FFTS 21

156 51 18
                                    

Zaydine

Naka ready na ako at nag re-retouch na lang ako ng make up. Fit sa akin yung dress na binili ni Traven at yung pumps maganda. Nasa sala na ako ngayon at hinihintay na lang siya. Buti wala si Mommy ngayon, nasa New york siya kasi may malaking fashion project siya do'n. Si Dad naman nasa business trip.

"Ang ganda mo naman, Ate. Where you punta?" tanong ni Zindy.

"I have a date," sabi ko at tumabi siya sa akin.

"With who? Omg! May boyfie ka na ulit?" tanong ni Zindy.

"Wala, natalo lang ako sa pustahan namin ni Traven," sabi ko.

"Kuya Traven... yung nakapartner mo sa play? What's your bet ba? You know I was so kilig when you two kissed," tanong ulit ni Zindy.

"Basta, kwento ko sa 'yo pag may time ako. Baka kasi dumating na 'yon," sabi ko at tumango naman siya.

"Ma'am, Zane. Andito na po si Sir Traven," sabi ni Manang Cora kaya napatayo ako.

"Sige po, alis na po ako. Zindy, alis muna ako."

Paglabas ko ay nakita ko si Traven na naka sandal sa isang kotse. Naka suot siya tapos yung white na button down niya di naka butones yung tatlong nasa taas. Tapos naka sleek back yung buhok niya.

"Sa 'yong kotse 'yan? Akala ko mas prefer mo ang big bike?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.

"Yup, this is mine... I got it kanina for a change," tumango lang ako, "let's go," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Pumasok naman ako sa loob.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Ini-start niya na yung kotse at nag paandar na.

"Secret," sabi niya at humarap sa akin bago nag wink.

"Okay."

"By the way, bagay sa 'yo yung dress na napili ko. You looked beautiful." Pinigilan ko namang ngumiti dahil sa sinabi niya.

Dumating kami sa isang bay na maraming yacht. Naglakad na kami sa dock, hinawakan ni Traven ang kamay ko para alalayan ako kasi naka heels daw ako.

"Anong gagawin natin sa yacht?" tanong ko.

"We will have a dinner." Napalaki naman yung mata ko. Dinner sa yacht?!

"Ang mahal siguro nito," nahihiyang sabi ko. Tumawa siya.

"Nah... it's mine." Sabagay afford din nila 'yan kasi mayaman naman sila. Nang makapasok kami sa loob ng yacht ay tumaas kami sa second floor at nakita ko na may naka set up na dinner table do'n. Narandaman ko namang umandar na yung yacht.

Candle light lang ang ilaw. Ang romantic naman. Inisog niya yung upuan ko at pinaupo ako do'n.

"Thank you..." sabi ko.

"Anything for my girl." Kaya siguro maraming chicks 'to, kasi ang romantic niya talaga.

"Let's eat..." sabi niya at tumango lang ako. Nag simula naman kaming kumain. Ang sarap ng carbonara, I don't usually eat carbonara but this one is different.

"Do you like it? Ako ang nag luto niyan," sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Di nga?" tumango siya, "Gagi! Ang galing mo pala mag luto... masarap."

"I'm glad you liked it," sabi niya nang nakangiti.

"Alam mo medyo matagal na tayong mag kakilala pero di ko alam ang favorite mong kulay," sabi ko, natawa naman siya.

Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon