FFTS 6

202 58 60
                                    

Zaydine

Mark and I just stood there at hinihintay ang critique ni ma'am sa performance namin. Pati mga kaklase namin ay tahimik at hinihintay rin ang sasabihin ni ma'am.


"That's what I called emotions. Randam mo yung emotions nila para sa isa't-isa, mafe-feel mo yung iba't-ibang emotions. May umiiyak, may galit, may confusion, may joy at may shock factor. I like the kiss on forehead at the end. But still, I don't like it, because I love it," sabi ni Mrs. Dizon at napangiti kami parehas ni Mark.


"Thank you po, ma'am!" sabi namin.


"I think we have the lead actors for the short film showing. Zaydine and Markus!" Nagulat kami parehas ni Mark sa sinabi ni ma'am. Sa sobrang saya namin ay nagyakapan kaming dalawa at humiwalay din naman agad.


"Thank you po!" sabi ulit namin ni Mark.

#

"Congrats, Zane! Ikaw pala ang napili bilang lead sa short film showing. Ikaw ang magrere-present sa freshmen," bati ni Carmen sa 'kin. Uwian na namin at nasa Cafeteria kami para mag snack.


"Wow! Nice... Congrats, Zane!" sabi ni Kit.


"Biruin mo kayo pa nung mokong na 'yon ang magiging lead," natatawang sabi ni Jerome.


"Pero, hindi ba unfair 'yon? Eh, di naman Acting ang major ko, diba? Fashion designing ang major ko." Masaya ako pero parang unfair talaga kasi paano naman yung mga Acting ang major?


"Di naman. Yung iba nga Acting ang major pero kita mo, ikaw naman ang napili kasi nag stood out ka," sabi ni Ella sa 'kin.


"Zane! Congrats ang galing talaga ng best friend ko!" sabi ni Andrei. Kakarating niya lang at kasama na naman niya si Ishia.


"Thanks, Andrei," sabi ko.


"Congrats!" sabi ni Ishia at ngumiti lang ako sa kanya.


"Una na pala kami ni Ishia. Dumaan lang kami para i-congrats si Zane," sabi ni Andrei sa 'min.


"Bakit magkasama kayo? Akala ko may dinner kayo ng Dad mo with investors?" tanong ko kay Andrie.


"Ah... Oo, kasama kasi siya. Anak pala siya nung investor ni Dad kaya sabi ni Dad sabay na kami." Kwento ni Andrei sa 'min.


"Okay, ingat," sabi ni Kit at tuluyan na silang umalis.


"Di na masiyadong sumasama sa atin si Andrei," sabi ni Jerome. Oo nga... pansin ko rin na lagi na sila ni Ishia ang magkasama. Nakaka-sad naman, sanay na kasi akong lagi siyang kasama.


"Oo nga natamaan na siguro kay Ishia... kasi no'ng Junior high kami may gusto na talaga siya kay Ishia," sabi naman ni Kit. Si Ishia siguro yung sinasabi ni Andrei na first love niya, di niya kasi binabanggit kung sino 'yon.


"Wag ka nang malungkot, friends lang 'yon sila," bulong sa 'kin ni Carmen. Napatingin ako sa cellphone ko, tumunog kasi 'to. Si Mark lang pala, he followed me on my socials.


@MarkusCole

Markus
Wow, dami mo pa lang followers.

Zaydine
Di naman. Karamihan sa
followers ko ay fans ni Mommy.

Zaydine
Wait

Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon