“PAALAM”
Anim na letra, isang salitang kay hirap sambitin. Isang salitang nagsisimula sa letrang P at sa katanungang PAANO! Paano, na ang mundong ginagalawan nating dalawa ay biglang nagbago? Paano nangyari na ang ikaw at ako o ang tayo ay biglang naglaho? Paano? Paano tayo humantong sa ganito?
Kay sarap isipin ng mga masasaya't malulungkot na alaala nating dalawa, ang iyong pagtawa sa tuwing ako'y nadadapa sa katangahan. Ang iyong pag-iyak sa tuwing ako'y nasasaktan.
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata, imahe mulang ang aking nakikita.
Ang iyong mga mata, na kumakausap at nagmamakaawa na mahalin parin kita hanggang sa huli.
Ang iyong mga labi na kasing pula ng aking mga pisngi tuwing sinasabi mong, tayo parin hanggang sa huli.
Ansakit, ansakit lang isipin na ang mga pangako mo sakin ay imposible ng mangyari,
Dahil kahit saang parte ng mundo pa kita hanapin, hinding-hindi na muling magkakatagpo ang mundong ating ginagalawan. Mahal? Kahit na wala nang ikaw at ako, tandaan mo. Mahal parin kita kahit malayo ka, mahal parin kita kahit hindi na kita maabot, mahal parin kita kahit ako'y nasasakta't nahihirapan na, mahal parin kita kahit sumuko ka na. Dahil mahal, Ikaw lang at wala ng iba kahit nagbitaw ka na ng salitang PAALAM. paalam, hindi dahil ayaw muna kundi dahil wala kana.
Subalit wag kang mag-alala, mamahalin parin kita kahit ikaw'y nasa KANYA na. Mahal, PAALAM at sa muli nating pagkikita.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.