FFTS 12

149 56 25
                                    

TW! Trauma!

Zaydine

Pag katapos namin mag paint ni Traven ay inilagay muna namin sa Roof top yung canvas para matuyo at bumaba muna kami sa Resto. Ang ganda ng set up nila, lumapit ako kay Andrei kasi mukhang kinakabahan siya.


"Wow, ang ganda ng ayos niyo, ah..." nakangiting sabi ko sa kanya.


"You think so?" kinakabahang tanong niya.


"Oo, naman! I'm sure magugustuhan 'to ni Ishia," sabi ko sa kanya at inayos ko yung neck tie niya. Ang gwapo niya talaga... lalo na kapag nakaayos, tulad ngayon naka suit siya.


"Ano ba 'yan Andrei para kang bata! Di mo inaayos yung neck tie mo," sabi ko sa kanya.


"Thank you, Zane. Kinakabahan talaga ako," seryosong sabi niya sa akin.


"Bakit ka ba kinakabahan? Eh, diba kayo na... magugustuhan niya itong surprise mo. Sino ba naman ang hindi gustong masurprise?" sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya. Medyo lumiwanag ang awra ng mukha niya dahil sa sinabi ko.


"Ikaw lang talaga ang nakakapagaan ng loob ko, Zane. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka," sabi niya sa 'kin.


"Syempre, best friend mo ko, eh..." nakangiting sabi ko.


"Sorry pala kagabi kung nagalit ako sa 'yo dahil nililigawan ka ni Markus," nakayukong sabi niya at tinapik ko siya sa braso niya.


"Okay lang 'yon!"


"From now on I'll support you and Markus. Kasi ikaw sinusuportahan mo rin kami ni Ishia," sabi niya at ngumiti lang ako sa kanya.


"Thank you," sabi ko sa kanya. Tinapos na namin yung preparation para sa surprise kay Ishia.

#

Pagkapasok na pagkapasok ni Ishia sa Resto ay kumanta na si Traven. Ang ganda rin talaga ni Ishia lalo na sa suot niyang puting dress. Ano ba 'yan bakit parang ikakasal na sila?


🎶I turned on the stereo
I walked towards you
I held out my hand..🎶


Lumapit sa kanya si Andrei.


"May I have this dance?" nakangiting tanong ni Andrei kay Ishia.


"Sure, I loved too," sabi ni Ishia at sumayaw na silang dalawa. Ako naman ay pinipicturan sila.


Parang kailan lang no'ng birthday niya, sabi niya sa akin... ako na lang ang isasayaw niya kasi sa akin lang siya comfortable. Ngayon may iba na siyang kasayaw, same pa yung song. Same song different person.


"Ayos ka lang?" tanong ni Carmen sa akin, ngumiti ako at tumango sa kanya.


"Oo naman, I'm happy for them," nakangiting sabi ko sa kanya.


"Mukhang naka move on ka na talaga, ah..." sabi ni Ella sa akin.


"Syempre, ano 'yon ako na lang laging nasasaktan?" natatawang sabi ko sa kanila.


"Tama ka, Zane," sabi ni Carmen.


"Good for you, girl!" sabi ni Ella. Natapos na silang mag sayaw at kinuha na ni Andrei yung Rose na paint namin ni Traven.


"Aww... thanks, Andrei," kinikilig na sabi ni Ishia. Huminga ng malalim si Andrei bago siya mag simulang magsalita.


"Ishia Mae Cheng, di ko pa ito nasasabi sa 'yo. Alam ko na recently lang tayo nag kita ulit pero matagal na talaga akong may gusto sa 'yo, simula pa no'ng junior high tayo. Pero I don't have a courage para sabihin ko sa 'yo ang nararandaman ko. Pagkatapos natin mag grade 10 di na ulit tayo nag kita, inisip ko na baka di talaga tayo para sa isa't-isa.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon