61

2.7K 15 0
                                    

"NAGBAGO KANA"

Mga paglalambing mo'y hindi kona madama, mga salitang sinasambit mo twing tayo ay magkasama ngayon madalang ko nalang marinig yan sayo,twing tinatanong kita pagtingin lang sa malayo ang sagot mo at minsan binabaliwala mopa,
Twing ako'y maglalambing lagi kang nagagalit sakin twing nilalapitan kita kusa kanang lumalayo sakin.
Madalang nalang tayong mag usap madalang nalang tayong mag chat, naiintindihan kita kasi alam kong may ginagawa ka kahit lumipas yung linggo na hindi moko kamustahin ayus lang kase alam kong may ginagawa ka…
Pero mahal tanong ko lang bakit habang tumatagal ung panahon na hindi tayo nagkakausap bakit unti unti kanang nag iiba? Bakit twing tinatawagan kita number busy ka? Bakit twing pinupuntahan kita lagi kang wala? Mahal, bakit? Bakit?
Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila kahit ang hirap na kahit nagmumuka nakong tanga hindi ko sila pinakinggan dahil ang pinakinggan ko ung puso ko na sinasabi ikaw lang laman nito pero bakit  ang sakit? Ang sakit dahil khit wala nakong halaga sayo umaasa parin ako na baka ako'y maalala mo kahit abala ka…
Pero mas masakit dahil hindi mo sinabi sakin na may roon ka nang iba hindi mo sinabi saakin na may minamahal kana pala at hindi ako yun.
Sana nakinig ako sa sinasabi nila sana pinakinggan ko sila nung nakita ka nilang may ibang babae na kasama.
Sana sinabi mo sakin para hindi ako mag mukang TANGA sa harap nila na kahit ang hirap hirap na kinakaya ko pa kase mahal kita.
Eto na siguro ung tamang oras at tamang panahon na palayain ka kahit labag sa kalooban ko basta't makita lang kitang masaya sa piling ng iba habang hawak hawak ko ang pangako mo ng nag iisa.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon