FFTS 7

185 54 58
                                    

Zaydine

It was Ace. Siya siguro yung isa pang ka-bandmate ni Traven. Matagal ko na siyang hindi nakikita simula no'ng nag graduate siya ng Grade 12 sa dati naming school. Mas matanda siya sa 'min, second year college na siguro siya ngayon. Naalala ko na naman yung sinabi niya sa 'kin dati...


'Do you expect me to believe you!? Aminin mo na lang kasi di yung gumagawa ka pa ng kwento...'


Nagtugma ang aming mga mata. Nagulat siya pero agad naman siyang ngumisi, kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Wala pa rin siyang hiya hanggang ngayon. Umupo na ako sa isang table kung nasa'n sina Carmen. Mamaya na kami uuwi kasi medyo maaga pa naman and Dad will pick me up later after his work. Nagsimula nang mag datingan yung mga tao dahil bukas na ang resto nila.


"Pa'no makakapag-practice sina kuya mo?" tanong ko kay Carmen.


"Ah, 'yan na ang practice nila habang nag pe-perform sila rito sa resto, I guess," sagot ni Carmen at tumango na lang ako.


"Siguro sanay na talaga sila kuya mo. No need na mag-practice, magaling din siguro siyang kumanta parang ikaw Carmen," sabi ni Kit kay Carmen.


"Ang ganda talaga ng boses nang kuya ni Carmen," sabi ko kay Kit.


"Pero mas magaling naman ako diba?" tanong ni Andrei sa 'kin.


"Syempre mas magaling ka! Ikaw pa," sabi ko sa kanya at ngumiti kami parehas.


"Ewan sa 'yo niloloko mo lang ako," natatawang sabi niya sa 'kin.


"Luh... pabebe pa." Tumawa kaming anim. Nag-iba ang mood ko nang lumapit sa table namin si Ace. Agad naman naging alerto sina Andrei.


"Hey! Zane, long time no see," nakangising sabi ni Ace pero di ko siya pinapansin. I think, I'm still traumatized about what happened in the past.


"Wow, di namamansin parang wala tayong history dalawa..." he laughed, "natatandaan mo pa ba yung gabi na-" di na napatuloy ni Ace yung sasabihin niya nang tumayo na si Kit, Jerome, at Andrei. Ella, on the other hand is comforting me.


"Tama na!" inis na sabi ni Andrei.


"Lumayo ka na dito kung ayaw mo ng gulo!" inis ding sabi ni Jerome. Pero ngumisi lang si Ace at tumawa ng mahina.


"Ano pang hinihintay mo?" inis na tanong ni Kit.


"Geez, kinakamusta ko lang si Zane," sabi ni Ace. Nakahinga naman ako ng maluwag nang lumayo na siya sa amin.


"Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Andrei, tumango ako. I'm so disappointed on myself. Bakit di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?


"Sorry guys, di ako relate anong meron sa 'yo at kay Kuya Ace?" nagtatakang tanong ni Carmen.


"He's my Ex," maigsing sagot ko sa kanya.


"Hala, sorry I asked," nakayukong sabi ni Carmen.


"It's okay, past is past," sabi ko naman at ngumiti ng pilit.


"Hayaan mo na, Zane. Andito lang kami for you," sabi ni Ella and I just nodded. My heart was still beating fast pero di ko pinapahalata sa kanila.


"Is there a problem?" tanong ni Traven sa 'min. Nahalata niya siguro na may something dito kanina.


"Psh... so you're a band full of jerks. I see..." mahinang sabi ni Andrei pero narinig namin 'yon.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon