“ITO NA ANG HULING YUGTO NG TULA KO PARA SAYO”
Mahal, mabilis lang pala
Gaya ng pagbigkas mo na may iba na
At pagkagapos ko sa oras na wala na talaga
Hanggang sa paghagulgol kasi sabi mo huli na pero baka pwede pa
Ilang buwan narin ang nakalipas diba?
Hindi mo na ba naaalala?
Sinuko mo na ba talaga?
Pag-usapan naman natin ulit baka may magagawa paAlalahanin mo naman ung pariralang TAYO PA
Pwede bang kalimutan mo kahit sandali na
KAYO NA?
Sige nanaman oh, balikan mo naman ung alaala na AKO PA
Pero mahal kung wala na talaga 'wag mo naman sakin ihalik ang salitang TAMA NASa mga larawan mo ngayon na may SYA NA
'Bat kailangan mo 'kong durugin sa sakit ng pagtulak na may IBA PA
Sa pagbulong mo ng mga katagang MASAYA KANA
Paano naman ang pagkabigti ko noong iwanan mo ko ng salitang BAHALA NAMatapos Kong maaabo dahil sa pagmamahal ko sayo
Bakit ang bilis mong sinuko ang mga pangarap na may TAYO?
Nasaan na ang parte na nagkaroon ng AKO?
Ibibitin mo nanaman ba ko sa pagbigkas mo ng EWAN KO?Saan ba ko nagkulang?
Alam mo ba ang sakit ng iwanan sa gitna ng nakamamatay na ilang?
Bakit ba ang dali na sayong maging manhid at isigaw ang WALA KA NALANGNgunit mahal, sa kabila ng sakit
Hayaan mo ko na sa huling pagkakataon sabihin sayo na minahal kita sa kabila ng pait
Sa pagkabaon ko sa hukay ng ating kahapon na sadyang nakakapang liit
Pakiusap ibaon mo naman ang huling yugto ng tula ko para sayo dahil ito na ang huling alala ng pagmamahal ko sayo na kailan man ay di naging PILIT
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryHi im James Moses Bongo 😊 i express my feelings through making a poetry.