14

4.1K 30 0
                                    

“KASAGUTAN”

Sa isang silid.
May natutulog, may nagsusulat, nakikinig sa ibat ibang musika, walang katapusang pagtingin sa cellphone, at kung saan-saan nakatuon.
May nage-emote na tila baga buhat ang mundo. Mga taong ang lalim ng iniisip, walang mapaglabasan ng mga kinatatagong panaginip.
Mga taong nagnanais ng katahimikan, mga ayaw na lang umimik sa mundong ang daming pinaglalaban.
Ano kayang lasa ng kapayapaan? Ano kayang pakiramdam ng taong walang maramdaman?
Naranasan mo na bang matahimik, yung tipong di mo na alam ang dapat na gawin at di ka man lang makaimik?
Nakapapagod na buhay
Napakabagal na pag-usad
Kalungkutang walang humpay
Mga pakiramdam di ko masaad
Dumating ka na ba sa puntong ang tangi na lamang solusyon ay umiyak?
Mga mapapait na alaala ang nakatatak
Sa napakasikip na utak
Ang sakit, tinataga ako ng itak
Napakarami namang tanong na namamayani, gumugulo. Saklolo.
Ayoko ng isipin ang sagot at solusyon. Konsumisyon.
May narinig na tinig. Nakanginginig.
Mga balahibo sa katawa’y nagtaasan. Kinakabahan.
Ako’y maliligtas na, sa kalungkutang nangingibabaw
Magigising na sa katotohanang mahirap ang buhay
Ngingitian mga problemang umaapaw
Natagpuan ang tulad kong walang sinumang umaalalay
Salamat sa pagdating Mo, Ikaw lang pala ang sagot
Sa lahat ng tanong na ‘di matanto, sa mga pagod at lungkot
O Hesus, Ikaw ang kapahingahan, patuloy na matatakot
Sayo’y magpapasakop, di na muli sa kasalana’y masasangkot

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon