24

2.8K 15 0
                                    

"HANGGANG KAILAN PA?"

Kelan mo ba balak pakalwan ako?
Kasi hirap na hirap na ako sa sitwasyong ganito.
Nakakulong ako sa mga desisyong hawak ang buhay ko
Kung magiging masaya ba ako sa mga bagay na nakikita ko,
O magiging malungkot sa damadaming di ko mapagtanto.

Kelan mo ko balak palayain sa sakit na aking nadarama
Sa bawat segundo na maghihintay ako sayong mga walang kasigaruhan mga salita
Sa bawat minutong makikita ko ang sarili kong nawawala
Sa bawat oras. Oras na walang tigil sa pagpatak ng sunod sunod na luha

Kalan? Hanggang kelan pa kita aalahanin?
Sa bawat kalye, bawat kanto
Sinubukan kong sabihin ang salitang ayoko
Sa bawat kalsada, bawat kilometro
Sinubukan kong umalis sa tabi mo
Pero hanggang kelan?

Kelan pa? Kelan mo ko balak turuan ng abakada?
A- akyatin ang mga pader na binuo mo sa pagitan natin
Ba- Baha, ang aking pipgilan kung ayoko na sa mundong aking tatahakin
Ka- Kalimutan ang mga alang ala na sa gabing malalim ay laging dumadadalaw
Da- dadalhin at magbabaon ako ng lakas loob at tapang kung matutuloy ang tanglaw
Pero ABAKADA.
A-ayoko na.
Ba- Bahala ka na.
Ka- Kaya ko to at kakayanin ko.
Da- Damdamin koy magbabago din.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon