FFTS 18

118 51 26
                                    

Zaydine

After the celebration ng birthday ni Traven ay lumabas na kami sa Karaoke Bar. Grabe mga lasing na yung iba. May pasok pa naman kami bukas...


"Oh, hatid niyo na lang kaming mga walang kotse... dati lang na sasakyan," suggest ni Ella na lasing na. Di kasi siya sanay na uminom ng beer.


"Okay, buti na lang di kami uminom masiyado ni Mark," sabi ni Andrei sa kanila. Sumakay na sila sa kotse at nag paalam na sa amin isa-isa. Naiwan kami dito sa parking lot ni Traven.


"Traven, samahan mo ko sa rooftop cafe." Kumunot naman ang noo niya nang tumingin siya sa akin.


"Di ka pa ba busog?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Basta, tara na," sabi ko at sinuot ko na yung helmet.


"Okay, if you say so." Nag suot na rin siya ng helmet at sumakay na kami sa motor niya. May surprise kasi ako sa kanya.


Mayamaya ay nakarating na kami sa rooftop cafe at pag akyat namin sa taas ay nagulat siya.


"Surprise! Happy Birthday!" gulat pa rin siya, "Sorry, kung di masiyadong maganda kanina ko lang kasi pina arrange, eh..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Nag pa-arrange ako ng small tea party, may cake, may cookies, and tea.


"You arranged this for me?" tanong niya sa akin at hindi makapaniwala.


"Bakit ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti. His smile was genuine kasi hindi na makita yung mga mata niya, eh...


"No, it's perfect! Ikaw talaga, you don't have too... but thank you. You made my birthday even better."  Parang namula yung pisngi ko sa narinig ko.


"Wala 'yon! I just want to surprise you. Kasi wala akong gift sa 'yo. E' di ko naman alam ang mga gusto mo kaya ito na lang naisip ko." Pag may nag bi-birthday talaga lagi akong may gift sa kanila.


"It's okay, kung wala kang gift sa akin. Pero thank you talaga." Lumapit kami sa may railings. Sinenyasan ko naman yung isa sa staff.


"Look up the dark sky," sabi ko at tumingala siya.


"Wala masiyadong stars ngayon..." napatalon siya nang biglang may sumirit na fireworks, "Oh, shoot! Fuck!" sigaw niya sa sobrang gulat. Tumawa ako ng napa-kalakas.


"Sorry..." sabi niya and he cleared his throat. Tumawa rin siya at pinanood yung fireworks. Pinagmasdan ko lang siya habang siya ay nakatingala. Parang na-amaze siya sa nakikita niya. I never seen him this happy before...


"'Yan na muna ang stars ngayong gabi sana nagustuhan mo." Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ako. Nahuli niya ako na nakatitig sa kanya... nakakahiya.


"Thank you talaga, Zane. You know ngayon lang may nag surprise sa akin sa birthday ko. Kaya I will remember this moment for life," sabi niya.


"Uy! Kailan ka pa naging emotional!?" natatawang sabi ko.


"Ganito talaga ako pag sincere... minsan lang 'to." Ginulo niya yung buhok ko at pinisil yung pisngi ko.

#

Monday na at ngayon namin ipre-present yung mga dresses that we design for a red carpet. Buong weekend ko ito pinaghandaan. Meron na lang mga touch up na kailangan. Kasama namin yung mga second year ngayon kaya ang katabi ko ng station ay si Milly.



Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon