FFTS 22

165 51 19
                                    

Zaydine

There was silence. Nakatitig lang si Traven at Ate Zara sa isa't-isa at parehas di alam ang gagawin o ang sasabihin.

"He's Traven? Your ex?" gulat na tanong ni Kuya, nag suot siya ng eye glasses niya at tinitigan si Traven nang maayos.

"They have history pala?" rinig kong sabi ni Zindy na nasa tabi ko.

"Zane!? Can you explain... Ano bang nangyayari?" Inis na tanong ni Kuya sa akin. Mag sasalita na sana ako nang biglang nag lakad si Traven papunta sa front door at lumabas na ng bahay namin. Agad naman akong nag lakad papalabas.

"Zaydine!" rinig kong sigaw ni Kuya pero pinabayaan ko lang siya. Tumakbo na ako para habulin si Traven na medyo malayo na.

"Traven! Wait!" sigaw ko at napalingon siya sa akin. Tumigil ako sa pagtakbo nang maabutan ko siya.

"Why didn't you tell me na darating si Zara sa bahay niyo?" he asked me calmly.

"Promise, di ko rin alam na pupunta siya sa bahay. Pero alam ko na uuwi siya rito sa Pilipinas kasi na ospital si Tito Anthon. Di ko nga rin alam na kasama pala si Kuya Kevin... please don't be angry," sabi ko sa kanya and he smiled.

"Don't worry, I'm not angry. Wala ka namang kasalanan. I'm just shocked and I wasn't ready to face her after what she did," sabi niya sa akin.

"I'm sorry, Traven," sabi ko sa kanya.

"Why are you apologizing? You did nothing wrong, Zane," sabi niya at ipinaharap ako sa kanya.

"I'm just guilty na nag kita kayong dalawa," sabi ko ulit.

"Don't be. Ako dapat ang mag sorry because I put you in trouble," sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Okay lang. Saan ka na ngayon pupunta?" I asked him.

"Uuwi na ako... napag-isipan ko na wala naman akong magagawa. Yes, my Dad left us... so what? Di lang naman kami ang pamilya na iniwan ng tatay. Saka may mas grabe pa ang sitwasyon kaysa sa akin. I'm still lucky I have my Mom and I think I should listen din kung ano man ang explanation ni Micheal Tyler, I also want to hear his side of the story," sabi niya sa akin. Napangiti ako, napakamature niya talaga mag isip minsan.

"Tama ka, Traven."

"By the way, did you pay kanina sa Club Jazz?" tanong niya at tumango ako.

"I'll pay you now and thank you," sabi niya at inabutan ako ng pera.

"Thank you rin."

"Balik ka na sa house niyo baka nag aalala na ang Kuya mo sa 'yo... I'll go ahead na," sabi niya at tumango lang ako sa kanya bago ako tumalikod.

Pagpasok ko sa bahay ay inihanda ko na ang sarili ko na pagalitan ni Kuya pero wala siya at si Ate Zara pag balik ko.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Zindy.

"When you went outside, Ate Zara went outside na rin. Then sinundan siya ni Kuya Kevin. I have a feeling my na something sila ni Kuya," sabi ni Zindy na parang naiintriga. Marites 'yan?

"Hoy, Zindy wag malisyosa. Friends lang 'yon sila. Di ba pwede maging friends ang opposite gender? Ikaw talaga..." sabi ko naman at napa-iling na lang ako.

"Ate, you're so serious naman. I'm just lighten up the mood. Nakakasira kayo ng beauty. I'll sleep early na, nadadamay pa ako sa mga dramas ni 'yo," sabi ni Zindy at iniwan ako mag-isa sa sala, kaya napaupo na lang ako. Dumating na si Kuya at galit akong tiningnan.

Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon