FFTS 10

188 58 53
                                    

Zaydine

Mark took a deep breath at tumingin siya sa dalampasigan. He cleared his throat before he looks at me again.


"Ayon, nagalit sila sa akin at kung ano-ano ang sinasabi nila. Wala daw akong kwenta, dapat ako na lang daw ang namatay at di na yung kapatid ko na si Marian. Hanggang ngayon sa akin pa rin nila sinisisi yung pagkamatay nang kapatid ko." Mahabang kwento niya at tuluyan na siyang umiyak.


"A-anong nangyari sa kanya?" I hesitantly asked him.


"No'ng bata pa kasi ako, pinagbabawalan kami sumakay sa bangka ng walang nag babantay sa amin. Pero dahil gusto ng kapatid ko, sumakay pa rin kami. Maalon no'ng panahon na 'yon at tumaob yung bangka, marunong akong lumangoy. Pero siya hindi, nalunod siya, Zane..." sabi niya at tuluyan na siyang nag breakdown, niyakap ko siya.


"Di mo kasalan, It's just an accident." Naiiyak na rin ako, randam ko kasi yung sama ng loob niya. Mabilis pa naman akong umiyak when I see someone cry.


"Zane, araw-araw pinagsisihan ko 'yon, bata pa ako no'n di ko alam ginagawa ko. Kung kaya ko lang sana ibalik ang nakaraan gagawin ko, wag lang siya mapahamak..." Lumayo siya sa akin, "Simula no'n di na ako pumupunta sa beach dahil naaalala ko lang..." Kaya pala... now I get it, may phobia siya sa Dagat, "Parang lahat na lang ng malalapit sa akin nawawala." Medyo tumahan siya at pilit siyang ngumiti.


"Salamat, Zane. Buti nandito ka para makinig," Niyakap niya ako and I pat him on his back at humiwalay na siya sa pagkakayakap sa 'kin, "May isa pa akong problema pero di ko pa ready ikwento sa susunod na lang," sabi niya at ngumiti.


"Okay lang at least umayos naman ang pakirandam mo, diba?" tanong ko sa kanya.


"Oo naman," sabi niya. Grabe rin pala ang pinagdadaanan nito ni Mark.


"Dahil nag kwento ka sa akin magkwenkwento rin ako. Kahit kasi ako may problema," sabi ko sa kanya at tumango naman siya.


"Randam ko yung feeling na parang lahat nang gawin mo mali. Si Mommy, lagi niya akong preni-pressure na dapat di ko siya madissapoint. Don't get me wrong I love fashion designing pero minsan di ko alam kung passion ko ba talaga 'yon or napilitan lang ako dahil kay Mommy," sabi ko sa kanya.


"Parehas pala tayo, Zane..." sabi niya sa akin nang nakayuko.


"Well, unlike you I don't have the guts na di sundin si Mom. Kasi, nadisappoint ko na siya rati."


"Is it about the issue?" tanong niya at napatigil ako. So alam niya nga, well kalat naman 'yon sa school dati. Tumango na lang ako.


"Sorry, I brought that up," sabi niya. Na-feel niya siguro nag change yung mood ko.


"Ano ba 'yan ang drama naman nating dalawa. Nagiiyakan tayo," sabi ko at tumawa habang pinupunasan ko yung luha ko.


"Oo nga, eh... but seriously it made me feel better. Thanks."


"Thank you rin sa pakikinig," sabi ko sa kanya at ngumiti rin.

#

Tapos na yung pag shoot ng short film namin. Saturday na ngayon at birthday ni Carmen. Nag sleep over sina Ella at Carmen sa bahay kagabi para makapag-bonding kami. Maaga kaming nagising ngayon para mamili ng mga lulutuin namin mamaya sa rooftop nila, do'n kasi kami mag ce-celebrate ng birthday ni Carmen. Kami-kami lang naman magkakaibigan, mago-overnight kami dito sa kanila. Buti pinayagan ako. Well, lagi naman ako pinapayagan ni Mom pagkasama sina Ella because she trust them.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon