunken Heart

Zira Miranda's POV

The next day, maaga pa lang ay nagchat na agad sa akin si Xavier.

Xavier: Zira
Me: Ano?
Xavier: 3:00 pm mamaya ang celebration.
Me: Okay. Saan ba ang inyo?
Xavier: Padis Village. Three kilometers away from the Vesile Tower.
Me: Okay.
Xavier: Kasama mo si Je?
Me: Oo.
Xavier: See you.
Me: 🤪

Ginising ko na si Je. Dito siya natulog sa amin dahil nga sa sobrang pagod na rin. "Je, gising na." Sabi ko. "Anong oras na ba?" Tanong naman niya. "9:30 am." Sagot ko. Lumabas na kami ng kwarto at nagprepare na ng breakfast.

Isang macaroni para sa aming breakfast ang nagustuhan namin ni Je na lutuin para sa breakfast namin.

"OMG!!! Patay na ako." Sabi ni Je in between our meals. "Bakit?" Sabi ko habang nakatingin siya sa kanyang cellphone.

"Second day na pala ng Simbang Gabi. Lagot na ako kay Mommy. Kukumpletuhin daw namin iyon eh." Sabi ni Je. "Ha? Eh paano ako mamaya? Sinong kasama ko papuntang kina Xavier?" Tanong ko sa kanya.

"Bes, hindi ko alam. Pero patay talaga ako kay mommy eh kapag hindi pa ako nakasimba." Naiintindihan ko naman siya pero sinong kasama ko mamaya?

"Si Carlo, hindi ba siya pupunta? Diba friend din naman niya si Dominic Alarcon na kateam ni Xavier?" Tanong ni Je. "Hindi daw eh. Katawagan ko na kagabi at tinatamad daw siya." Sabi ko naman.

"Ey siya. Chat mo muna ulit si Xavier na wala kang kasama mamaya. Sorry talaga bes." Sabi ni Je. "Okay lang." Reply ko.

Pagkatapos naming kumain, chinat ko ulit si Xavier.

Me: Xavier!!!
Xavier: What happened?
Me: Wala akong kasama mamaya papuntang Padis Village.
Xavier: Diba si Je?
Me: Magsisimbang gabi daw sila ng family niya eh.
Xavier: I see. Wala ka bang masasakyan mamaya?
Me: Commute lang.
Xavier: I'll ask my teammates kung mapupuntahan ka nila diyan sa bahay niyo.
Me: Hindi ba nakakahiya?
Xavier: Nah, hindi noh.
Me: Okay, salamat.
Xavier: Chat ulit kita mamaya.
Me: Sige.

Umalis na si Je sa aming bahay pagkatapos niyang maligo. Now, hihintayin ko na lang mag 2:00 pm para makapag prepare na ako for Xavier's Birthday party.

Wait, may nakalimutan ako. Wala pa pala akong regalo sa kanya. Anong oras na ba? Baka bukas na ang mall ngayon. 10:30 am na kaya pwede na akong pumuntang mall kasi bukas na ito.

Sa mall, nagtingin tingin ako ng pwede kong iregalo kay Xavier. Hmm, ano bang gusto ng lalaking ito? Parang ang hirap naman regaluhan.

Nagpunta ako sa isang sikat na athletic store para tumingin ng bola. Nagtingin ako dun ng mga bolang pangbasketball. Eh, ang mamahal naman. 500 pesos lang ang budget ko so lipat na agad ako sa kabilang store.

Nagtingin naman ako ng mga damit. Hmm, ano kayang size niya? Napaka affordable naman ng mga damit dito at ang gaganda pa kaso hindi ko alam ang size niya.

Chat ko kaya siya.

Me: Xavier, anong size mo?
Xavier: Size ng ano?
Me: Katawan mo.
Xavier: Medium.
Me: Salamat.

Ayos, medium ang size niya kaya nagtingin na rin ako ng mga damit. May nakita akong yellow tshirt dito. Sobrang ganda niya. Simple lang at konti lang ang tatak. Diba yun naman ang gusto ng mga boys?

Kaya binili ko na yun. 350 pesos lang at pinabalot ko na rin. Naglagay ako ng gift card at message for Xavier.

Xavier: Si Dominic ang pupunta sa bahay niyo mamaya.
Me: Ah okay. Anong oras daw?
Xavier: 2:30 pm sharp.
Me: Salamat talaga.
Xavier: No problem.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon