FFTS 4

293 57 48
                                    

Zaydine

First day of school namin at nakaka-excite. Nasa quadrangle kami ngayon kasi may mga mag pe-perform daw para isalubong kaming mga freshmen at new students.


"Ang cool talaga ng school na 'to," sabi ni Ella na sobrang excited.


"Yeah! Sa kwento pa lang dati ni kuya nae-excite na akong pumasok dito at ngayon nandito na ako!" sabi ni Carmen. Halatang lahat kami ay excited. Tumingin ako sa paligid at wala pa rin yung mga boys. As usual lagi naman silang late.


Naagaw ang attention namin sa babae na nasa stage ngayon. Marami ring tao ang napatingin sa kanya.


"Mrs. Velasco and Mr. Moran will be here shortly." The girl announced at bumaba ulit siya ng stage.


"Lakas ng dating nung babae," bulong ni Carmen sa 'min. Napatango ako sa kanya... tama siya. Matangkad, fit ang katawan, tapos mahaba at straight ang buhok. Ang ganda rin ng outfit niya. Naka-fitted dress siya na color black that goes above her knees. Dito kasi sa Stardom wala kaming uniform para raw mas ma-express namin ang sarili namin.


Ako naman ay naka mom jeans, white sando sa loob, pink cardigan, white sneakers, and white head band. Si Ella ay naka-dress and sandals. Si Carmen naman ay naka ripped jeans, black t-shirt na may logo ng banda, and black na high cut shoes.


"Siya si Graceful Reyes. Isa siya sa pinakasikat na student dito sa school. Kadalasan kasi siya ang nakakakuha ng mga lead roles sa film showing or sa mga theatre play. Masasabi kong magaling din talaga siya. Fourth year na siya ngayon," sabi nung babae na katabi ni Ella.


"Wow, kaya pala. She's really pretty," sabi ko sa kanya.


"Ako nga pala si Milly Lopez," sabi nung babae at nag shake hands kami. Maganda rin siya, simple manamit, at ang linis niyang tingnan. Naka-black denim skirt siya, white shirt, tote bag, at naka-white tennis shoes. Simple but elegant.


"Nice to meet you! Ako si Zaydine Sheridan," sabi ko at ngumiti.


"Ako naman si Emmanuela Guzman pero Ella na lang," sabi ni Ella at kumaway.


"Carmen Yoon. I just wanna say na maganda ka rin," sabi ni Carmen at ngumiti.


"Freshmen kayo?" tanong niya sa 'min at tumango kami.


"Ako Second year, Fashion designing Major..." sabi niya.


"Same, Fashion Designing rin ako," sabi ko sa kanya. Nag tanong lang kami sa kanya ng kung ano-ano about dito sa school.


Grabe halos lahat ng student dito ang fashionable manamit. Nanahimik kami nang may nagsalita na sa stage.


"Good morning, Students. Today's performers are from the fourth year. Singing and Dancing Major," sabi ni Mr. Moran at nagpalakpakan kami.


Nag-start na yung malakas na tugtog at nagsilabasan na yung mga students na mag pe-perform, ang dami nila. Nagsimula na silang sumayaw at mayamaya ay kumanta na rin sila.


🎶Come and join us
In Stardom university!
Where you can be creative
And showcase your talents
Where you can be yourself
and can express yourself through
ARTS!
ACTING!
MUSIC!
Repeat after us
LET'S GO!
STARDOM UNIVERSITY !🎶


"LET'S GO! STARDOM UNIVERSITY!" sigaw naming mga nanonood, ang saya naman. Mga talented talaga ang mga students dito.


May mga hinila na yung mga nagpe-perform na mga students para makisabay sumayaw sa kanila. Nagulat ako nang hilahin ako nung isa sa mga nagpe-perform kaya hinila ko rin sina Ella at Carmen. Ang saya naman ng first day namin dito sa school na 'to! The best choice talaga. Nang matapos na ay nag salita ulit si Mr. Moran.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon