FFTS 5

247 59 57
                                    

Zaydine

Our classes just ended and we are now walking to the entrance of the school kasi uwian na. Kaso gagawa pa kami ng script para sa role play namin bukas.


"Sino naka-partner mo? Si Markus yung naka-blind date mo?" natatawang tanong ni Carmen.


"Oo, ang malas ko talaga."


"Basta, Zane... pag may ginawa 'yon sa 'yo na di maganda sabihin mo lang sa 'min nina Kit at Andrei." Nag-stretch ng kamay si Jerome na parang sasabak sa suntukan.


"Oo naman, sure..." sabi ko at tumawa.


"Si Andrei pala nasa'n?" tanong ni Kit.


"Kasama yung partner niya sa acting," sagot ni Ella.


"Sino ka-partner niya?" pabulong na tanong ni Carmen sa akin.


"Yung nabangga ko kahapon," sabi ko sa kanya at nag pout.


"Kawawa naman ang bunso namin," sabi ni Carmen at tinapik ang likod ko. Nagulat kami nang biglang sumulpot si Andrei na kasama si Ishia.


"Hey, guys! Ipapakilala ko pala sa inyo si--" di na napatuloy ni Andrei yung sasabihin niya nang mag salita si Jerome.


"P're, girlfriend mo?" tanong ni Jerome kay Andrei at napangiti ang loko.


"Soon to-- I mean hindi classmate ko siya rati and ka-partner ko siya ngayon sa Acting. Si Ishia nga pala guys, Ishia mga kaibigan ko. Ah, si Zane nakilala mo na siya kahapon," sabi ni Andrei.


"Hello," sabi ni Ishia at ngumiti.


"Hey, it's me Kit remember?" tanong ni Kit. Tumango si Ishia.

"Ah, yes. I remember you. It was nice to see you again," nakangiting sabi ni Ishia.


"Ako naman si Jerome," sabi ni Jerome.


"Emmanuela but just call me Ella," nakangiting sabi ni Ella.


"Sup! I'm Carmen, wag mo kong tatawaging Carmencita, ah," sabi ni Carmen at tumawa.


"Nice to meet you all! Sana maging good friends tayo," sabi ni Ishia. Ang sweet talaga ng boses niya di katulad ko medyo deep ang boses ko.


"Una na pala kami ni Ishia, gagawa pa kami ng script sa role play para bukas," sabi ni Andrei.


"Sige ingat kayo," sabi ko sa kanila at tuluyan na silang umalis.


"Bes, 'yon ba yung girl? Maganda, ah..." Tumingin si Carmen sa 'kin at nahalata niya na nakabusangot ang mukha ko.


"Pero syempre mas maganda ka pa rin." Tumawa naman ako ng sarcastic dahil sa sinabi niya.


"Una na rin pala ako guys. Mag me-meet pa kami ni Markus do'n sa Cafe," sabi ko sa kanila at kumaway.


"Good luck girl, ah..." natatawang sabi ni Ella.


"Basta Zane tandaan mo yung sinabi ko, ah." Natawa naman ako kay Jerome.


"Oo, sige na bye." Kumaway ako at tuluyan na akong umalis.

#

Nandito na ako sa cafe at nag order lang ako ng Redvelvet Frappe. Habang nag hihintay kay Markus ay nag message ako kay Mommy na gagawa ako ng script at tinatapos ko na yung assignment namin about sa history of fashion. Hay! Bakit kaya wala pa si Markus? Mag me-message na sana ako sa kanya nang bigla siyang dumating.


Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon