FFTS 14

140 57 14
                                    

Zaydine

While eating tumingin si Mark sa labas ng window. Kumunot ang noo niya at nanlaki ang mga mata niya na parang may nakita na kakilala.

"Is that Traven?" tanong ni Mark at may tinuro siya. Napatingin naman kami, si Traven nga..

"Different girl, again," sabi ko kay Mark, nang makita ko na may kasama na naman siyang babae.

"What do you expect?" seryosong sabi ni Andrei.

"Who's Traven?" tanong ni Ishia kay Andrei.

"Siya yung kumanta no'ng sinurprise kita," sabi ni Andrei kay Ishia at napatango na lang siya.

"Markus, diba close kayo?" tanong ni Andrei kay Mark.

"Yup, why?" tanong ni Mark.

"Pa'no?" tanong naman ni Andrei.

"We attended the same Music Camp no'ng summer," sabi ni Mark at napatango lang si Andrei. Nang matapos na kaming kumain ay tumingin ako sa relo ko.

"Maaga pa... ang first screening is 7:00 p.m.," sabi ko sa kanila.

"Tara, Arcade tayo." Inakbayan ako ni Andrei at nag taka tuloy ako.

"Andrei di ako ang ka-date mo," sabi ko. Nanlaki naman yung mata niya.

"Oo nga pala! Sorry, nasanay lang ako na tayo ang magkasama." Lumapit siya kay Ishia at nag sorry. Tumingin ako kay Ishia at umirap lang siya sa akin.

"Maagawan pa ako ng date," natatawang sabi ni Mark nang lumapit siya sa akin. Dapat talaga lumayo na ako kay Andrei. Pagkatapos nitong date na 'to... lalayo na talaga ako ng tuluyan. Nakarating na kami sa Arcade at naglaro lang kami ni Mark ng basketball.

"Mas mataas ang score ko sa 'yo pa'no ba 'yan?" natatawang sabi ko kay Mark.

"Nagpatalo lang talaga ako..." nakangiting sabi ni Mark.

"Di mo lang tanggap na talo ka, eh..." sabi ko.

"Ishia ayaw mo talaga i-try?" rinig kong tanong ni Andrei kay Ishia.

"No, I'm good. Di ako mahilig sa arcade games," sabi ni Ishia at umupo lang siya sa isang upuan. Tumingin sa akin si Andrei.

"Zane, laro tayo nung barilan ng Zombie," yaya sa akin ni Andrei. Tumingin ako kay Mark at tumango lang siya.

"Game!" sabi ko at lumapit sa kanya. Wala naman sigurong masama laro lang naman.

"Ako ang player 2," sabi ko.

"Paramihan nang kills," sabi ni Andrei. Nag smirked ako sa kanya.

"Sure... dating gawi," sabi ko at nag start na kami mag laro.

"Matatalo rin kita," natatawang sabi ni Andrei. May pagka competitive rin talaga itong si Andrei.

"Wala... gawin mo!" sabi ko at nag focus na sa paglalaro.

Gagi! talo ako, tumingin sa akin si Andrei na ngiting tagumpay.

"Natalo rin kita sa wakas!" sabi niya habang pumapalakpak.

"You just got lucky!" sabi ko, tumingin ako kay Mark at parang disappointed siya. Nag peace lang ako at ngumisi siya.

"Re-match! Ako naman ang kalaban mo," hamon ni Mark kay Andrei.

Fallen for the Star (Stardom Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon