FFTS 27

100 42 53
                                    

Zaydine

Pag katapos namin ni Traven mag kwento ng tungkol sa past namin, I realized na lahat talaga tayo may mga pinagdaan sa buhay na masasaya, masasakit, at malulungkot. Meron rin mga tao na dadating sa ating buhay para mag bigay ng lesson sa atin or para tulungan tayo. Kaya naniniwala na ako sa kasabihan na everything happens for a reason. Kung anong napagdaan mo mag re-reflect 'yon sa kung ano ka ngayon.


"Who would have thought na ikaw yung sumama sa akin papunta sa ospital no'n. Di naman kasi nabanggit ni Ate Zara kung sino yung sumama sa akin," sabi ko sa kanya after ko mag kwento.


"Ako naman di ko akalain na after that I'll get to meet you again," sabi niya. He tuck my hair behind my ears.


"So, simula pa lang nang magkakilala tayo alam mo na pala ang past ko," tumango siya sa akin, "Bakit mo pa ako nagustuhan?" I asked him.


"Because you are you... I don't care about the past kasi di na natin mababago 'yon. Di mo naman kasalan 'yon always remember that," sabi niya sa akin.


"Di ko nga alam kung deserve ko ba maging masaya," sabi ko ulit.


"You know... we both deserves to be happy after what we've been through. Everyone deserves happiness," sabi ulit niya. Ang swerte ko talaga sa kanya.


"Tama ka," sabi ko at nagpatuloy lang kami sa pagkain and enjoyed the night.

#

Kinabukasan ay pumunta ako kay Dra. Cruz, dahil matagal na akong di pumupunta sa clinic niya at lagi niya rin akong mine-massage, kung okay lang daw ako.


"Nice to see you, Zaydine. How are you feeling this past few months?" she asked me.


"I felt great and I'm happy actually," sabi ko sa kanya.


"That's good, I'm happy for you. Meron bang nag papasaya sa 'yo ngayon?" Napangiti kaagad ako sa tanong niya kasi si Traven agad ang pumasok sa isip ko.


"There is someone," sabi ko. Di ko mapigilang ngumiti.


"Can you tell me about this someone?"


"Well he's my boyfriend and I feel safe when I'm with him but..." sabi ko and suddenly my mood changes.


"It's okay if you don't want to continue..." mahinahon na sabi niya sa akin pero umiling lang ako.


"No... it's fine. Minsan kasi di ko pa rin maalis yung thought na baka masaktan ulit ako," sabi ko.


"It's okay to feel that way but the most important thing is yung nangyayari sa present time and don't think too much about negative things na hindi pa nangyayari. You should enjoy the moment before it's gone," sabi niya at napaisip ako tama naman. I should enjoy the present time because kapag nag iisip ako ng negative thoughts it will just ruin my current mood.

#

It's December 21 and it's my birthday! I went to school early para makita kaagad sina Ella dahil after today Christmas vacation na namin. Kahapon meron kaming Christmas party by Major.


"Guys, hulaan niyo kung anong araw ngayon?" tanong ko sa kanila habang nag sna-snack kami.


"Last day bago mag Christmas break," sabi ni Carmen. Napanguso ako sa sinabi niya at nag taka naman siya sa reaction ko.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon