17th Chapter

6 0 0
                                    

Queen Of The Night

April Dimaano's POV

This is it. Kailangan ko na talagang sabihin kay Carlo na pupunta akong Japan kasama si Ariela. Habang maaga pa ay sasabihin ko na para naman walang masaktan.

Oo, may masasaktan pala pero kapag mas pinatagal ko pa ito ay mas lalo kaming masasaktan.

Tinawagan ko na si Carlo. "Carlo, magkita tayo mamaya." Sabi ko. "Ha? Saan naman?" Nagisip agad ako ng lugar kung saan pwede kaming magusap. "Magkita na lang tayo dito sa Perington University." Sabi ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot sa akin.

"Carlo?" Tawag ko sa kanya. "Wait lang ha. Mamaya na tayo magusap. May ginagawa lang ako." Sabi niya at binaba na niya agad ang tawag. Nakakainis naman eh.

Siguro busy siya? Grabe naman eh, first year college pa lang siya pero sobrang busy na agad.

I need some air. Makapunta nga muna ng Pizza Universe. I want pizza kasi eh. Magisa lang ako ngayon. Kailangan ko talagang magisap sa conflict na paparating. Parang hindi ko kaya eh. Pero dapat kayanin ko.

Nakaubos ako ng isang box ng pizza at nagtagal pa ako ng dalawang oras sa Pizza Universe. Nag internet at nagbasa din ng libro. Kailangan kaya pwedeng matawagan si Carlo? Lintek na Journalism yan. Lagi tuloy busy si Carlo. Journalism kasi ang napili niyang course eh.

Medyo nainip na ako kaya naman napagdesisyunan ko ng tawagan si Carlo. Nakatatlong ring bago niya sagutin ang tawag ko. "Hello, Carlo." Sabi ko.

"Bakit April? Kamusta ang girlfriend ko?" Sabi niya sa kabilang linya. Girlfriend. Natuwa ako sa sinabi niyang iyon. Kaso parang malapit na rin kami maghiwalay.

"Punta ka ng Perington University. May kailangan tayong pagusapan." Sabi ko. "Ha? Hindi ako pwede eh." Sabi niya. Nainis ako. "Bakit naman boyfie?" Sagot ko agad kahit na naiinis na talaga ako sa mga nangyayari.

"May tatapusin kasi akong libro eh. Alam mo na, Journalism ang course ko eh." Sabi niya. Nakasimangot na ako. Nakakainis kasi siya eh. "Please. Bukas mo na lang yan tapusin." Pagmamakaawa ko. "Deadline na nito ngayon eh. Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon." Sabi niya.

Tama bang sa pamamagitan na lang ng call ko sabihin sa kanya? Tama bang maghiwalay kami ngayon sa call lang? Hindi pwede ito. Hindi pwede.

"Ah sige. Saka na lang." Sabi ko sa kanya. "Huh? Osige. Bye girlfriend. I love you." Sabi niya. Hindi agad ao nakasagot sa kanya. Parang naiiyak kasi ako eh. "I love you too." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Pagkatapos naming magusap ay bumuhos agad ang iyak ko. Hindi ko nasabi sa kanya. Ano ba yan tadhana. Lagi mo na lang akong pinapahirapan. Kailan ko ba masasabi sa kanya na pupunta na ako ng Japan at iiwan na siya? Kailan ba ako magkakaroon ng lakas para makipaghiwalay sa kanya?

Malungkot ako? Hindi pwede yan. Kailangan kong sumaya. Nagdecide ako na pumunta na lang ng Sidelines. Tinawagan ko si Ariela at sinabi sa kanya na samahan ako.

Pumunta ako sa bahay namin sa Latina Village at nagpalit ng damit. Nagpunta naman ako sa Citta Village para puntahan si Ariela at sakto naman na bihis na rin siya. Sumakay kami ng taxi papuntang Sidelines.

Nasa Sidelines na kami ngayon ni Ariela. "It's time to celebrate dahil pupunta na tayong Japan." Sabi ko. Natuwa naman siya doon. "Yes!!! Ayos na rin ang passport at lahat ng papers natin." Sabi naman niya.

Tuwang tuwa ako pero deep inside ay sobrang lungkot ko. Ayoko kasi na magkahiwalay kami ni Carlo.

Pumasok na kami sa loob at naghanap ng mauupuan. Luckily ay nakahanap kami ng table for two. Nagorder kami ng wines at snacks. Habang hinihintay na dumating ang mga order namin, nag usap kami.

The Tower Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon